The Playboy's Karma
Chapter 5
>>>>>> After 1 year.....
"Yohann, asan nga pala si Irna??" tanong ko kay Yohann. Katatapos ko lang pumunta sa office dahil may inutos sakin si Ma'am. Pagdating ko kasi sa room ay wala na si Irna.
"Sabi niya puntahan mo na lang daw siya sa library."sagot niya. Mula ng pangyayari last year nagbago na si Irna. She spent her whole day reading and studying. Nagsuot na rin siya ng glasses na walang grado para daw mas maganda tignan.
"Ganun ba?? Sige pupuntahan ko siya. Di ka ba sasama??" yaya ko sa kanya. Halos araw-araw kasi kami na ang magkakasamang tatlo. Lalo na si Yohann na iba ang room sa amin, lagi siyang sumasama samin pag free time niya. Dati kasi ay duon siya sumasama sa barkada ni Nathan pero ngayon kahit kausapin lang yata sila ay hindi niya ginagawa.
"Hindi na, Faye. Mauna na ako. May family dinner pa kasi kami."
"Oh sige. Ingat ka Yohann."paalam ko. Kumaway rin siya sa akin at nag-lakad na palayo. Pumunta na rin ako sa library para puntahan si Irna.
"Irna, uwi na tayo. Hapon na oh" kinalabit ko siya mula sa likod. Pero nagulat ako ng humikbi siya. "Irna?? Ok ka lang?" umupo ako sa tabi niya at ibinaba ang librong nakatakip sa mukha niya.
Nakita ko na umiiyak siya ng palihim. Wala kang maririnig na hikbi dahil kagat-kagat niya ang ibabang labi niya habang umiiyak. Mahahalata mo lang siya umiiyak dahil tumataas-baba ang balikat niya.
"May problema ba?? Sabihin mo sakin Irna ng matulungan kita" binaba ko ang salamin niya at pinunasan ang mga luha niya.
"S-Sa likod m-mo..." tinignan ko ang tinutukoy ni Irna sakin. Nakita ko si Nathan na may kalandiang babae. May ibunubulong si Nathan dun sa babae at hahagikhik naman pagkatapos yung babae. Nakita ko rin na hinahalik-halikan ni Nathan yung leeg ng babae.. like eeww. This is a library hindi parke. Tsk
"Halika na Irna. Uwi na tayo. Wag mo ng saktan pa ang sarili mo. Tama na siguro yung sakit wag mo ng dagdagan pa. You need to move-on it's been 1 year pero andyan ka parin, you're still in the past. Accept it. Tanggapin mo na ang minahal mo ay siya, isang playboy." lintanya ko sa kanya. Di na siya nakasagot kaya inalalayan ko na lang siya patayo at kinuha ang mga gamit niya. Umalis na rin kami sa library at papunta na sana kami parking lot ng biglang nakasalubong namin ang aming adviser.
"Oh Faye, anong nangyari kay Irene??"tanong ni Ma'am.
"Uhmm wala po. Medyo masakit lang po yata ulo niya." pagsisisnungaling ko. Ayaw ko naman na sabihin na umiyak si Irna dahil nakita niya ang ex niyang may kalampungang iba.
"Ganun ba?? Sige sa iba ko na lang ipapagawa. Uutusan ko sana kayo na dalhin sa stockroom yung gamit na nasa room natin. Kaso kailangan niyo na yatang umuwi." medyo matanda na kasi ang Prof namin kaya mahilig niya akong utusan sa mga ganitong bagay.
"Faye mauna na ako. Tulungan mo na lang si Ma'am" saad ni Irna.
"Sure ka ba na mauna ka na??"tanong ko.
"Ok lang ako Faye. Andyan na lang naman ang parking lot eh. Bye na Faye." paalam niya. Wala naman na akong nagawa dahil umalis na rin naman siya.
"Ma'am ano po bang gamit yung mga yun?? Ako na lang po ang maglalagay sa stockroom" nakangiti kong sambit.
"Okay lang ba hija??Yung mga props sana na ginamit ng klase ko kanina."
YOU ARE READING
The Playboy's Karma (Under Revision)
Teen FictionHe's a playboy I'm just a no one. I used to love him. I already moved on. But destiny plays a major trick. He's now starting to love me when I'm done loving him. He fall but I fall out. He's already in love when I'm already forgotten him. And maybe...