Chapter Eight
[Laralynne's POV]
Alas sais na nang matapos ang overall gala mode namin sa mall. Pagod man, pero ang kalooban ko ay hindi.
Mas feeling ko pa nga ay na-recharged ako kahit na nakaka-haggardo versoza ang ginawa naming gala kanina.
Bukod kasi sa gala, may mga panira pa ng moment kaming nakasalubong.
Gaya nung kumakain kami, may lumapit sa aking babae at humingi ng pabor kung pwede ko daw ba silang kuhaan ng picture ni Jeno.
At siyempre, dahil mabait akong unnie, agad akong tumayo at kinuhaan sila ng litrato.
Dahil sabi niya, kuhaan ko siya ng isang picture, gano'n ang ginawa ko.
But I'm sarreh, hindi ko kayang pigilan ang sarili ko at nasadya kong maging magulo ang kamay ko na nagresulta sa blurred nilang picture.
"U-unnie, blurred ang picture. Pwedeng isa pa?"
Imbis na sumagot, tinignan ko lang sila ng icy-cold stare at plain na tinuro ang pagkain kong naiwan.
Bruh.
Kahit hindi niyo na isaisip ang momentum naming lima, pero paki-bigyang halaga naman ang relasyon namin ng pagkain.
Matapos no'n, sumunod naman sina Johnny at Lucas. Dahil pareho silang matangkad, nagmukha akong anak nila.
Hindi lang 'yon, agaw pansin pa ang outfit nila, kaya ang ending ko ay isang dakilang taga-picture.
Like halerr, dyosang PA ni Jaemin ang role ko sa kwentong 'to, bakit bigla atang nagbago? Ano 'to, plot twist of the century?
Pagkatapos nina Lucas at Johnny, sina Taeil, Ten, Yuta at Kun naman.
Arcade ang napili nilang venue pampalipas ng oras kaya doon kami pumunta.
Pero ang inaakala naming matiwasay na paglalaro, nauwi sa sagutan dahil may nakaaway si Ten na isang totoong bata, mga nasa 7 years old pa lang, dahil lang sa isang pink teddy bear.
Nang magawa naming makumbinsi ang bata, umentra naman ang nanay nito na nakipag-show off pa kay Kun, akala niya naman kinaganda niya.
Kung hindi nga lang umakto si lolo Taeil na inaatake sa puso, baka sa presinto ang bagsak namin lalo na't beastmode to the max ang nanay na nakasagutan ni Kun.
Hindi ko alam kung ano ang pinaga-awayan nila, pero naririnig kong may kung ano anong brand name silang binabanggit na para bang nagpapatalbugan sila sa mga gamit na meron sila.
Sa moment naman nina Mark at Haechan, hindi sinasadyang mahagip ng malaking tiyan ni Haechan ang isang 40 inches flat screen TV na naka-display sa tapat ng isang appliances store.
Kaya ang resulta, kinailangan naming bayaran ang nasira.
Salamat na nga lang sa black card, kavogue limited edition infinity card 'yon, ni Chenle at dahil doon ay instant na nasolusyunan ang problema.
Last but not the least, ang grupo nina Chenle, Jisung at Jaemin.
Sa simula, naging payapa ang pagtitingin namin sa loob ng bookstore. Pero kasing bilis ng alien ni Ben10 na si XLR8 ang pagbabago no'n nang may isang fan na nag-akalang isang sikat na author si baklang Jaemin.
Todo tili ang mga fans at kahit may mga security, mala-pabebe gurls pa rin sila na walang makakapigil.
At nang mga sandaling 'yon, nag-evolve kaming pareho ni Chenle at instant na naging ala-bodyguards ng dalawang dyosa na nasa katauhan nina Jaemin at Jisung.
BINABASA MO ANG
《Ang Bekibels Kong Hubby》#SunflowerAwards2k18 #TOA2018 #KidlatAwards2018
Fanfiction||STARRING: NCT NA JAEMIN|| Laralynne Kim. Isang byootipul, kyot, balew at echoserang babae na naging julalay ng isang sikat na kpop star na si Na Jaemin, member ng NCT. Sa kabilang dako ng Earth, si Jaemin naman ay isang sikat na kpop star na talen...