Heart 3

19 2 0
                                    

King Shadow Legrand

Ms Jelly

Hinihingal na napabangon mula sa mahimbing na pagkakatulog ang binatang hari ng Dark Kingdom na si Shadow.

Bumuntong hininga ito bago napahawak sa kanyang dibdib kung nasaan dapat ang kanyang puso.

"Finally, my HEART found its owner already.” Ani nito.

Tumayo ito mula sa kama at naglakad patungo sa veranda ng kanyang kwarto.

Hindi na ito nag-abala pang buksan ang ilaw sa kanyang silid.
Dahil kabisado nito ang sariling kwarto hindi na nito inalintana ang kadiliman ng kanyang paligid at basta na lang naglakad patungo sa veranda na animo'y nakakakita sa dilim.

Dahil na rin sa lumulutang ang palasyo niya, pagkalabas sa veranda tumambad agad sakanya ang kulay asul na buwan ng Mysteria na siyang nagbibigay ilaw sa madilim na veranda ng kanyang kwarto.

Ang kulay asul nitong kulay at ang liwanag nitong siyang nagbibigay ng ilaw sa madilim na gabi ay kay gandang pagmasdan na aakalain mong nasa isa kang fairytale.

Bahagya pa siyang tumingala upang mas matingnan ang asul na buwan bago pumikit ng mariin.

He sighed as he remembers how he lost his heart.

He was cursed by a fairy godmother because of his wrong doings.

As a punishment the fairy godmother took his heart and made it as a black, heart shaped necklace and brought it with her.

She said a girl with a good and pure heart will own his necklace heart and will be the only one who can break the curse.

It's been eight years since he lost his heart, literally, and yet he's still alive and breathing but he doesn't feel anything.

It's like that he's alive but he feels nothing like a dead.

He emotionlessly smirked.

And now that his heart has an owner already, he need to get the girl for him to break the curse and get his heart back.

He opened his eyes.

Whoever you are get ready 'cause I'm going to get you by hook or by crook.

MINICA

Nagising ako dahil sa sobrang lamig na nararamdaman ko.

Sa pagkakaalam ka wala naman kaming aircon o electric fan, kaya bakit sobrang lamig dito sa kwarto ko?

Inaantok na iminulat ko ang mga mata ko upang alamin kung bakit sobrang lamig.

Pagkamulat ko, agad na tumambad sakin ang nakabukas na bintana sa kwarto ko dahil nakaharap ako sa direksyon kung nasaan ito.

Huh?

Sa pagkakatanda ko isinara ko ito bago matulog.

Kung ganon bakit kaya ito nakabukas?

Dahan-dahan akong bumangon at umalis sa kama ko saka inaantok na naglakad patungo sa bintana ng aking kwarto.

Bahagya pa akong napayakap sa sarili ko ng maramdaman ko ang lamig ng hangin na tumama sa balat ko ng makarating ako sa tapat ng bintana.

King Shadow's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon