[27] "Goodluck Kiss"

4 3 0
                                    

Brienne's POV

Andito ako ngayon sa room ko nagbabasa.

Woooo! Ang boring!

~KNOCK KNOCK~

"Sino yun?" Tanong ko.

"Si kuya toh." May halong seryoso sa boses niya.

Palagi namang seryoso yung boses ni kuya pero, nakakaiba ang tono nito ngayon.

Pumunta ako sa pinto at binuksan ito.

"Ano yun kuya?"

"Bri importante toh."

Agad niyang sinarado at nilock ang pinto.

Naramdaman ko agad ang takot.

"K--Kuya ano yun?" Natatakot kong tanong.

"Bri wag ka mabibigla." Seryoso at natatakot nasabi ni kuya.

"Huh?" Naguguluhang tanong ni kuya.

Huminga muna siya ng malalim at may kinuha sa bulsa niya, cellphone niya.

May hinanap muna siya at may pinakita sa akin.

Agad ng lambot mga tuhod ko. Akmang mahuhulog na ko, agad akong nasalo ni kuya.

"Bri!"

"K--Kuya.."

Sa phone niya, nakita kong duguan ang mukha ni Tamara na nakatali sa upuan at nakaduct tape ang bibig.

Agad akong napahawak sa bibig ko.

Pinapalibutan ako ng lungkot, takot, at pangamba ngayon.

"K--Kuya, si T--Tamara.." mangiyak ngiyak ko na sambit.

Agad akong yinakap ni kuya.

Agad namang lumabas mga luha ko.

"K--Kuya! Anong ginawa nila kay Tamara! K--Kuya! Ano na mamangyari kay Tamara ngayon!" Nagagalit kong sigaw.

"Shhhh, ibabalik namin si Tamara." Sabi ni kuya habang hinihimas buhok ko.

Agad akong lumayo kay kuya.

"Kasali dito grupo niyo?!" Agad kong tanong.

Napalunok nalang si kuya.

"Kuya please, umalis na kayo sa grupong yan! Baka kayo na sunod mapahamak! Kuya naman, hindi lang kayo mapapahamak niya, pati yung taong malapit sa inyo! Kagaya ng nangyari kay Tamara!" Sigaw ko sa kanya habang umiiyak.

"I--Imposib--"

"Kuya hindi! Posibleng umalis ka dyan! Hindi lang toh para sayo kundi para din sa taong malapit sayo!" Sigaw ko sa kanya.

Nakatingin lang siya sa sahig.

"Kuya nasaan yan?" Tanong ko.

"B--Bri, hindi pwede baka--"

"Kuya! Pagbigyan mo na ko! Si Tamara yan!" Putol ko kay kuya.

Walang nang nagawa si kuya kundi sabihin sa akin kung saan.

Tinawagan din siya ni Chase tungkol sa plano nila.

Minutes later...

Andito na kami ngayon sa sasakyan ni kuya. Tahimik lang siya habang nagdadrive, habang ako naghahyperventilate.

"Bri relax, ililigtas namin si Tamara." Sabi ni kuya na ikinagulat ko.

"Paano ako makakarelax kung nasabinggit ng kamatayan si Tamara?!" Galit kong sabi sa kanya.

The Bad Boy The Slight Bad Boy The Bad Girl The Slight Good GirlWhere stories live. Discover now