•• Narration ••
Kumakabog ng malakas ang puso ni Moira. Nanlalamig at namamawis ang kanyang kamay. Bumibilis ang kanyang paghinga. Paano ba naman? Nasa gilid niya si Chaos o sa kung tawagin niya ay "Chase".
Pero teka... Bakit kaya nanghingi ng number itong si Chaos?
Tinignan niya ang kanyang cellphone pero wala namang nagtetext. Hindi siya assumera ah? Naninigurado lang. Oo! Iyon 'yong tamang salita. 'Naninigurado'
Sumulyap siya sa likod at nakita niya ang kanyang mama 'kuno'. Syempre hindi totoo iyong sinabi niyang nandiyan ang mama niya. Pero tama naman iyong sinabi niyang 'strict' ito.
Noong nalaman ni Moira na papapuntahin siya ni Chaos sa Rob, walang pagdadalawang-isip siyang pumunta agad kaya mabilis ang kanyang pagdating. Bonus na lamang yung ipinangakong pagkain ni Chaos.
Napakapa agad si Moira nang maramdaman ang pag vibrate ng kanyang cellphone.
Unknown Number:
Huy!
Sino naman kaya ito?
Moira:
Sino ka?
Unknown Number:
Hindi ako sinuka! Kadiri to.
Napataas naman ang kilay ni Moira. Sinong nangahas na magtext sa kanya at gumamit ng pabalang na salita?!
Moira:
HU U
Unknown Number:
Sungit nito! Chaos to tanga.
Napalingon kaagad siya sa kanyang gilid kung saan niya nakita si Chaos na nakangisi at winawagayway ang kanyang cellphone.
Moira:
Sinasayang mo load ko, chat nalang!
Unknown number:
Ano ni register mo?
Ba't naman kaya ito nagtatanong?
Moira:
CA20
Unknown Number:
Edi unli ka. Hindi sayang load mo. Text nalang tayo low bat na ako. 9 % nalang ako.
Moira:
Pake ko.
Na master na ata ni Moira ang pagpapanggap. Pagpapanggap na wala siyang gusto kay Chaos. Hindi naman masyadong halata na may gusto siya kay Chaos diba?
Sinave niya ang number ni Chaos sa kanyang contacts. Isang simpleng “Chase” ang ipinangalan niya rito. Hindi naman siguro makikita ni Chaos na “Chase” ang pangalan nito sa kanyang cellphone diba? Ba’t ba puro tanong nalang siya?
“Huy!”
“Ay baka!,” napahawak sa dibdib sa gulat si Moira.
“Ba’t nanggugulat ka?!”
“Wala na mama mo,” kibit balikat ni Chaos.
Napalingon siya sa likod. Umalis na ‘yong babae.
“So?,” Taas-kilay na tanong ni Moira.
“Pwede na tayong mag-usap. Halika dito tayo. Feeling ko gusto ni Samea ‘yong mga unicorn. Maraming unicorn dito,” hinila siya ni Chaos papunta sa isang aisle.
Wala ng masyadong tao sa Bear hugs dahil malapit ng sumara ang Rob. Kakaunti nalang ang tao at nasa supermarket pa ang karamihan rito. Napakalabog ang puso ni Moira ng matantong sila nalang dalawa ni Chaos sa shop maliban sa isang sales lady na nagcecellphone at isang cashier. Para namang walang pake ang cashier at sales lady sa presensya nilang dalawa.
“Magugustuhan kaya ito ni Sam?,” ipinakita ni Chaos ang isang unicorn na may dala-dalang gitara. “O ito kaya?”
Nanlaki ang mga mata ni Moira sa nakita. Isa itong life size na unicorn. Gustong-gusto ito ni Moira! Matagal na niya itong gustong bilhin ngunit wala lang siyang pera. Lingid din kasi sa kaalaman ni Chaos na hindi si Samea ang may gusto ng unicorn kundi siya. Mahilig si Samea sa mga bagay na may kinalaman sa pink ngunit ayaw na ayaw nito ang unicorn dahil sa nag-iisa nitong sungay. Creepy daw ito ayon kay Samea.
Namali lang ata si Moira sa pagsabi na gusto ni Samea ang unicorn. Kailangan na niyang itatak sa kanyang isipan na hindi siya ang kachat ni Chaos kundi si Samea.
Nang dahil sa naisip, nawalan si Moira ng gana.
“Oh, ba’t ang tamlay mo?,” puna ni Chaos.
“Sus wala! May naalala lang ako.”
Nagkibit balikat si Chaos.
“Alin ba dito ‘yong magugustuhan ni Samea?,” tanong ulit ni Chaos.
Kunwari pinag-iisipan ni Moira kung alin ang pipiliin.
Sorry, Chaos, Sam. Alam niyang mali ang ginagawa niya pero bahala na...
“Yang life size...” turo ni Moira sa malaking kulay asul na unicorn stuffed toy.
“Okay... Miss bibilhin ko ito,” tawag ni Chaos sa Saleslady.
“Sa counter nalang p-po s-sir...”
Nakita niya ang pagkatameme ng sales lady nang umangat ang ulo nito mula sa cellphone. Sa bagay, gwapo naman talaga si Chaos. Magkaka crush ba siya kung hindi?
“Ay sir, lemme help you with that...” Kinuha ng sales lady sa kamay ni Chaos ang unicorn. Hindi nakatakas sa kanyang mata ang sadyang paghaplos ng babae sa kamay ni Chaos. Napatawa at napailing lamang si Chaos at kinindatan niya pa ang babae! Habang si Moira naman ay napakuyom ang kamao.
Lumapit agad-agad si Moira sa sales lady at hinablot ang stuffed toy. Kahit medyo nahihirapan sa laki nito, kinuha niya parin ito at siya na mismo ang lumapit sa cashier upang bayaran ang stuffed toy.
“Ay sir, gurlfriend niyo? Pasensya na. Akala ko single kayo,” sabi ng sales lady.
Umiling naman si Chaos.
“I'm single.” tawa ni Chaos.
“Susumbong kita kay Samea na babaero ka!” Sabi ni Moira.
“Uy joke lang yun! Taken na pala ako! Oo! Taken na!”
Kunot ang noo ni Moira’ng nanghingi ng pera kay Chaos.
“Huy, bayad mo!,” asik niya.
Nagtaka naman si Chaos sa inasal ni Moira. Napailing nalang ito at ipinagkibit balikat ang nangyari. Moody naman nito ni Moira, isip ni Chaos.
BINABASA MO ANG
The Person Behind the Screen
Novela JuvenilA friend request and a chat started everything. An illusion and a lie. A borrower and a rightful owner. A misunderstanding that leads to something magical. Confusions and an assurance. Moira Fuentes made a poser account. She made her very own "Same...