Chapter Six

32 3 88
                                    

Chapter Six

[Laralynne's POV]

Dahil napakarami ng members ng NCT, idagdag pang day-off nila ngayon, napagdesisyunang magkani-kaniyang diskarte na lang para makarating sa pupuntahan. May ibang members na nag-commute lang, meron din namang katulad nitong boss ko na may private car. Taray diva!

At kabogera, hindi lang mumurahin ang kotse niya, kundi isang gray Maserati GranCabrio Fendi, na ang interior design ay hello kitty. Mula sa design ng pink na upuan, mga  plushies, stickers at posters, lahat 'yon ay puro hello kitty. Kulang na lang, magkapalit kami ng mukha ng hello kitty e.

"Baks, hindi ba sumasakit mata mo dito sa kotse mo?" Tanong ko pagkaupong pagkaupo ko sa passenger seat. Sobrang tinted ang sasakyan kaya hindi makikita ang design ng kotse sa loob, maliban na lang kung bubuksan ang pinto at makikita mo ang loob nito.

Napairap naman siya dahil sa tinanong ko habang binuhay ang makina ng kotse. "Duh! Why would I? Ang cute kaya ni hello kitty"

Napailing na lang ako dahil sa sinabi niya.

Nagustuhan ko din once ang hello kitty, pero hindi naman umabot sa point na halos lahat na lang ng nasa paligid ko, gano'n ang design.

Well, ito ang trip ni bakla e, alangan mamang kontrahin ko 'di ba? 'Di bale, kapag nakilala ko na yung asawa ko, magpapabili talaga ako ng kotseng tulad din nito, pero si toothless naman ng how to train your dragon ang design.

Habang ini-imagine ko ang future private car ko, hindi ko mapigilang hindi ngumiti at kiligin, kaya naman nang hampasin ni Jaemin ang ulo ko ay hindi na ako nagulat.

"Ang creepy mo dhay, alam mo 'yon? Ngiti ngiti ka jan, parang may nakikita kang hindi ko nakikita a" Saglit niya akong sinulyapan bago muling itinuon ang atensyon sa daan.

Nakangiti kong hinimas ang parte ng ulo kong hinampas niya. "Nai-imagine ko lang yung scenario sa future car ko~" bangag na sabi ko na naging dahilan para tumaas ang kaliwang kilay niya.

"Kelan ka naman kaya magkakakotse?"

"Kapag nakilala ko na yung asawa ko.." Nang sabihin ko iyon ay agad siyang napapreno. Kung hindi lang dahil sa seatbelt, malamang kanina pa nasira ang beauty ko.

"Kaloka ka bakla, dahan dahan naman, mababawasan ang dyosa sa mundo dahil sa ginagawa mo e!" Reklamo ko pero parang wala lang siyang naririnig.

"Asa ka namang bibilhan ka ng asawa mo ng kotse"  Mataray na sabi niya at muling nag-drive.

Napa-cross arms ako. "Aba bakit hindi, sa dyosang kong 'to, sinong hindi tatablan"

Hindi na sumagot si baklang Jaemin at pinagpatuloy na lang ang pagmamaneho, hindi na rin naman ako nagsalita pa, baka mahawa lang ako sa kaweirduhan ng isang 'to, sayang ang precious existence ko.

Sa mga sumunod na minuto, nakarating na kami sa parking lot ng mall.

"Nasaan na kayo?" Tanong ko kay Jeno mula sa kabilang linya. Tinawagan ko siya dahil sabi niya kanina, nasa mall na daw sila at kami na lang ni Jaemin ang hinihintay.

Ang tagal kasi mag-ayos ni bakla, tinalo pa ako e.

"Nasa parking lot kami, Lynne"

"Saan?" Inikot ko ang tingin ko sa paligid at kaagad kong nakita ang mga kumakaway sa members sa 'di kalayuan.

Agad ko nang pinatay ang tawag pagkatapos.

"Baks, ando'n sila" Tinuro ko ang direksyon ng mga NCT members saka nilingon si baklang Jaemin na ngayon ay nakasuot ng kulay blonde na straight wig, umabot 'yon hanggang sa bewang niya, red off-shoulder dress na umabot sa tuhod at dark pink doll shoes. Naka-shades pa si bakla at may light make-up pa 'yan. Oha!

《Ang Bekibels Kong Hubby》#SunflowerAwards2k18 #TOA2018 #KidlatAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon