My Handsome Kidnapper
MINICA
Hinihingal ako ng makababa sa hagdan na para atang wala ng katapusan sa baitang.
"Okay ka lang ba?" Napatingin ako kay Hera ng magsalita ito.
Ni hindi man lang ito hiningal sa rami ng baitang ng hagdan na binaba namin habang ako kulang nalang e lumabas ang dila ko dahil sa pagod, idagdag mo pa ang high heels at mabigat na gown na suot-suot ko.
At nagawa pa talaga niyang magtanong sa lagay kong 'to?
Makailang ulit pa akong huminga ng malalim bago ko nagawang magsalita.
"Grabe ang laki ng bahay na to pero wala ba kayong elevator dito?" Sa halip ay tanong ko.
"Elevator" Kumunot ang noo nito. "Ano na naman 'yon?" Tanong nito saka nagsimulang maglakad.
Hindi ba niya alam kung ano iyon?
Yung totoo sa bundok ba 'to nakatira?
"Yon yung sinasakyan para madaling makataas o makababa sa mga matataas na gusali o bahay." Sinundan ko siya sa paglalakad.
Tumango-tango ito.
"Ah, yun pala yon. Wala kasi kami non eh." Balewalang sagot nito.
"Yung totoo, saang bundok ka ba nakatira?" Tanong ko.
Sa tingin ko pa lang kasi sa loob ng bahay na 'to, hindi lang basta-basta ang mga gamit.
Kaya nakapagtataka lang na wala silang elevator pero yung pasilyo nila malapalasyo sa ganda.
Yung mga vase kasi na nadaanan namin eh parang may halong ginto, habang yung mga painting naman halatang mabusisi ang pagkakagawa rito at talagang pinaglaanan ng oras dahil kung titingnan para ka na ring nasa loob ng painting dahil sa pagkakapinta nito na parang totoo, idagdag mo pa na kakaiba ang mga nakapinta rito tulad na lang ng mga kabayong may pakpak na lumilipad sa himpapawid at mga lumulutang na palasyo sa langit. Ang mga dingding naman ay may mga disenyo na hindi ko maintindihan pero maganda pa ring tingnan.
Malamang hindi basta-basta lang ang may-ari nito at hindi na rin ako magugulat kung doble-doble rin ang laki ng bahay na 'to kaysa sa bahay ng mga ibang may kaya rin sa buhay.
"K-King Shadow."
Napabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang nanginginig na boses ni Hera, dahilan para mapatingin ako sa aking harapan.
Pakiramdam ko tumigil ang pag-ikot ng mundo ng magtama ang aming mga mata.
Nakaupo siya sa gitna ng mahabang lamesa na kasya yata ang isangdaang tao dahil sa haba nito habang nakasuot ng damit tulad ng mga prinsepe.
Posible palang mangyari sa totoong buhay yung mga napapanood ko sa tv.
Habang nakatingin ako sa kanyang kulay abo mga mata pakiramdam ko unti unting bumagal ang pag-ikot ng mundo.
Idagdag mo pa na nakasuot ako ng tiara at gown habang siya naman ay nakasuot ng damit na pang prinsepe, pakiramdam ko nasa isa akong fairy tale na kung saan ako yung prinsesa at siya naman ang aking prinsepe.
Dumako ang mga mata ko sa makakapal nitong mga kilay papunta sa kanyang mahahabang pilik-mata papunta sa matangos nitong ilong hanggang sa dumako ang aking paningin sa mapupula nitong labi na parang ang sarap halikan buong araw.
Ano kayang pakiramdam ng mahalikan iyon?
"Are you done fantasizing about me?" Malamig na ani nito dahilan para gumalaw ang kanyang labing animo'y nang-aakit na halikan k—
BINABASA MO ANG
King Shadow's Heart
FantasyHe's ruthless, He's as cold as ice, He's dominant, He's hot, He's dangerously handsome, And most of all, He's extraordinary. Why? 'Cause he doesn't have a heart. Yes!!! You read it right! He doesn't have a heart, a literal heart. His name is Shadow...