Tale 69
The King"Even a rose has it's thorns, just as a person has flaws and imperfections."
-TheWitchInTheCastle, a novel written by Lana CrossSa isang silid na nababalutan ng yelo, isang kulay puting dragon ang dahan-dahang nagmulat ng kanyang mga mata. Pumaling ang kanyang ulo sa direksyon na pinanggalingan ng tunog. Ang Campana Regal. Ang pagtunog nito ay nangangahulugan lamang ng isang bagay, the bloodline of the true rulers.
Tulad ng kulay puting dragon, ilang pares ng mga mata ang dumilat sa ibat-ibang parte ng mundo ng Viribus. Bawat nahihimlay na dragon ay narinig ang pagtunog ng kampana.. Sila man ay nasa kontinente ng Arcadius o wala, malinaw nilang narinig ang kampana. Ang tunog nito ay nagbibigay anunsyo sa pagdating ng kanilang totoong pinuno. Walang kahit isang dragon ang maaaring magkaila sa katotohanan na ito.
Wala pang kamalayan ang lahat sa sabay-sabay na pagkilos ng mga dragon.
Samantala, halos maubusan na ng hangin ang lahat ng manonood ng Dragon’s Roar dahil sa pagpigil sa kanilang paghinga. Hindi sila makapaniwala sa pagtunog ng Campana Regal. Dahil ba talaga ito sa dalagang nasa paanan ng kampana? Hindi nila matanggap ang katotohanan. Hindi nila kilala ang dalaga, natural lamang na makaramdam sila ng pagkakaila matapos madiskubre na nagkaroon ng malakas na reaksyon ang Campana Regal sa pagdating ng isang estranghero.
“Hindi kaya sira lamang ang Campana Regal?”
“Baka may tumama lang na malaking bato kaya tumunog?”
“Hindi yan kayang patunugin ng ganun-ganon lamang. Wag nyo kalimutan na ilang daang taon nang nananahimik ang kampana.”
“Ibig sabihin ba malakas ang kapangyarihan ng binibining yun?”
“Maaari. Pero pusible din na hindi.. Konsentrasyon ng dragon blood ang sinusukat ng Campana Regal, hindi ang kapangyarihan ng dragon.”
“Pero sino ba sya? Saan sya nagmula?”
“Naaalala ko sya kahapon! Ang alam ko ayArtemis ang kanyang pangalan..”
“Artermis?? Saang pamilya sya napapabilang? Isa ba syang Azure Dragon?”
“Walang nakakaalam..”
“Isa lang syang estranghero.. Maaaring mula sya sa labas ng kontinente!”Samantala, ang subject ng maingay na diskusyon ay tahimik na ipinagpatuloy ang kanyang paglalakad. Hindi man halata sa poker face nyang muka pero puno sya ng antisipasyon sa magiging laban nya mamaya!
Ilang sandali ang kinailangan upang makabawi sa nangyari ang lahat. Pinili ng mga organizer na ipagpatuloy ang magaganap na patimpalak. Dahil dito ay saka lamang muling napuno ng excitement ang lugar. Iilan lamang sa mga manonood ang nanatiling tahimik, karamihan ay mga nakakatandang mga dragon na higit na nakakaalam sa tunay na kahulugan ng pagtunog ng Campana Regal. Ang atensyon ng mga kabataan ay nasa magaganap na mga laban. Lingid sa kaalaman ng lahat ay ipinagbigay alam na ng mga organiser ang nangyari sa mga elders at kasalukuyang pinagdidiskusyunan ang pagkatao ng dalaga.
Ang Roar of the Dragons o mas kilala na Dragon's Roar ay may limang Block. Block E to Block A. Mayroon ding special block na tinatawag na Block S, Block SS at Block SSS. Ang bawat kalahok ay maglalaban-laban base sa block na kinabibilangan nila. Ang matitira sa bawat block ay syang maghaharap-harap sa Semifinals. Ang top 5 ang syang magiging representative para sa darating na Intercontinental Arena of Heroes.
Aliw na aliw na kumakain ng popcorn si Blue na makikitang nakaupo kasama ang iba pang mga manonood. Sa tabi ni Blue ay kalmadong nakamasid si Athanasius sa mga laban.
Dahil si Charm lamang ang nag-iisang Block S ngayong taon, kailangan nyang hintayin na matapos ang mga laban. Ang tanging laban na kakaharapin nya ay ang Semifinals at Final Rounds. Hindi sya masaya dahil dun.
![](https://img.wattpad.com/cover/125607129-288-k620579.jpg)
BINABASA MO ANG
Witchcraft
AdventureHighest Rank #1 in Adventure Alam ni Charm kung gaano kadelikado ang mahika. Kaya naman nang mapilitan syang magtransfer sa isang magic school sa isang mahiwagang mundo, hindi nya magawang harapin kung sino at ano ba talaga sya. Hindi lahat ng fanta...