Tale 65

24.8K 944 168
                                    

Tale 65
Eventful Years

"When dragons went extinct, they froze their own hearts. As the strongest existence with no one to stop them, their powers can be use for trivial things if passion overcame reason and emotion overcame rationality.”
-The Book of Khalel, translated by Alena Hart

Nakatanaw ang isang matipunong binata sa labas ng isang magarbong kalesa. Ang kanilang destinasyon ay ang tanyag na bayan ng Theos kung saan gaganapin ang taunang Licentiam Exam for Mages.

Exactly two years ago, the birth of a monstrous genius was witness by the world. The number one mage in the tree of origin, the Witch of Apocalypse, Charmaine Artemis Clifford. Sa nakalipas na dalawang taon ay nawalan ng balita ang mga tao tungkol sa dalaga. Tila naglaho ito na parang bula. Kung gaano kabilis nakilala ng lahat ang pangalan nito, ganoon din kabilis nakalimutan ng mga tao ang taglay nitong kapangyarihan. Alam nila na malakas ang mage na nasa top 1 ng ranking, pero dahil wala nang bagong mga kwento ukol dito, naglaho na din ang takot na nararamdaman ng lahat sa kapangyarihan nito.

“Gavriil may problema ba?” tanong ng isang magandang babae na nakaupo sa kabilang bahagi ng kalesa. May pag-aalala sa kanyang mga mata. Ang babae ay walang iba kundi ang reyna ng Aragon, si Queen Olive.

Marahang umiling ang binata. “Wala. Walang problema Kamahalan.” Nakangiti nyang tugon dito.. Hindi napansin ng dalaga na hindi umabot sa mga mata ng binata ang ngiti nito..  Oras na.

Samantala, sa  nakalipas na dalawang taon, ilang pag-aaklas ang naganap. Sa umpisa ay Hindi ito inalintana ng mga noble birth, nandyan naman ang royal army upang protektahan sila. Pero nagkamali sila. Ilang maimpluwensyang bayan na ang kasalukuyang hawak ng bandidong grupo na nagpakilala bilang Eleutheria.

Ayon sa mga kwento ay layunin ng grupo na baguhin ang mga namumuno sa limang kaharian at bigyang hustisya ang mga naaapi. Marami nang nahikayat ang grupo. Napukaw nila ang damdamin ng mga mahihirap, ng mga naaapi, ng mga biktima ng di makatarungang batas ng monarkiyang sumasakal sa mga tao. Ilang beses na nilang nakaharap ang royal army, at hindi sila matalo ng mga ito! Balibalita na maging ang ilang magic guild at dark guild ay nagkasundo na lihim na suportahan ang layunin ng grupo.

Hindi naging mapayapa ang nakalipas na dalawang taon. Nasaan na ang tinatawag na pinakamalakas na mage? Nagkaroon ng pagdududa ang mga Tao. Hindi ba at malakas ito? Nasaan ito ngayon?

Hindi lang ang grupong Eleutheria ang umagaw sa atensyon ng mga Tao. Isang mahiwagang grupo ang syang lumitaw isang taon na ang nakalilipas. Yumayanig ang mundo sa kanilang presensya, tila ba isang batalyon ng mga anghel na lilipol sa mundo ang kanilang mahiwagang presensya. Lumilitaw sila sa gitna ng mga laban. Dumadating sila na nababalot sa hamog, sa loob ng hamog ay may maririnig na mga yabag ng mga Tao, mga boses na nagchachant ng mahiwagang spell, lahat ng madadaanan nilang lugar ay napipintahan ng pula dahil sa dugo ngmga pinatumba nilang ka laban. Walang nakakaalam kung sino sila at kung saan sila nagmula. Kinilala sila ng mga tao bilang Armageddon sapagkat agad nagwawakas ang labanan sa kanilang pagdating. Isa silang pwersa na walang kayang pumigil. Tila ba sila lamang ang mananatiling nakatayo kahit sa huling mga oras sa pagsapit ng katapusan ng mundo.

“Balita ko ay ngayong taon kasali sa mga examinees ang pinakatalentadong prinsesa ng mga Alexus. Ang 8th princess, si Prinsesa Briar!”
“Hindi lamang sya ang royalty na kalahok ngayon taon, maging si Prinsepe Eugene ng Ventus! According sa rmga balita sya daw ang may pinakamalakas na Elemental Magic sa kasaysayan ng kaharian ng Ventus. Sya ang tanging mage na nakalikha ng elemental spirit!”
“Elemental Spirit? Ano yun?”
“Hindi ko din alam kung ano yun, basta mukang astig kaya nakakahanga!”
“Balita ko malakas din ang mahika ng sorcerer ng pamilya Hohenheim, si Sir Judah!”
“Pati na din si Lady Circe ng bayan ng Gandarva, may pambihira syang talento saTransformation Magic!”
“Hindi lamang sila ang inaabangan ng lahat! Ngayong taon din lalahok ang personal knight ni Queen Olive, si Sir Arren Gavriil Lockser!”
“Mukang mas magiging kapanapanabik ang Licentiam Exam ngayon taon! Last year walang kakaibang nangyari. Kumpara sa pasabog na dulot ng paglitaw ng Witch of Apocalypse two years ago, tila walang kwenta ang exam last year.”
“Totoo yan. Pero nawala na lang sya na parang bula.”
“Sabi sa mga balita ipinaligpit sya ng royal families dahil sa hindi nya pag tugon sa Royal Summons.”
“Hindi ako naniniwala. Sya ang pinakamalakas na Mage kaya paano sya matatalo?”
“Nagdududa din ako nung una. Pero maaaring gumamit sila ng patibong o di kaya ay pinagtulungan sya ng malalakas na mage.”
“Impusible pa din! Marami syang mga kaibigan na parte ng top25. Hindi man lang sya tinulungan?”
“Naghiwahiwalay na daw ng landas ang grupo nila. Huli silang nakitang magkakasama ay noong nagkrus ang mga landas nila sa isang misyon sa Aragon.”
“Pero magkakaibigan sila diba?”
“Balita ko ay naunang bumuwag sa grupo ang kasalukuyang Guild master ng Heaven's Will, si Ms. Javen..”
“Nabalitaan ko din yan! Almost two years ago, isang disyerto sa Uddara ang muntik nang maglaho sa mapa ng Aralon matapos nilang maglaban-laban. Akala ko magkakaibigan sila, pero muntik na silang magpatayan!”
“Balita ko wala namang nakakita sa naging laban, hindi ba?”
“Mayroon! According sa eyewitness ay isang nakakakilabot na laban ang naganap. Muntik na syang mamatay kung Hindi sya nakatakas gamit ang teleportation magic.”
“Totoo ba yan? Akala ko ay tsismis lang yan noon.”
“Akala ko din.. Sa umpisa ay walang naniwala sa eyewitness, pero matapos makita ng mga Tao ang disyerto na ngayon ay isa nang dagat, nakumpirma ng mga Tao ang balita!”
“Kung sa bagay. Wala ding naging komento ang magkakaibigan kaya pusibleng totoo!”
“Oo! Hindi nila itinanggi ang balita.. Hindi na din sila nakita pang magkakasama SIMULA noon.”
“Akala ng lahat ay magtatayo sila ng isang makapangyarihang guild. Sinong mag-aakala na maghihiwahiwalay sila at pagkatapos ay maglalaban-laban?”
“Totoo yan. Akala ng lahat ay magkakaibigan sila. Marahil ay Mali ang mga balita.”
“Ibig sabihin ba ay totoong patay na ang Witch of Apocalypse?”
“Hindi pa naglalaho ang pangalan nya sa Tree of Origin. Kapag namatay ang isang mage ay lilipat ang pangalan nila sa mga dahon at maglalaho sa puso ng puno.”
“O-oo nga ano?”
“Kung buhay pa sya, nasaan sya?”

WitchcraftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon