[14] "The Kiss"

20 2 0
                                    

Brienne's POV

Andito ako ngayon sa malayo, chos! Andito lang naman ako sa pila, nakatingin kila Dean at Kyle. Nagkakasiyahan na sila, at ikinatutuwa ko yun! Buti ayos na sila ngayon! Hindi ko alam kung lalapit na ba ako o hindi. Nakabili na kasi ako eh! Ayoko nangpinaghihintay okay! Hahahaha!

Nagdesisyon na ko na lumapit sa kanila. Agad ko namang nakuha ang antensyon nila.

"O Bri!" Tawag sa akin ni Kyle.

"Irish!" Tawag sa akin ni Dean.

"Ito na yung pagkain! Pinaghintay niyo ko ah!" Biro ko.

"Hahaha sorry."

Nilapag ko na yung pagkain sa table. Pagkalapag ko, agad nilang nilamon! Wahhahaha! Mga patay gutom!

"Wow, andito pa ko ah." Pagpapaalala ko sa kanila. Mga baliw kasi, pati portion ko kinuha! Kakaloka ah!

"Ay oo nga pala, hahaha! Kumuha ka na dyan." Sabi ni Dean.

Nakakahiya sa inyo ah! Hmp!

"Tsk!" Singhal ko at sabay kuha nang pagkain.

Nagkuwentuhan kami. Maya maya may sumigaw sa bandang pinto nang canteen..

"Hermano!" Sigaw ni...

"C--Citrinne." Mahinang tugon ni Dean.

Lumapit siya sa table namin at humarap kay Dean!

"¡Escuché lo que pasó! ¡¿Por qué hiciste eso?!" [I heard what happened! Why did you do that?!] Naiinis na tanong ni Citrinne.

"C--Citrinne!" Hingal na hingal na sigaw ni Kysler at Trace na nasa may bandang pinto!

"¡¿por qué?!"[why?!] Naiinis na tanong ni Citrinne.

"C--Citrinne! I--I'm okay now, w--we're okay now." Sabat ni Kyle.

"¡No estoy hablando con usted! Ahora, ¿por qué hiciste eso?"[I'm not talking to you! Now, why did you do that?!] Tanong muli ni Citrinne. Nanlaki mata ni Kyle! Mukhang hindi niya naintindihan.

Normal na yung ganyan niyang attitude, yung nakakatakot na yan! Akala mo nga siya yung ate eh at si Dean naman yung mas nakakabata. Hahhaha!

"I, I, I--"

"Explicar más rápido!"[Explain faster!] Nagmamadali niyang putol kay Dean! Grabe talaga siya magalit!

"vamos a sólo hablar acerca de ésta en casa, ¿vale? su embarazoso me aquí!"[Let's just talk about this at home, okay? Your embarrassing me here!] Mahinang tugon ni Dean na may halong inis.

"Tsk tsk! No me cuidado! usted lo merecen, por cierto!" [Tsk tsk! I don't care! You deserve it, by the way!] Singhal ni Citrinne tapos naglakad palabas nang canteen. Sinundan naman siya nila Trace at Kysler. May something ata dito, hmmm..

Sa lahat nang sinabi niya, wala ako maintindihan! 

Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin nang mag salita si Dean...

"S--Sorry sa g--ginawa ni Citrinne k--kanina ah?" Nauutal niyang sabi.

"Okay lang dre." Sabi ni Kyle.

"Okay lang." Nakangiti kong tugon.

Natatawa lang kasi ako kay Citrinne, aakalain mo talaga siya ang mas nakakatandang kapatid pag pagalitan niya si Dean.

Nung may binuhusan nang tubig si Dean sa ulo, pinagalitan siya ni Citrinne.

Nung nakipagsapakan si Dean, pinagalitan siya ni Citrinne.

Nung nabalitaan ni Citrinne may nahalikan si Dean, pinagalitan siya.

