chapter 2 - meet the heartthrob

12 1 0
                                    

melissa POV

nasa gitna ako ng pag tutulog ng may nag papamusic, naiinis na ako kanina pa. ang lakas ng sound nabibingi na ako, "the hell, stop that sound!!!. " pasigaw kong sabi, " chilaxx couz your late, it's already 6:50 in the mornig , so you better get up. "kahit naiinis pinilit kong tumayo at pumuntang cr para gawin ang morning routine ko.

pagkatapos kong gawin ang morning routine ko, pumunta na akong dining area, para sumabay kumain sakanila. " uhhmm tita, sabay na po saakin si mica pumasok. " sabi ko gusto ko kasing mag pasama mamaya sakanya hindi ko pa kabisado yung mga pasikot sikot sa brinton high.

hindi ko pa pala nasabi na transfer lang ako. dati akong nag aaral sa states, alam niyo na siguro yung dahilan right." okay. " sagot ni tita. " and sabay narin po siyang umuwi saakin dahil dito parin po ako matutulog. " nag nod si tita bilang pag sagot.

" mica tara na 7:00am na. " sumunod na si mica saakin at nauna na siyang sumakay sa kotse dahil kinuha ko pa yung gamit ko sa kwarto.

pag kakuhang pag kakuha ko ng gamit ko, dumiretso na ako sa kotse dahil ayaw na ayaw ni mica ang malate. " oyy teka nga mica aminin mo nga saakin. " sabi ko habang papasok sa kotse. " ang alin ate?. " taka niyang tanong. " kung saan nag aaral yung lalaking tinitignan mo kagabi?. " tanong ko sakanya habang diretsong nakatingin sakanya.

sinimulan ko naring inistart yung engyne, diretso lang akong nakatingin sa daan, habang hinihintay yung sagot niya." ahh yun ba ang alam ko sa brinton high university, at ang alam ko rin mag ka level kami. "sagot niya

" seryoso ka ba? sure ka bang tinignan mo lang yung picture, ehh parang inistalk mo ahh. "pang aasar ko pero hindi ko pinapakita na inaasar ko siya, galit galitan ang role ko ngayun.

" luhh, hindi ahh, nabalitaan ko lang kahapon sa schoolmate ko. "okay sabi niya ehhh, tumahimik na ako sa buong biyahe at nakarating na kami.sa totoo lang malaki ang brinton high university, talagang mahahalata mong mayayaman ang nag aaral dito, except sa may scholarship.

" pasyal mo ko mamaya. " sabi ko bago siya bumaba, " hmm, kita nalang tayo sa garden mamayang lunch. "sabi niya. " okay. "sabi ko nalang.

bumaba na siya at pinark ko na ng maayos yung kotse ko. bumaba na ako at pumasok sa gate, pag pasok ko palang pinagtitinginan ako ng mga estudyante dito

sorry hindi nila ako madadaan sa kaba, sanay na akong pinagtitinginan. wow bubulong na nga lang pinarinig pa, mga bastos to ahh, pag chismisan ba naman ako ng harap harapan.

ang ganda naman niya.

mukang sisikat siya rito ah.

hinayaan ko lang na mag bulungan sila. compliment na saakin ang mga iyon, pero may narinig akong may nag sabi, take note hindi na bulong.

diba siya yung bagong transferee maganda nga pero ang landi ng dating. sabi ni girl 1 at nag tawanan naman yung mga kasama niyang aswang.

nabuhay ang pagka demonyo ko dahil sa narinig ko, tumigil ako sa pag lalakad at tumingin sa nag salita nun, humakbang ako palapit sakanya, at nakita ko naman ang pag atras ng ibang estudyante,

nung makalapit na ako sakanya tinignan ko muna siya baba hanggang taas, " excuse me, what did you just say. " taas kilay kong sabi sakanya. " bakit ko naman uulitin kung narinig mo na. " ooooohhh sabi ng mga nanonood saamin.

nag smirk ako at tinignan siya ng masama, " hindi ko kasi maintindihan kung ako yung sinabihan mo o yung sarili mo. "

oooooohhhh laos ka na.

hahahahahahah.

narinig ko na yung mga tawanan ng mga estudyante, kung pahiyaan lang naman game ako jan. pinag patuloy ko na ang pag lalakad ko. nagsialisan naman ang mga estudyante sa dinaraanan ko.

nagtaka man ako kung bakit nila ginawa iyon, hindi ko nalang pinansin. nakarating ako sa classroom ng puro tinginan lang ang naganap sa labas.

pag pasok na pag pasok ko nagsitahimikan na yung mga classmate ko, yung mga lalaking nagbabatuhan ng papel napatigil at tumingin saakin, yung mga busy naman sa mga gadget nila, napahinto rin at napatingin saakin, yung mga babae namang nag tsi tsismisan tumigil rin.

ganon ba kalakas ang pagdating ng anghel sa harapan nila. tinignan ko lang sila isa isa at napatigil ako ng makakita ako ng vacant chair. nag lakad na ako at pupunta sa vacant chair, my narinig pa akong nag bubulungan.

wow ganda naman ng transferee natin.

uyy pare chicks ohh.

naks may panlaban tayo this year.

talo na yata si patricia.

napatigil ako dahil sa narinig ko, patricia huh mukhang maganda ngang napunta ako sa section na ito. napa smirk ako at pinag patuloy na ang pag lalakad. may narinig pa akong bumulong ng,

kilala niya ba si patricia.

of course naman kilalang kilala ko siya sino ba namang hindi makakalimutan ang babaeng nang agaw ng ex ko, ohh i forgot hindi pala ako minahal nun dahil laro lang sakanya iyon.

nakaupo na ako sa vacant chair at tinignan kung sino ang katabi ko. isang nerd na babae tinanong ko kung may nakaupo sa vacant chair na ito, mukang natatakot siya saakin.

" don't worry I'm not biting. " nakangiti kong sabi mukang nahalata niya yung sinabi ko kaya sumagot rin siya ng wala. madali naman palang kausap itong si miss nerd.

naaalala ko ang sarili ko sakanya dati, parang ako lang siya, yung nerd na takot sa lahat yung palaging nasasaktan, palaging binubully, at palaging pinag lalaruan. hindi ko na namalayan may teacher na pala sa harap.

maka emote kasi ako dito parang may nag bago,mag sisimula na sana ang teacher ng bumukas ang pinto ay este binalibag ang pinto. tumili at nag sigawan na lahat ng babae rito except kami ni nerd.

"tss mga gwapo nga ang babastos naman" bulong ko na halatang narinig ng lahat. yung ibang babae sinamaan ako ng tingin, yung iba naman hindi ako pinansin at tuloy lang sa pag tili.

nakaupo na yung mga no manners sa likod ko. yung isa sa harap ko nakaupo, yung isa naman sa likod ko. tumingin sa likod yung nasa harap ko at tinignan ako, " hello transferee ka ba?. " tanong niya, " sa tingin mo?. " Tanong ko sakanya muka ka kasing bago, pabulong niyang sabi, baliw yata tong isang to, muka na nga akong bago edi malamang transferee ako.

yung totoo section A ba tong isang to. bago pa ako mainis tumingin na ako sa harap at ganun narin yung ginawa niya nung napagtanto niyang bago nga ako.

-------------------------

AN

Hi guys mas marami akong na update ngayon kaysa kahapon, and sana nagustuhan niyo. Free to leave comment.

~enjoy

way back into LOVE [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon