[9] "Basketball"

9 2 0
                                    

Kinabukasan...

~TOOT TOOT TOOT~ ~7:00am~

Sinarado ko na yung alarm ko at kinuha ko phone ko. Saturday ngayon! Ngayon yung session sa basketball!! Kaso di pa ako nakakapagpaalam kila mama at papa. -_-

Dumiretso ako nang cr at naghilamos nang mukha at nagtoothbrush.

Pagkababa dumiretso ako nang dining room para kumain. Andun si mama, papa, at kuya.

"Goodmorning" Bati ko.

"Goodmorning baby!" Bati ni mama.

"Goodmorning princess!" Bati ni papa.

"Tsk, baby? Baka baby damulag. Wahahhaha!" Pangasar ni kuya.

"Ha ha ha! Nakakatawa kuya." Sarkastiko kong sabi, tapos inirapan ko siya.

"Kayong dalawa! Magsitigil nga kayo! Hahaha!" Sita ni mama.

Kumain na kami. Nagtataka ako kung bakit nakabihis si kuya nang pangbasketball.

"Kuya, bakit ka nakabihis nang pang basketball?" Tanong ko.

"May basketball session sa school niyo, sinabi sa akin ni Kyle. Kaya sasali ako." Pagpaliwanag niya. AHA! Kasali pala siya!

"Ahh, mama, papa, pwede ba ko sumama kay kuya, gusto ko rin mag basketball.." Sabi ko. Nung bata ako, may ginawang shooting ring ang kapit bahay namin. Si Gwen, siya ang naglalaro nang basketball dun. Dahil magkapit bahay kami, nakikisali ako, dun rin ako natuto magbasketball. Dun din nagsimula ang pagkakaibigan namin...

"Wha--"

"Sige anak, anong oras ba yun?" Tanong ni papa.

"8:30am po hanggang 4:10pm." Sagot ko.

"Nasaan mo nalaman yan?!" Nagtatakang tanong ni kuya.

I looked at him with a bored look and said..

"School nga namin eh, paano ko hindi malalaman. At nagkalat na yung taurpaulin tungkol dun." Mataray kong sagot.

"K, sumabay ka na sa akin." Sabi ni kuya.

Yessss!! Pinayagan na koooooooo!

Pagkatapos ko kumain, umakyat na ko sa taas at naghanda...

Nagsuot ako nang white na tshirt at pang volleyball na shorts. Hindi ako lalaki para magsuot nang shorts na pang basketball, hehehe.. nagtali din ako nang buhok. Nagdala na rin ako nang extra t shirt, water bottle at snacks. Hindi maiiwan phone ko, obviously hahahha!

Pagbaba ko, na abutan ko si kuya nakaupo sa sofa.

"Tagal mo noh.." Tapos inirapan ako ni Kuya.

"Yuck bakla!" Pagasar ko. Hahahha

"Ah bakla ah, maiwan ka dyan!" Pagbanta ni Kuya.

"Deh joke lang kuya, alam mo naman ang hilig ko magbiro diba." Tapos pumeke ako nang tawa. Psh!

Patuloy pa rin siya sa paglalakad.

"Ano bayan kuya! Alam mo ang pogi talaga! Ang dami mo ngang fans diba!" Parang masusuka ako sa sinabi ko.

"Psh, halika na nga." Wahahhahaha!

Hinawakan ko siya sa braso at naglambing..

"Hindi talaga ako matitiis nang kuya ko!" Paglalambing ko.

"Tsk! Manahimik ka nga, baka bumago pa isip ko dahil sa ginagawa mo!" Tapos tinanggal niya ako sa braso niya.

"Tsk, buset!" Mahina kong sambit.

The Bad Boy The Slight Bad Boy The Bad Girl The Slight Good GirlWhere stories live. Discover now