Intramurals part 2

19 3 0
                                    

VON’s POV

I wake up early kasi Intramurals sa school and isa ko sa mga nagvolunteer as paramedics para sa players. I’ve heard Ash’s team will be fighting Cole’s team sa championship ng Volleyball.

That girl, simula ng makita ko siya sa mall di na siya mawala sa isip ko. I know mali kasi I have Trish already  pero bakit ganun? Hayyyy…

Yvonne Chase Antonio, 19 y.o, 4th yr nursing student. Nag iisang anak and she lives in Mindoro, mag isa lang siya dito sa manila. 5’4 in height and she has that beautiful smile and eyes, and super friendly.

School’s Gymnasium…

Nagsstart na ang volleyball game and naka standby lang kami mga volunteer sa bench. Maganda ang laban, Ganado ang bestfriend kong si Cole. Palitan ng spike pero bilib ako kay Ash, ayaw magpatalo.

Ash’s team got the first set. Start na ng 2nd set, mainit pa din ang laban. I saw Ash prepping for her attack from back court, she hit the ball and was able to get a point. Pero bakit parang may mali, napansin ko na napangiwi sya ng akmang tatayo and looked at her from then. Hindi nga ako nagkamali,5th set almost patapos na ang game nang lumapit samin ang isa sa mga coach ng team nila and asked if we can help them na magbandage ng isang player.

I told them na ako na lang ang gagawa.
Hindi nya siguro napansin na ako yung nagbabandage sa kanya kasi nkapikit lang siya.

“Ang tigas ng ulo mo miss, alam mo ba na pedeng di ka na makalaro pag lumala tong injury mo?” di ko alam bat medyo pagalit ang pagkakasabi ko

Ramdam ko na medyo nagulat siya, ngayon nya lang siguro napansin na ako ang nasa harapan nya

“Alam ko ginagawa ko Von. Pakihigpitan mo na lang para sa support pag talon ko. Salamat”

Di na ko kumibo at inayos n lng ang benda sa paa nya. Sana kayanin ng support, pero alam ko n bago matapos ang game may di magandang mangyayari. Gusto ko na siya pigilan maglaro nung nagstart ulet ang game, alam ko na sobrang sakit n ng paa nya. Pero nakikita ko din yung kagustuhan nyang manalo. Bat ba ko nagwoworry ng sobra sa babaeng to. Inis na sabi nya sa sarili nya.

Last point, if makuha nila Ash to sila na ang magchachampion. Nakita ko na sinenyasan nya ang setter and bumwelo ulet from back court, ang taas ng talon nya and she hit the ball pero nablock ni Cole.

Pero dahil siguro sa impact nag out ang bola and they won. I saw her lying sa floor and ndi makatayo. Napatakbo ko bigla sa court when I saw her in pain.

“Ash!” Nag aalalang sigaw ko

Ngumiti siya ng pilit sabay sabi “ Diba sabi ko sayo mananalo kami”

“Ang tigas ng ulo mo” Galit na sabi ko sakanya

Dinala namin siya sa hospital para magamot, that’s where I found out n may dati n syang fracture I don’t know where nya nakuha. Nakatulog siya after lagyan ng cast, kanina umiiyak lng sya habang nilalagyan ng cast. Gusto ko siya lapitan pero wala naman ako magagawa dun. Bakit parang dinudurog ang puso ko ng makita ko siya umiiyak?

I went to her room after siya matransfer, she’s sleeping. Andun sila M, yung friend nya na kasama nung party ni Cole.

“Hi” nahihiyang bati ko sa kanila

“Hey, I know you.” Sabi ni M

“We met sa party ni Cole.”

“Oo nga, Von right?”

Tumango ako..

“This is Aya and Max, kaibigan namin ni Ash.”pakilala nya sa dalawang girl na kasama nya sa room

A Love That Never Dies❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon