Truth or Dare

22 2 0
                                    

Cole’s Party

Madami nang tao sa bahay nila Cole. As usual almost buong school invited.

Colleen Santos. Anak ni Governor Amado Santos. 4th year Nursing student, volleyball player and known for being a brat and pinagkakaguluhan ng chix.

“Hi guys!” Bati ni Cole kila Von na nakaupo sa isang table kasama si Trish, Mitch, Ivan and Mags.

“Buti naman nakarating kayong lahat, kala ko iindyanin nyo ko eh” nagtatampong sabi ni Cole

“Hahaha, matitiis ka ba namin?” natatawang sabi ni Mitch

“Parating na din sila Marco, dinaanan lang yung gf nya” dagdag ni Von

“Nice! Kumpleto pala tayo. Buti naman, for sure after graduation mababawasan na ang lakad natin.” Masayang sabi ni Cole

“Oo nga, sana magkakasama pa din tayo sa hospital.” Si Mitch

“Ipasa muna natin ang licensure exam natin bago natin isipin ang work hahaha” natatawang sabi ni Von

“Saka na natin isipin yan..For now, let’s get drunk and enjoy the party!!!” masayang sigaw ni Cole

Nahinto ang music ng umakyat sa stage ang Mama ni Cole.

“Good evening everyone. I would like to thank you for letting us share this special day to celebrate our daughter’s success. Cole, baby, Congratulations! Ang gabing to ay para sa lahat ng sacrifices and hirap mo. Thank you for making us proud.” Cole’s mom

Palakpakan ang lahat after ng speech ng mama ni cole. And nagtuloy na ang kasiyahan.

“Excuse me guys, salubungin ko lang sila Ash” paalam ni Cole sa grupo

“Uyyyy, andito pala ang love of your life” tudyo ni Marco

Tinawanan lang sila ni Cole and lumakad na papunta sa gate.

Pagbalik nya sa table kasama na nya sila Ash, Max, M and Aya. Naupo na sila Max, M and Aya sa table. Si Ash and Cole naman pumasok sa loob ng bahay to greet Cole’s parents.

Everyone is having a good time. Medyo lasing na din halos lahat ng bisita pero tuloy pa din ang grupo nila Cole sa pag iinom.

“Let’s play a game!” Si Max na medyo nabubulol na sa kalasingan

“Gusto ko yan! Anong game?” Si Mitch

“Let’s play Spin the bottle.” Suggestion ni Ivan

“Truth or Dare lang ang option kung sino matapatan ng bottle” dagdag pa nya

“Game” sabay sabay na sagot ng grupo

“Oh walang KJ ha” sabi ni Cole

Nagsimula na silang maglaro. And the first victim is Mitch.

“Truth or Dare?” tanong ni Cole kay Mitch

“Dare” matapang na sagot ni Mitch

“Aba! Matapang ka ha,” natatawang sabi ni Ivan
“O sige eto ang dare mo, umakyat ka sa stage and dance twerk it like miley” natatawang sabi ni Cole

Game na umakyat si Mitch ng stage at sumigaw pa “Music please!”

Napatingin sa kanya lahat ng bisita at nagsimula na tumugtog ang twerk it like miley. In fairness, kayang kaya ni Mitch sayawin ang song. Palakpakan ang mga bisita after and nag bow pa siya. Hahaha

Si Mitch naman ang nagpaikot ng bottle at natapat yun kay Ash.

“Truth or dare?”

“Truth” tipid na sagot ni Ash at halatang kinakabahan

A Love That Never Dies❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon