•• Narration ••
Setting: Senior High School Canteen, 11:55 AM, Lunch Break
Nakaupo si Moira sa isang bench na nakakonekta sa lamesa. Inaantay niyang matapos umorder ang mga kasama niya. Matapos ng ilang sandali, bumalik na sila Clytem, Corin at Samea dala-dala ang kani-kanilang tanghalian.
Nang maayos na ang lahat at komportable na silang nakaupo, nilabas niya ang kanyang lunch box. May nakalagay na note sa ibabaw:
En, bumili ka nalang ng ulam. Di ako nakapagluto. - Mama
Napamura siya at pinulot ang kaniyang coin purse sa lamesa.
“Sandali lang, bibili muna ako ng ulam. Di pala nakapagluto si mama.”
Umiling si Samea. “Yaaan! Di marunong magbasa. Gutooooom na ako!”
Hehe. Hindi sa ikikahiya niya pero hindi ito ang unang pangyayari ng hindi niya pagbasa sa note ng kanyang mama. Ito ang dahilan kaya medyo natatagalan silang matapos kumain. Ang lunch break ay 1 hr at 15 mins lamang kaya napakaiksi nito para kay Samea, ang pinakamatakaw sa kanila.
“Tch! Di wag mo akong hintayin! Uy Cor, Cly, intayin niyo ko ah? Di naman kayo parehas kay Samea diba?” Nag-beautiful eyes siya.
Alam kaagad nila Corin at Clytemnestra ang ipinapahiwatig ni Moira kaya wala pang limang segundo ay napatango na sila.
“Ay oo naman! Ikaw pa Moir!” Si Clytemnestra.
“Sus, wala sa amin yan Moirarang! Kahit isang oras pa kaming mag-aantay sayo!” Dagdag naman ni Corin.
Walang-pakeng nagpatuloy si Samea sa pagkain.Tumikhim si Moira at sadyang nilakasan ang tinig. “Cor, Cly, may libre kayong hot cake sa akin mamaya! Kahit. Ilan." saka siya kumindat. Diniinan niya talaga ang huling bahagi.
Napaupo ng tuwid si Samea.
“Akooo riiiiiiin!” sigaw nito. Ngunit huli na ang lahat. Nakalayo na si Moira.
****
Limang minuto na ang nakaraan ngunit ikatlo pa si Moira sa linya. Napakaraming order ng isang babaeng puno ng itlog at harina. Marahil birthday nito at nilibre ang isang baranggay sa rami ng order nito. Lumingon siya sa table, nagcecellphone ang tatlo. Napatawa siya ng mahina dahil sa inasal ni Samea. Basta pagkain at libre talaga, walang pinapatos si Sam.
“Tch. Baliw.” Narinig niyang bulong ng nakasunod sa kanya.
Lumingon siya sa likod at nagtama ang kanilang mata. * Insert OST here *
“Chase...”
“Oh hi, Martha?” Kumaway si Chaos.
Parang may pumiga sa kanyang puso nang narinig niya ang pagkakamali ni Chaos. 'Get over it, will you? Get it.together!' mantra niya yan.
“It's Moira.” Ngiti niya.
“Marta or Moira haha almost the same.” Tumawa si Chaos.
Ngumiti naman siya ng peke. H ni Samea, di pinalagpas pero pangalan niyang ang letrang M lang ata ang naitama ni Chaos, walang pinagkaiba. Baliw ba siya?
“Isang serving po ng ampalaya at yung free soup niyo po.” Oo mga kaibigan, 'yan ang inorder ng ating bitter na karakter.
“Woah, mapait yan ah!” Tumawa na naman si Chaos sa pagkamangha.
'Napakamasayahing tao.' Isip ni Moira.
“Ay Auntie! Pakidagdag po ng isang serving ng corn soup. Ako po ang magbabayad.” Napalingon si Moira kay Chaos.
“Auntie, wag niyo na lang akong bigyan ng libreng sabaw.” Sabi ni Moira.
“Sige, neng.”
“Uyyy, di sayo yang corn soup!” Mabilis na sabat ni Chaos.
Ayan na naman ang pagpiga sa kanyang puso.
“Alam ko, hmp!” Pagpapanggap niya sa kanyang pagsusungit.
“Kay Samea yan, pakisabi ako nagbigay. Pakisabi narin na kumain siya ng mabuti at wag siyang magpakagutom dahil mamahalin ko pa siya.”
Mga karayom naman ang tumusok sa kanyang puso.
“Sus wag kang pahalata pre....” Tugon ni Moira habang naglalakad patungo sa table.
“Wag kang pahalata kahit para sa puso ko nalang.”
BINABASA MO ANG
The Person Behind the Screen
Teen FictionA friend request and a chat started everything. An illusion and a lie. A borrower and a rightful owner. A misunderstanding that leads to something magical. Confusions and an assurance. Moira Fuentes made a poser account. She made her very own "Same...