The Black Necklace
MINICA
Sa sobrang pagod, agad kaming umupo ni Irina sa upuan sa loob ng locker room pagkapasok rito.
Sobra kasing dami ng mga costumer namin ngayon tapos konti lang kaming mga waitress, kaya ang ending?
Heto at pagod na pagod.
"Hay, grabe nakakapagod ang araw nato." Huminga pa ito ng malalim.
"Sinabi mo pa." Sang-ayon ko rito.
"Dapat dito tinataasan ang sweldo natin.” Ani nito bago tumayo at binuksan ang sariling locker.
"Asa naman tayong tataasan ni Boss ang sweldo natin.” Tumayo na rin ako saka dumiretso sa locker ko para kunin ang mga damit ko upang makapagpalit.
"Kung pwede lang akong mag-resign sa trabaho ginawa na.” Ani nito.
"Hay, maski ako gusto ko na nga ring mag-resign, kaya nga lang mahirap maghanap ng trabaho.” Bumuntong hininga ako bago pumasok sa banyo at nagsimulang magbihis.
"Kapag talaga nakahanap ako ng trabaho, aalis na ako sa restaurant na to at hinding hindi na babalik.” Rinig kong mahabang litanya nya mula sa kabilang banyo.
Hindi ko naman siya masisisi kung hindi na sya babalik sa restaurant na to kung sakaling makahanap sya ng trabaho.
Dahil maski ako ganon din ang gagawin ko.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto mula sa kabilang banyo senyales na tapos na siya.
Mas binilisan ko naman ang pagbibihis upang makauwi na kami agad.
Kaming dalawa na lang kasi ang natitira dito sa restaurant.
Nagtataka ba kayo kung bakit?
Kasi naman inutusan lang naman kami ni Irina ng MABAIT naming boss na linisin ang buong restaurant.
Ang bait talaga ng boss namin no?
Ewan ko ba don, mayron pa namang ibang waitress pero kaming dalawa pa ang inutusan na maglinis.
Hindi naman sa nagrereklamo ako pero, pansin ko lang lagi niya kaming pinagiinitang dalawa ni Irina.
"Minica, nilamon ka na ba ng banyo at ang tagal mo?” Napabalik naman ako sa reyalidad dahil sa katok ni Misha.
Hindi ko namalayang kanina pa pala ako nakatulala sa pinto ng banyo.
Agad naman akong lumabas at bumugad sakin ang naiinip na mukha ni Misha, hawak na rin nito ang kanyang bag.
"Mabuti naman at naisipan mo ng lumabas, akala ko nilamon ka na ng banyo.” Naiinip na ani nito.
"Sorry naman.” I pouted.
"Naku wag mo akong masorry sorry, alam mo bang kanina pa kita tinatawag pero hindi ka sumasagot, kung hindi pa kita kinatok hindi ka pa lalabas.” Mahabang litanya nito.
"Alam mo bang gutom na gutom na ako?” Dagdag pa nito habang nakahawak pa sa sariling tiyan.
Napatingin ako sa orasan, mag-aalas nueve na pala.
Kaya pala kanina pa kumukulo ang tiyan ko, mukang gutom na rin ako.
"Sorry na talaga, wag kang mag alala, ipagluluto na lang kita ng adobo.” Alam ko kasing paborito niya ang luto kong adobo.
Hindi naman sa nagmamayabang pero magaling akong magluto lalong lalo na kung adobo, ito kasi ang speacialty ko.
"Talaga?” Parang batang aniya.
BINABASA MO ANG
King Shadow's Heart
FantasyHe's ruthless, He's as cold as ice, He's dominant, He's hot, He's dangerously handsome, And most of all, He's extraordinary. Why? 'Cause he doesn't have a heart. Yes!!! You read it right! He doesn't have a heart, a literal heart. His name is Shadow...