Hahahahaha! Hindi lang yan ang nangyari! Hahahahaha!Paano ko nalaman toh? Nakwento lang ni Dean. Minsan pa nga, pagnagpupunta kami sa bahay ni Dean, naabutan naming pinapagalitan siya ni Citrinne. Hindi naman pinapatulan ni Dean ito, hindi dahil under ito dito, kundi under ito kay Tita Dein, mama nila. Sabi daw kasi ni Tita Dein, bawal daw patulan ni Dean si Citrinne kasi mas nakakabata ito sa kanya, kaya yan.. At kaya hindi kasing lala ni Dean si Kyle, ay dahil nga kay Citrinne. Hahahaha! Yan tuloy! Mapapagkamalan mong under si Dean sa kapatid niya! Hahahaha!

"Let's go?" Tanong ni Kyle nakasira sa pagmumuni ko.

Tumango naman kami ni Dean at umalis.

Kanina pang tapos yung laban nang white and black. Nung makita kami ni coach, agad siyang lumapit sa amin.

"Oh guys!" Tawag ni coach.

"Coach" Sambit namin.

"Uh bukas wala muna tayong pasok, okay?" Balita ni coach. Bakit?

"Bakit po?" Tanong ko.

"Dahil sa incident, pero sa incoming weeks, regular schedule na." Paliwang ni coach.

"Sige po coach." Sagot namin. Nagpaalam na kami kay coach at pumunta sa kanya kanya naming bench, at dahil ka team ko si Kyle, edi sabay kami. Tsk.

Pagdating namin dun, naabutan namin sila Vince, Kyro, Kysler at Maynard dun.

"Yow Kyle! Kamusta na pre! Okay ka na ba?" Close na ba sila? Di ko alam, pero kung hindi feeling close tong si Kyro!

"Makakalakad ba ako nang maayos kung hindi ako okay?" Payabang na tugon ni Kyle. Tsk! Sana maulit sayo yun! Deh joke!

"Yabang mo! Oh hi Bri!" Bati sa akin ni Kyro.

"Hi!" Nakangiti kong tugon.

"Oh pwede bang makisama sa usapan niyo? Mukha kaming naliwag na aso dito sa pakitungo niyo sa amin! Hahaha!" Turo ni Vince sa sarili niya at kay Maynard at Kysler.

"Huh?? Kung aso, wag mo na akong idamay! Psh psh! Sa poging kong toh!" Turo ni Kysler sa mukha niya! Hahaha! Puno nang kalokohan tong batang toh!

"Hahahahahaha!" Sabay sabay naming tawa!

Maya maya nagpaalam na din kami sa isa't isa at lumabas na nang school.

Pagkalabas namin nang school, sumalubong sa agad sa akin si Kuya Brian.

"Oh Bri! Kamusta ka na? Okay ka lang? Sorry din sa kanina ah?" Tanong agad ni kuya.

"Okay lang!" Nakangiti kong tugon.

"Tsk tsk! Halika na uwi na tayo!" Yaya niya. Hala nagiba mood? Bipolar?!

"Wait kuya! Andito pa ba sila Tita Kei?" Tanong ko.

"Sinong Tita Kei-- ay oo andun." Turo niya sa dulo nang parking. Di ata siya sanay natawagin kobg Tita Kei si Tita Keila.

"Paalam muna ako ah?" Paalam ko sa kanya.

"Geh sabay na tayo." Sabi niya.

Nagtungo kami agad kila Tita Kei. May kalayuan si kuya nang onti sa akin. Nauna kasi sa akin si kuya. May dalawa pang wall bago kami makapunta sa kotse ni Tito Rex, nang bigla hinila ni kuya braso ko!

Nagulat ako nang  biglang hinila ako ni kuya sa braso.

"K--Kuya bakit?" Nagtataka kong tanong. Nagulat ako dun ah!

"U--Uh next time ka nalang magpaalam!" Sabi niya. Anong next time?! Nababaliw na ba siya?!

"Anong next time?!" Tinanggal ko agad kamay niya sa braso ko.

"Ah, u--uy!" Tawag sa akin ni Kuya.

Ano ba problema nu--

Nagulat ako nang malagpasan ko yung unang wall...

Nakita kong...

























NAGHAHALIKAN SI TAMARA AT KYLE!

The Bad Boy The Slight Bad Boy The Bad Girl The Slight Good GirlWhere stories live. Discover now