The Playboy's Karma
Chapter 8
Nagising ako na nasa loob ng isang puting kuwarto. Alam kong nasa ospital ako dahil sa dextrose na nakakabit sa akin at tanging maliit na table, sofa at higaan ko lamang ang makikita mo. May prutas at bulaklak rin sa tabi ko. Pinilit kong bumangon pero biglang sumakit ang ulo ko, nag-flashback rin lahat ng nangyari sa akin matapos kong mabagok. Mga sigawan. Tunog ng ambulansya at ang pagbuhat sakin. Naaalala ko rin ang mga pangyayari, ang pagkanta ni Nathan, ang away at ang mga iyakan. Tila ba nagbalik tanaw ako sa nakaraan. Dahil duon mas lalong sumakit ang ulo ko. Narinig ko pa ang pagbukas ng pintuan.
"Faye? Anak?? A-Anong nangyayari sayo??" rinig kong si Mom ang nagsalita. "Tumawag ka ng doctor, Francis"
"Faye??Anong m-masakit?" Wala. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi ni Mom. Ang alam ko lang parang binibiyak ang ulo ko sa sakit.
"A-Ang s-s-sakit... a-ang s-sakit ng u-u-ulo ko...arggh" sambit ko. Hawak-hawak ko ang ulo ko at nakayuko na habang sinasabunutan ang sarili ko. Parang ayaw matapos ng pagsakit nito.
"Inject her. Nurse Patrice, check her vital signs"
"Yes, doc"
Pagkatapos kong maramdaman na may kung anong tumurok sa akin ay nanghina at nandilim ang buong paligid.
>>>>>
"Kelan siya magigising, Doc??" may naririnig akong mga mahinang usapan. Medyo nahihilo rin kasi ako.
"Any minute magigising na rin siya , Mrs. Lee"
"Matanong ko po, doc. Bakit bigla na lang sumakit ang ulo ng anak ko??"
"It's because of her wound. Nabinat ang sugat niya sa biglaang pagkilos niya. She needs a full-time recovery para gumaling at mawala ang sakit sa ulo niya. Don't stress her dahil sasakit talaga ang ulo niya. I suggest na wag siyang masyadong kumilos at magtagal pa siya rito ng mahigit isang buwan para ma-obserbahan pa namin siya"
"Salamat, doc" narinig kong bumukas at sara ang pinto. May mga yabag rin akong naririnig.
Pinilit kong idilat ang mga mata ko para makita ko sila. Sa una ay malabo pa pero ng makasanayan ay umayos na ang vision ko.
"Anak??Are you okay??" tanong ni Mom sa tabi ko. Lumapit sa kanya si Dad at hinawakan ang kamay ko.
"Don't move too much. Sabi ng doctor makakasama yun sa sugat mo." Ngumiti lang ako kay Dad. Kahit nahihilo ako at nanghihina pinapakita ko na okay lang ako dahil ayoko ng mag-alala pa sila .
"I'm okay, Mom and Dad. I'm just hungry." sabi ko sa kanila. Agad naman nila ako pinakain ng dalang porridge ni Mom na niluluto niya sa akin tuwing may sakit ako.
Nagtataka nga ako dahil hindi nila ino-open up kung anong nangyari sa akin. Kahit nga yata ang mabanggit lang yun ay di nila ginagawa. Pagkatapos ko kumain ay dumating si Yohann na may dalang prutas. Sa totoo lang ang dami ng prutas sa kuwarto ko, may 2 basket na punong-puno. Iniwan ako nila Mom at Dad kay Yohann dahil kukuha lang daw sila ng mga gamit at babalik din lang.
"Hi." bati ko sa kanya. Nilapag niya yung prutas sa tabi ko at hinila ang maliit na upuan sa tabi ko at umupo.
"F-Faye...I'm sorry. Di ko sinasadyang hilain ang kamay ko na sanhi upang...mauntog ka. Sorry talaga." hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti. Sa totoo lang wala akong sinisisi sa nangyari sa akin. Alam ko naman na aksidente lang yun.
"Yohann, wala kang kasalanan. It's just an accident. Walang may kasalanan, okay?? So don't be sorry." mahinahong sabi ko. Ayokong may ma-guilty ng dahil sakin. Hindi ako komportable.
YOU ARE READING
The Playboy's Karma (Under Revision)
Teen FictionHe's a playboy I'm just a no one. I used to love him. I already moved on. But destiny plays a major trick. He's now starting to love me when I'm done loving him. He fall but I fall out. He's already in love when I'm already forgotten him. And maybe...