The Playboy's Karma
Chapter 6
Kahit na gusto kong mag-absent ngayon ay di ko ginawa. Magtataka lang sila dahil di ko ugaling mag-absent. Kahit nga minsan may sakit ako pinipilit ko pa rin pumasok kung alam kong kaya ko. Pero ngayon kahit wala akong sakit gusto ko lang magkulong sa kuwarto at matulog. Pakiramdam ko manghihina yata ako.
"Ok ka lang ba talaga Faye??" ilang ulit na tanong sakin ni Irna. "Nanghihina ka yata eh. May masakit ba sayo ng madala kita sa infirmary??"
"Ok lang talaga ako. Antok lang ito, Irna" sagot ko ng hindi siya na siya mag-alala.
"Sure ka ha?? Sabihan mo lang ako kung may problema." tumango ako sa kanya at kumain na lang. Andito kami ngayon sa next subject namin at dito na kami nagrecess. Si Irna na ang pumunta ng cafeteria at bumili ng snacks namin. Kasi natatakot ako na makita siya, natatakot ako na makausap siya, natatakot ako na totohanin niya ang sinabi niya kahapon sa bahay.
>>>>>Flashback
" N-Nathan..." mahinang bulong ko.
"Faye..." mahina rin niyang tawag sa akin. Nanginginig mga tuhod ko sa simpleng banggit niya pa lang sa pangalan ko.
"A-Anong ginagawa mo r-rito??" lumapit ako sa kanya kahit parang ayaw maglakad ng paa ko.
"Gusto ko lang na ibalik itong wallet at I.D. mo na nahulog mo kanina." kinuha ko iyon sa kanya.
"Yung lang?? Maaari ka nang umalis." malamig kong tugon sa kanya.
"Nope. Gusto ko rin pa lang malaman mo na, I'm not lying. All I said was true." sincere niyang pagkakasabi. Pero I will not fall with that anymore. Lalo na kung siya ang nagsasabi. All his words are full of fraud.
"Di mo ba ako naintindihan?? I already said that I will no longer listen to your lies."
"Kung iniisip mo pa rin na purong kasinungalingan ang mga sinasabi ko. Maybe I am forced to do that, my last resort."lalo akong kinabahan sa sinabi niya.
"W-What?? Gagawa ka na naman ng gulo kung saan maraming madadamay at masasaktan?!" asik ko sa kanya.
"Nope. Gagawin ko ang dapat matagal ko ng ginawa. I will court you, Faye. I will prove to you that I'm not lying. I will show you how I love you." natigilan at bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Naiiyak rin ako sa di ko malamang dahilan. Kung sa saya o lungkot ba.
" Di mo na ako mapipigilan ngayon Faye. Whether you like it or not, I will still court you 'till you fall in love to me like I do." matigas niyang saad. Pagkatapos nun ay umalis na siya iniwan akong tulala.
YOU ARE READING
The Playboy's Karma (Under Revision)
Teen FictionHe's a playboy I'm just a no one. I used to love him. I already moved on. But destiny plays a major trick. He's now starting to love me when I'm done loving him. He fall but I fall out. He's already in love when I'm already forgotten him. And maybe...