Chapter Two
[Laralynne's POV]
Gaya ng nasa schedule ni madam Jaemin, kinailangan niyang pumunta sa kasal kasalan nina Nam Joo hyuk at Lee Sung Kyung na gaganapin sa isang sikat na beach dito sa Korya. Ang motif ng kasal ay red at aqua blue, kaya naman inspired doon ang OOTD ni bakla.
Bago ako pumunta sa dorm ng NCT, dumaan muna ako sa boutique ng isa sa mga kaibigan kong si Kyulkyung. Kasosyo ko siya sa negosyo, bale ako ang supplier ng designs para sa mga binebenta niya and the rest ng mga pagtatahi, etc. ay siya na ang gumagawa (opkors, with the help of her workers)
"Pinky!!" Malakas na sigaw ko nang makapasok sa boutique niya. Medyo nahirapan pa siyang hulaan kung sino ako dahil nakasuot ako ng pang-disguise at malabo na ang mga mata niya, pero later on ay nakilala niya rin ako.
"Laralynne, is dat yu?" pabulong niyang tanong. Alam ni Kyulkyung na nakikipagtago-taguan ako sa pamilya ko kaya para safe ay hininaan niya ang boses niya since marami-rami din ngayon ang bumisita sa shop niya.
I nodded. "The one and onleh" dahil sa sagot ko ay agad siyang tumango dahil alam niya na ang pakay ko. "Let's discuss it in my office" Pagkasabi niya no'n ay agad na kaming pumunta sa office niya na nasa second floor.
"I liked your newly submitted designs. Nakaka-mesmerized siya and at the same time, mura lang ang mga materials na gagamitin" Nakangiting sabi ni Kyulkyung habang naglalakad kami papunta sa office niya.
"Well lately, stress ako at alam mo namang pagde-design ang stress reliever ko" Pumasok sa isip ko ang mataray na looks ni Jaemin kaya wala sa sarili akong napailing. Dahil sa baklang 'yon, nas-stress ang magandang si ako.
"Well, I hope na lahat ng nas-stress ay kagaya mo. Para naman productive at mas lalong umangat ang ekonomiya natin. Plus, mas lalo kang gumaganda ngayon" puri niya at dahil doon ay napa-make face ako.
"Gumaganda o gumugurang? Thanks to that guy, naloloka ako ng wala sa oras" opkors, hindi ko pwedeng sabihin na 'gay' dahil kapag nagkataon ay baka kumalat ang balita, mawalan pa ako ng trabaho.
"Tell me more about him"
Nakarating na kami sa office niya at sa ngayon ay inaayos niya na yung suit na binili ng amo ko.
"I've watched several videos of him on YouTube and he's really really a good performer and dancer." Napatango ako dahil sa sinabi niya. Sobrang agree ako dahil sa bawat performances na ginagawa ni Jaemin, parang may sumasapi sa kaniyang lalaking kaluluwa kaya nagmumukha siyang manly kahit ang totoo ay mas maarte pa siya sa'kin.
"Mabait siya, protective, galante... pero may pagkamaarte" Sa totoo lang, truth naman ang lahat ng sinabi ko, pero pinakatotoo doon yung huli kong sinabi.
Tumango tango si Kyulkyung. "I actually ship you with him"
Kung umiinom lang ako ng kung ano ay baka naibuga ko na ito ng wala sa oras, but thank goodness, I'm not. Nakakaloka naman kasi 'tong sinasabi ni Kyulkyung e, yung pakiramdam na mas malabo pa sa mga mata niya yung chance na ma-notice ako ng baklang 'yon. I mean, ma-notice sa paraang titignan niya ako as a girl talaga at hindi bilang isang normal na tao.
Pero, ship lang naman kami ni Kyulkyung, meaning, wala namang pressure do'n and it's purely her opinion. So, go na langs.
"Mukhang lulubog lang yung ship mo" balik ko sa sinabi niya at napakibit balikat lang siya.
"Who knows, baka mamaya magulat na lang ako.. kasal na pala kayo"
Goodness! Asa namang ikakasal sa babae 'yong baklang 'yon. Eh baka nga, nagbabalak na 'yong ituloy ang pagpigil sa kasal nila Joo Hyuk at Sung kyung. At 'pag nagkataong napigilan niya ang kasal, siya ang papalit na bride kay Sung Kyung.
BINABASA MO ANG
《Ang Bekibels Kong Hubby》#SunflowerAwards2k18 #TOA2018 #KidlatAwards2018
Fanfiction||STARRING: NCT NA JAEMIN|| Laralynne Kim. Isang byootipul, kyot, balew at echoserang babae na naging julalay ng isang sikat na kpop star na si Na Jaemin, member ng NCT. Sa kabilang dako ng Earth, si Jaemin naman ay isang sikat na kpop star na talen...