Heart 6

24 0 0
                                    

Ang Gwapong Baliw

MINICA

Kahit na anong sarap ng mga pagkaing nakahanda sa hapag kainan, hindi ko magawang kumain ng marami.

Ang kaninang gutom na nararamdaman ko ay bigla na lamang nawala dahil sa mapanganib na presensya ng lalaking katabi ko.

Pareho lang kaming tahimik na kumakain habang palihim ko siyang sinusulyapan.

Hindi na ako muling nagsalita matapos ako nitong pagbantaan na papatayin ako kapag ginalit ko siya. Takot ko lang na mamatay.

Nang makita kung patapos na ito sa pagkain, binilisan ko ang aking pagkain upang maabutan ito. Mahirap na at baka magalit pa ito at patayin ako.

"So, do you have any idea why did I brought you here?" Ani nito ng matapos kumain.

Nagtanong ka pa eh ikaw kaya ang nagdala sa'kin dito.

"H-Hindi ko alam. Bakit mo nga ba ako dinala dito?" Hindi maiwasang tanong ko rito.

Sa dinami dami ba naman kasi ng mga bahay na pwede nitong pasukan, bakit yung saamin pa ang napili nito?

Eh di sana wala ako dito.

Mataman ako nitong tinitigan na parang bang sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo.

Napaiwas naman ako ng tingin dito dahil hindi ko kayang salubungin ang intensedad ng pagkakatitig nito.

"So, you don't know anything about my heart." Malamig na sagot nito.

Napakunot-noo ako. Paanong nasingit ang puso nito sa usapan?

"Ano namang kinalaman ng puso mo rito." Naguguluhang tanong ko.

"You're here because my heart chose you." Simpleng tugon nito.

Huh?

Imbes na malinawagan mas lalo lang akong naguluhan sa naging sagot nito.

"Huwag mong sabihing inlove ka saakin at matagal mo na akong iniistalk?” Napasinghap ako.

Huwag mong sabihing—

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa katawan ko at wala sa oras na napayakap rito.

Napatingin ako sa kabuuan niya.

Well, gwapo siya pero hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari kung meron man.

Dalagang pilipina kaya to!

"Don't look at me like I'm going to rape you. Your not that pretty. You're not even likeable, besides i'm not into walls." Ouch.

Kailangan ba talagang ipamukha saaking pangit at flat-chested ako?

Palibhasa mas gusto ng mga lalaki ang mga babaeng maganda at malaki ang hinaharap kahit na pangit ang ugali.

Paano naman kaming mga babaeng di-kagandahan pero maganda naman ang ugali.

"Ang sakit mo namang magsalita." Ani ko.

"Truth hurts." Napatingin ito sa dibdib ko. "I'm just telling the truth."

Harsh.

Pasimple kong sinapo ang aking dibdib.

Inaamin kung flat-chested ako pero ano namang kinalaman ng nananahimik kong dibdib dito at pinagdidiskitahan niya.

"Oo na, oo na, ako na ang pangit at flat-chested. Ano ba talagang kailangan mo sa'kin at kinidnap ako? Wala ka namang makukuha sa'kin maski ni isang kusing." Naguguluhang tanong ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

King Shadow's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon