Tale 30

31.5K 975 154
                                    

Tale 30
A Secret
~Francis~


"Dude okay ka lang??" tanong ni Louie kaya agad napukaw ang atensyon ko

"Yeah." Tugon ko saka muling ibinaling ang aking pansin sa aking ini-empakeng mga gamit.

Magkakadormmate kaming tatlo nina Jaden at Louie. Ito ang dahilan kung paano kami nagkabuklod-buklod at naging magkakaibigan.

"This is way too sudden." Komento ni Jaden kasabay ng isang buntong hininga.

"Don't worry. After two weeks magreresume na ulit ang mga klase. Bibigyan lang nila tayo ng short break para maayos nila ang mga nasirang facilities pati na din ang mga dapat nilang ayusin sa Council of Magic." Saad ni Louie

"Okay ka lang Jaden??" tanong ko. Ito ang tanong na iniiwasan naming ungkatin ni Louie this whole time. Pero kailangan ko itong itanong. This is truly unavoidable.

Nagbuntong hininga si Jaden at sabay kaming napalingon ni Louie sa kanya.

"I don't know. Hindi ko alam kung paano haharapin ang mga taong nagsumikap para makapag-aral kami dito ng kakambal ko. Hindi ako nagdaramdam sa naging desisyon ni Javen. May tiwala ako sa kanya. Perohindi ko maiwasang  mag-aalala kung tama ba talaga ang ginawa nya." Tugon ni Jaden

Hindi kami nakatugon sa sinabi ni Jaden.

Sa kasalukuyan ay hinahanap na ng Council of Magic sina Charm upang kaharapin ang mga nangyari. Patuloy pa din ang imbestigasyon sa totoong rason ng nangyaring gulo. Pero kung hindi pa sila babalik upang magpaliwanag, mukang tuluyan na silang magiging mga Wanted Criminals sa kaharian ng Ignis. Yun ang pinapangamba naming tatlo.

"Wag kayong masyadong mag-alala. Si Javen ay kalahati ng pagkatao ko. Mararamdaman ko kapag nalagay sya sa panganib. May tiwala ako sa kanya. Tsaka si Charmaine ang kasama nya, wala tayong dapat ipangamba." Saad pa ni Jaden upang pagaanin ang nararamdaman namin.

Kalahati ng pagkatao. Naiinggit ako sa tiwala nila sa isat-isa ng kanyang kakambal. Sana ay ganyan din kami ng kakambal ko. Pero malabo nang mangyari yun. Langit at lupa ang agwat namin sa isat-isa. Isa syang tala sa kalangitan na hindi ko maaaring abutin.

"Pero kasama nya din si Flay! For sure gagawa ng gulo ang isang yun kaya naman hindi ko maiwasang mangamba para sa mga kaibigan nya." Naiiling na biro ni Louie kaya pareho kaming natawa ni Jaden.

"Pero may punto si Jaden, for some reason, knowing that they have Charmaine on their side, feeling ko wala tayong dapat ipag-alala." Komento ko naman

Tumango naman si Louie. "Although I still don't understand the reason behind her actions, I still think we can trust her. At tsaka hindi ba kayo nagugutom? Magmeryenda muna tayo sa cafeteria! I'm starving!"

***

"Oyy nabalitaan nyo na ba? Nawawala din daw sina Cobalt Lockwood pati na ang 5th prince ng Ventus Kingdom na si Ashley Vanderwood Youngblood..?" chika ni Louie

"San mo naman nasagap ang balitang yan??" tanong ko habang ngumunguya

"Kay Carlos. Yung pinakachismoso sa klase natin." Tugon nya

"May connection din ba sila sa mga nangyari??" tanong ni Jaden

"Hindi ko alam." -Louie

Natawa ako. Minsan talaga engot itong kaibigan ko. Nagkekwento pero hindi alam yung buong istorya. Ito yung cute na side ni Louie. Haha

"Ahh sya nga pala! Next week na ang Coronation Day ni Princess Olive. Invited din ba ang pamilya nyo Francis??" tanong ni Louie sakin out of the blue

WitchcraftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon