TPK 7

5 1 2
                                    

The Playboy's Karma

Chapter 7

Mula ng matanggap ko ang chocolate roses ay ilang araw na wala na akong natanggap sa kanya. I'm not expecting anything from him napakaweird lang dahil biglang nag-stop ang ginagawa niya. I wonder kung sumuko na ba siya or pinaghahandaan niya yung the best is yet to come niyang tinutukoy.

"Omg Faye! 5 days ka ng walang natatanggap mula sa secret admirer mo. Di kaya tumigil na siya sa panliligaw sayo??" tanong sakin ni Irna. Naglalakad kami ngayon papunta sa bench na malapit sa building namin. Katatapos lang kasi ng last subject namin kaya 2 hours pa kaming maghihintay for next.

"Siguro nga. Pero mabuti na rin yun" sagot ko pero pabulong yung last line.

"Grabe ka Faye. Ang swerte mo na nga sa manliligaw mo papakawalan mo pa." rekalamo niya. Wala na rin kasing sumusubok na ligawan si Irna dahil bantay-sarado kami ni Yohann.

"Hey girls!" sulpot bigla ni Yohann sa tabi namin.

"Oh Yohann wala ka na bang next subject??" tanong ko sa kanya.

"Wala na. Mamaya ulit. May 1 hour free time ako ngayon eh" umupo siya sa tabi namin at nilabas ang dala niyang pagkain.

"Di ka ba talaga nabubusog ha??" tanong ni Irna kay Yohann. Lagi na lang yata may dalang pagkain si Yohann sa bag niya. Di nga yata nauubusan yan.

"Hindi. Gusto niyo?? Kuha lang kayo. By the way Faye, musta yung secret admirer mong wala pa ring identity" baling sakin ni Yohann. Kumuha lang ako sa chichirya niyang dala at nilagay sa kamay ko.

"Yung nga eh. Wala nang paramdam." sagot ko.

"Sabi sayo Faye eh. Tatanda ka talagang dalaga." pang-aasar sakin ni Yohann. Binato ko nga ng chichiryang isusubo ko sana.

"Ang sama mo naman sa bestfriend natin. Pag ikaw Yohann ang tumandang binata, tatawanan ka namin ni Faye" biro ni Irna kay Yohann.

"Ako?? Sayang ang gwapo kong genes pag nangyari yun. At saka marami kayang naghahabol sakin."

"Naghahabol?? Bakit kriminal ka ba?? Hahaha" asar ni Irna. Nagpout naman si Yohann kaya ayun inasar ulit namin siya na mukha siyang pato. Tawa naman kami ng tawa ni Irna pag naasar siya.

Pero natigil kami ng biglang nagtakbuhan ang mga estudyante sa may open ground stage ng school. May naririnig din kaming mga kanta at tilian. Napagpasyahan naming tatlo na makichismis kung anong meron dun. Habang palapit kami ng palapit palakas at palinaw rin ang kantang inaawit ng pamilyar na boses.

I won't let these little things slip out of my mouth

But if I do, it's you, oh it's you, they add up to

I'm in love with you and all these little things...

Ewan ko kung bakit bawat hakbang at lapit ko sa crowd ng mga estudyante ay lumalakas rin ang pintig ng puso ko. Pilit kaming nakikisiksik sa mga estudyante na malalakas tumili upang mapatunayan na siya nga ang kumakanta. Bigla na lang may tumulak sa akin kaya napunta ako sa pinakaharap. Di ko rin nakita kung sino yun kaya pinabayaan ko na lang. Pero ng humarap ako sa stage ay dun talaga ako natigilan. Tama nga ako na si Nathan yung kumakanta.

You can't go to bed without a cup of tea

Maybe that's the reason that you talk in your sleep



Nakatitig siya sa akin habang kumakanta. Siya rin ang naggi-gitara. Walang back up o kung ano man. Siya lang talaga.

And all those conversations are the secrets that I keep

The Playboy's Karma (Under Revision) Where stories live. Discover now