Chapter Four

27 3 48
                                    

Chapter Four

[Laralynne's POV]

Pagdating sa venue, samu't saring mga tao ang nakita namin. Nakita pa namin sa kasulukan sina Ji Chang Wook na kausap ang member ng apink na si Bomi. Naalala ko tuloy yung we got married nina Bomi at Taejun, nung time na napagkamalan ni Bomi si Taejun bilang si Ji Chang Wook.

"Miss" lumapit sa akin ang isang waiter at nag-offer ng wine. Nate-tempt akong kumuha, pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Thank you na lang po, pero ayaw ko" Magalang na pagtanggi ko at napatango na lang ito saka umalis.

Noon pa lang, hindi na talaga ako umiinom ng wine, na-try ko na once, pero hindi ko nagustuhan ang lasa. Idagdag pang mababa lang ang tolerance ko sa mga gano'ng inumin kaya as much as possible, umiiwas na lang ako.

Nakaupo sa designated seats ang members ng NCT, kaya ngayon ay nakatayo lang ako sa sulok habang tahimik na binabantayan sila. Mahirap na, baka mamaya ay may nakapasok na fan at may mangyaring hindi maganda.

"Miss, hindi ka ba makiki-join sa iba?" Napalingon ako sa babaeng biglang kumausap sa akin.

Mula sa mahaba nitong buhok na kulay burgundy red, sa pinkish lips, at sa elegant accessories na suot niya, hindi ko mapigilang hindi mapanganga ng beri slayt.

"M-miss Seohyun" Tawag ko sa pangalan niya at napangiti siya, showing her perfectly aligned white teeth.

"Parang nakakita ka naman ng multo" pabirong sabi nito at dahil doon ay naging kumportable ako ng kaunti.

Noong highschool ako, sikat na sikat ang SNSD o Girl's Generation, at sa lahat ng members, kay Seohyun talaga ako humahanga ng bongga. As in, ang talented niya kasi super, tapos ang ganda, mabait at ang tangkad niya pa.

"S-sorry po, hindi ko lang po talaga mapigilang hindi kiligin. Bias po kasi kita sa Girl's Generation" Nahihiyang pag-amin ko kaya natawa siya.

"Thank you for liking me. Anyways, I once saw you with Jaemin, are you his secret girlfriend?" Muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko dahil sa tinanong niya. Alam ko namang uso sa kpop world yung mga secret relationships, pero hindi applicable sa amin ni Jaemin 'yon. Unang una, boss ko lang siya. Pangalawa, bakla siya.

Nakangiti akong umiling. "Personal assistant niya lang po ako, pero hindi po sa level na iniisip niyo. Casual lang po ang meron sa amin" pagpapaliwanag ko.

"Okay. I get it. But if someday, magka-inlove-an kayo, boto talaga ako. Napansin ko kanina kung gaano kayo ka-sweet sa isa't isa kaya hindi ko mapigilang hindi ma-curious sa kung anong relasyon ang meron kayo. Aside from that, napaka-boyfriend material ni Jaemin, kaya kung liligawan ka niya, sagutin mo siya"

"Hehe. Hindi ko po naiisip na mangyayari 'yon" Like halerr! Girlfriend material si Jaemin at hindi boyfriend. Kung hindi lang si Seohyun ang kausap ko o kahit sino na hindi nakakaalam na bakla si Jaemin, baka kanina ko pa nasabi 'yon. Pero dahil kailangan kong mag-ingat, napangiti na lang ako.

"Why not? I can feel na interesado si Jaemin sa'yo. Isa pa, looks doesn't matter" Sabi niya habang hinahagod ng tingin ang kabuuan ko. Erkey. Looks can really be deceiving. Isa pong dyosang nagtatago sa ilalim ng disguise ang kausap mo Seohyun unnie. Gusto kong sabihin ng malakas 'yon, as in.

"Naniniwala naman po ako do'n, pero himala na lang po talaga kapag nagustuhan ako ni Jaemin" pareho kaming natawa no'n at pagkatapos ay nagpaalam na si Seohyun dahil may kakausapin pa daw siyang direktor.

Bago siya umalis, pinuri niya muna ang suot kong damit. "Your dress is really amazing. I wonder who's the designer is"

"Thank you po" The designer is none other than, the goddess you're now talking to, me...

《Ang Bekibels Kong Hubby》#SunflowerAwards2k18 #TOA2018 #KidlatAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon