Heart 4

21 3 0
                                    

Where am I?

MINICA

Nagising ako dahil sa ingay ng huni ng mga ibon na nanggagaling mula sa labas ng bahay pero hindi ko pa rin minumulat ang aking mga mata.

Gustuhin ko mang humilata sa malambot na kama buong araw, hindi pwede dahil may trabaho kami ni Irina ngayon.

Inaantok man, dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga sa kama habang humihikab pa.

Akmang aalis na ako sa kama ng mapatigil ako.

Teka!!!

Kelan pa naging malambot ang kama ko?

Sa pagkakatanda ko manipis na ang kutson nito kaya naman kung hihiga ka rito, paniguradong pagising mo sa umaga, masakit na ang likod mo.

Napamulat ako ng mata.

Pagmulat ko tumambad sa'kin ang hindi pamilyar na kwarto.

Iginala ko ang aking paningin sa loob ng kwarto kung nasaan ako.

Hindi ko maiwasang mamangha sa nakita ko, pakiramdam ko para akong nasa isang modern fairy tale na kung saan isa akong prinsesa dahil sa disenyo ng kwartong ito.

Mula sa mga furnitures hanggang sa mga gamit dito na ang disenyo ay pinaghalong modern at medieval style.

Napatigil ako.

Last time I check hindi ganito kaganda ang kwarto ko.

Ang kaninang pagkamangha ko ay biglang nawala at napalitan ng pagpapanic ng mapagtanto ko kung nasaan ako.

Wala ako sa sarili kong kwarto!!!

Mukang namamalikmata yata ako.

Napakurap ako ng ilang beses bago ko ipinikit ang mga mata ko saka ito kinusot upang makasiguro na hindi ako namamalikmata.

Ngunit pagmulat ng aking mga mata, nandito pa rin ako sa magandang kwarto.

"Aray!" Ani ko ng masaktan dahil sa pagkakurot ko sa aking kamay.

Mukang hindi nga yata ako namamalikmata.

Pero kung hindi ako namamalikmata, nasaan ako?

Paano nga ba ako napunta dito in the first place?

As if on cue biglang nagflashback sa'kin ang lahat ng nangyari kagabi mula sa pagpasok ng akyat-bahay sa kwarto ko, yung paghingi ko ng tulong pero walang nakarinig ni isa, yung gwapong mukha ng akyat-bahay na nakasuot ng costume na pang-prinsepe, at ang pangalan nito.

Sigurado akong ang lalaking yun din ang nagadala sa'kin dito.

Gustuhin ko mang isipin na panaginip lang ang lahat ng nangyari kagabi hindi ko magawa, lalo na at nagising ako sa kwartong hindi naman sa'kin.

Ganumpaman, kailangan kong makaalis sa lugar na 'to lalo na't hindi ko kilala ang lalaking nagdala sa'kin dito baka mamaya miyembro pa ito ng sindikato at ibenta ako.

Tumayo ako mula sa malaking kamang kinahihigaan ko na sa sobrang laki, kasya na ata ang limang katao.

"Gising na po pala kayo." Napaigtad ako ng may biglang nagsalita.

Napatingin ako rito.

"S-Sino ka?" Mukhang hindi ko napansin ang pagpasok nito.

"Ako po si Hera, Miss." Magalang na pagpapakilala nito.

Nakasuot ito ng black and white na uniform ng mga maid na hanggang tuhod.

Napansin kong may dala rin itong gown na paballoon ang style na kulay puti at isang tiara na kulay silver na may mga dyamateng itim na iba't iba ang laki.

King Shadow's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon