Chapter One

75 5 21
                                    

Chapter One

Isang gabi, kung saan ang lahat ng tao ay tulog na at tanging nakakakilabot na tunog lang ang maririnig--- CHAROT! siyempre hindi doon magsisimula ang kwento, ano 'to, horror lang ang pegg?

Siyempre dapat mas light yung tema, at sisimulan natin sa aking pagre-retouch para sa upcoming event na gaganapin sa music show mamaya. Opkors dahil maganda naman na ako, hindi ko na kinailangan pang kapalan ng uber ang make-up ko, konting blush-on at liptint lang, kavogue na!

"Lynne! Pakibilis naman. Liek--- Eymm so haggard na here" And that's my gurl boss. I mean, binabae.

Almost two months na akong nagtatrabaho sa kaniya magmula nung lumayas ako sa bahay namin dahil balak ng pamilya ko na tumira na daw ako kasama ng asawa ko.

And yep. I'm a married person, pero hindi ko pa nami-meet si boi, at wala akong balak na kilalanin at alamin kahit pangalan pa niya. In short, wala akong interes na masilayan siya.

Saan ka naman kasi makakakitang musmos pa lang, ipinakasal na? Sa pamilya lang namin 'yon.

Akalain niyo, arrange marriage at the age of 5?! Eh ang alam ko lang gawin no'n ay maglaro ng barbie. Ni hindi ko man lang alam, ikinasal na pala ako. Ang masaya, lahat ng wedding photos na kasama ko ang asawa ko ay sinunog ko noon, kaya hindi ko na talaga matandaan ang mukha niya, idagdag pang hindi matalas ang memorya ko pagdating sa memorization.

Pagkatapos naming ikasal, napagdesisyunan ng parehong pamilya na hayaan kaming lumaki na magkahiwalay at normal. Ewan ko nga kung anong pumasok sa utak ng mga magulang ko at bigla na lang hinukay ang nakaraan ko at sinabi sa aking it's time na daw para kilalanin ko ang asawa kong ni anino hindi ko na maalala.

Basta ang natatandaan ko lang, Na ang apelyido ng asawa ko. Siguro kung ia-acknowledge ko ang kasal namin ng lalaking 'yon, siguro ako na ngayon si... Na Laralynne.. Pwe! Ang pangit pakinggan.

"Lynne! Eneber, male-late na ako sa music show" sigaw ulit ni Jaemin, boss ko, mula sa kabilang dako ng pinto. I rolled my eyes bago ko kinuha ang sling bag ko at face mask sa taas ng kama. Nang masigurong dala ko na ang lahat ng kakailanganing gamit ay kaagad ko nang binuksan ang pinto.

Isa pa sa dahilan kaya ayaw ko na talaga i-acknowledge ang asawa ko, pareho sila ng apelyido ng boss kong si Na Jaemin. Hindi naman sa choosy ako o ano, pero kahit maraming Koreano ang may gano'ng apelyido, tuwing naririnig ko 'yon, si Jaemin agad ang pumapasok sa isip ko.

"Kasalanan mong ma-late, kaloka ka.. Ikaw itong na-late ng gising, tapos ako pagmamadaliin mo" reklamo ko sa kaniya habang chini-check ang schedule niya for the day.

"Eh kasi naman girl, hindi ako ginising ng mga hyungs, so I was really in deep sleep"

"Fine. Fine. Just hurry up. Naha-haggard din ang beauty ko" tila naiinis na sabi ko at hinawi ang natural na kulay copper brown kong buhok. I look like a goddess kaya wala akong balak na yumuko o kumuba man lang.

I walked like a supermodel habang nakasunod sa beki kong boss. Stomach in, chest out ang ganapan ko, 'coz of course, nagkalat ang mga sasaeng fans nitong beki boss ko and I don't want to look haggard sa mga kinukuha nilang pictures. Also, I don't know if they knew ang real gender ng hinahangaan nilang si ate mong Jaemin. My boss is gay, pero hindi niya pinapahalata kasi ayaw niya daw ma-bash.

"Lynne, yung schedule ko for today and tomorrow?" Tanong niya gamit ang normal na panglalaki niyang boses. Aside from me, ang mga NCT members lang ang nakakaalam na gurl siya kaya hangga't maaari, ginagawa niya ang best niya para hindi ma-reveal ang tinatago niyang lihim, lalo na kapag kaharap ng ibang tao.

《Ang Bekibels Kong Hubby》#SunflowerAwards2k18 #TOA2018 #KidlatAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon