A/N: Surprise! Surprise! Double update for this week as celebration dahil #1 tayo ngayon sa Adventure category! Hooray! Thank you everyone!
Maikli lang itong chapter kasi minadali, sorry for the typos. And oh, you might need to grab some tissues. Drama is not my forte so I'm not sure if you'll need to blow your nose and wipe away your tears but hey, it might come in handy. Too much spoiler, I'll shut up now, just read and enjoy~Tale 49
DemiseMapayapa ang syudad ng Silas.
May mga royal guards na nagpapatrolya sa bawat sulok ng syudad.
Buhay na buhay ang mga pamilihan. Masagana ang buhay ng mga mamamayan.
Makikita si Rikka, ang mage na pasok sa rank 500 na nagpapaypay ng isang mamahaling pamaypay. Sa harap nya ay ang duke ng syudad ng Silas. Seryoso ang kanilang pinag-uusapan habang pinapagalitan naman ng dutchess ang kanilang anak na si Mischa.
Mapayapa.
Tahimik.
Pangkaraniwan.
Subalit isang malakas na pagsabog mula sa nakapalibot na kakahuyan sa labas ng syudad ang bumulabog sa lahat.
Yumanig ang buong syudad dahil sa impact ng pagsabog.
Marami ang nawalan ng balanse.
Ang iba ay agad nagtago sa ilalim ng mga konkretong mesa.
Nagdilim ang kalangitan dahil sa kapal ng abo sa hangin.
Akala nila ay katapusan na ng mundo.
Noong bumalik sa normal ang lahat ay agad inimbestigahan ang mga nangyari.
Ang kakahuyan ay nagkaroon ng mga sunog na parte.. May pattern ang mga ito!
Magic circles!
May naganap na laban sa lugar!
Nahirapan ang mga autoridad sa imbestigasyon sapagkat patuloy pa ring natutupok ng apoy ang ilang parte ng kakahuyan.
Sa ikatatlong araw ng imbestigasyon ay nakarating sila sa pinakapuso ng naging laban sa tulong ng ilang mga mage.
Doon natagpuan nila sa gitna ng apoy ang katawan ng ilang mga tao. Sa kasuotan nila ay makasisigurado na mula sila sa ibang lugar. May takip ang kanilang mga muka na tila ipinadala sila sa isang lihim na misyon.
Subalit ang pinakanakakagulat ay ang kanilang kalagayan.
Nababalot sila sa puting crystal na napalilibutan ng apoy!
Yun ang kanilang unang akala.
Noong malapitan nila ang mga ito ng lubusan, napagtanto nilang Hindi ito crystal.
Ice.
Nababalot ang mga taong ito sa yelo.
Yelo na Hindi kayang tunawin ng naglalagablab na apoy.
***
Samantala, ang mga taong may sanhi ng nangyari sa kakahuyan sa labas ng syudad ng Silas ay malayo na sa lugar.
Sakay sila sa isang Chelona na isinammon ni Flay. Isa itong uri ng nilalang na kawangis ng pagong. Pero sa halip na sa tubig, lumalangoy ito sa himpapawid.
Nararamdaman ang awkward atmosphere na bumabalot sa kanilang paglalakbay.
“Ahm.. Okay. So mga priestesses din kayo tulad nina Tanisha, August at Alivia??.” Basag si Flay sa katahimikan
BINABASA MO ANG
Witchcraft
AdventureHighest Rank #1 in Adventure Alam ni Charm kung gaano kadelikado ang mahika. Kaya naman nang mapilitan syang magtransfer sa isang magic school sa isang mahiwagang mundo, hindi nya magawang harapin kung sino at ano ba talaga sya. Hindi lahat ng fanta...