Chapter Five

25 3 49
                                    

Chapter Five

[Laralynne's POV]

Sa loob ng halos dalawang buwan kong pagsama sa NCT members at sa pagtira sa dorm kasama sila, hindi ko maiwasang hindi mapalapit ang loob sa kanila. Kahit maikli lang ang panahong pinagsamahan namin, nagkaroon na sila ng espesyal na parte sa puso ko.

Maaga akong nagising ngayon para ipagluto ng umagahan ang 18 members. Day-off nila ngayon kaya mahaba haha ang araw na ito para sa kanila. Pero imbis na magpahinga sila ngayong day-off nila, balak kong igala ang mga ito at ma-enjoy ang last day na makakasama ko sila bilang Lynne Kim, ang dyosang julalay ni baklang Jaemin. Dahil bukas, ako na ulit si Laralynne Kim, ang anak na lumayas.

Naisip ko kasing karapatan din nilang makilala talaga ang totoong ako.

Nung una kong pagpapakilala sa kanila bilang Lynne Kim, kinabahan ako ng bongga dahil baka may nakakakilala sa mukha ko, pero nakahinga ako ng maluwag nang malaman kong wala, lahat sila ang tingin sa akin ay galing sa hindi mayamang pamilya. Maliban siyempre kay Jeno na napilitang i-sikreto na kilala niya ako.

Hindi naman siya kahit kailan nagtanong kung bakit naging julalay ako ni Jaemin, hinayaan niya lang ko.

Hindi naman talaga ako sobrang sikat dahil bibihira lang naman akong sumama sa mga magulang ko noon for gatherings. Hindi rin nila ako pormal na pinapakilala sa media, sa kadahilanang kailangan ko daw magsikap sa buhay para makagawa ako ng sarili kong pangalan. Hindi naman sa masamang paraan, pero gusto lang ng mga magulang ko na ako ang gagawa ng paraan para makilala ako, hindi lang dahil kapamilya nila ako.

Nung una, pinilit ko sila na gusto kong mag-fashion designer dahil alam kong doon ako sisikat, pero agad nilang hinindian. Gusto kasi nila mama at papa'ng ako ang magiging CEO at magma-manage ng mga business na mayroon sila ngayon dahil sina kuya Soohyun at kuya Taehyung ay may sarili na ring business. Sinubukan ko naman noong mag-aral ng business management, pero waley talaga e. Wala doon ang hilig ko.

Nabalik ang atensyon ko sa niluluto.

Habang nagluluto ng sinangag, hindi ko mapigilang hindi mapangiti nang may maalala ako.

"Marunong ka bang magluto?" Na-intimate ako nang tignan ako ni Taeyong sa mata. Tulad ng mga napapanood kong music videos nila, parang nakakatakot nga ito, yung pakiramdam na titignan ka pa lang niya, pamatay na sa sobrang talim.

Madiin kong pinagdikit ang labi ko saka umiling. Nasanay akong may nagluluto para sa amin kaya kahit pagsasaing o pagpiprito, hindi ako marunong. "Hindi po ako marunong e"

"Gano'n ba..." Nagulat ako nang biglang ngumiti si Taeyong. Ang kanina niyang nakakatakot na aura ay napalitan ng light vibes. "Tuturuan kitang magluto! Ako ang magiging mentor mo ngayon"

Excited niya akong tinuruan ng iba't ibang way ng pagluluto. Mula sa pagsasaing, sa pagsasangag hanggang sa iba't ibang putahe ng ulam. Nung una, puro paso ang nakukuha ko, pero dahil matiyaga si Taeyong, natuto din ako kalaunan.

Mami-miss ko yung tsundere personality ni leader-Yong. Mami-miss ko yung moments kasama siya na pakiramdam ko ay may instant kuya na ako. May mga kuya naman ako, pero hindi sila gano'n ka-caring tulad ni Taeyong.

Nang maluto ko ang sinangag, agad ko iyong nilipat sa malaking bowl, as in malaki talaga, pang-piyesta ang size. Bakit? Dahil 18 members ang papakainin ko at malakas lumamon ang mga 'yon. Kahit kailangan nilang mag-diet, hindi nila ginagawa 'yon madalas.

Pagkatapos kong malipat ang sinangag, sinunod ko naman ang pagp-prito. Hotdog, Bacon, Tapa at chicken soup ang napagdesisyunan kong iluto tutal umaga pa naman ngayon.

《Ang Bekibels Kong Hubby》#SunflowerAwards2k18 #TOA2018 #KidlatAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon