Drunk

31 4 0
                                    

Graduation Day!

Excited na lahat ng students para sa graduation ceremony. After 4 years or more ng paghihirap at pagsusunog ng kilay sa wakas makakamtan na nila ang pinapangarap nilang diploma.

“Aya bilisan mo malalate na tayo sa graduation nila Cole. Mastuck tayo sa traffic” sigaw ni Ash

“Etong babaeng to kala mo siya ang gagraduate” nakasimangot na reklamo ni M

“Eto na nga. Bat ba kasi need pa natin umattend dyan,” reklamong sagot ni Aya

“Kasi nga dba kailangan andun si Ash para kay Cole” natatawang sagot naman ni Max

“Tara na nga. Ako nanaman nakita nyo. Akon a magddrive M. Akina ang susi”

Nagdrive na ang apat papuntang CCP. Dun kasi gaganapin ang graduation.
Pagdating sa function hall madami nang tao. Puno ng students and parents. Agad na tinawagan ni Ash si Cole.

“Cole andito na kami. Sorry late na ha. Andito kami sa entrance.” “Sige wait ka na lang naming dito”

“Ash!” sigaw ni Cole mula sa malayo

Kasama nito sila Von, Marco, Mitch and Trish.

Agad lumapit si Cole sa kanya and hinalikan siya sa pisngi.

“Thank you umattend ka.” Nakangiting sabi nito sa kanya

“Syempre naman. Pede ko ba mamiss yung isa sa pinakaimportanteng araw sa buhay mo” Nakangiting sagot nya

“Congrats Guys!” sabay sabay na bati nila Ash kila Von.

Hinawakan ni Cole ang kamay ni Ash.

“Oo nga pala guys! Kami na ni Ash. Graduation gift nya daw sakin yung matamis nyang OO” masayang announcement ni Cole

“Wow! Ano pinakain m okay Ash Cole? Lagyan mo helmet yan, baka bukas matauhan n yan ibreak ka agad” biro ni Mitch

“tsk tsk. Malaking pagkakamali yang ginawa mo Ash, papaiyakin ka lang ng kaibigan kong yan” seryosong sabi naman ni Marco

“Hoy tigilan nyo nga si Ash. Mamaya maniwala yan” reklamo ni Cole
Tawanan ang grupo.

“Congrats Ash and Cole” bati ni Trish

Nginitian sya ni Ash . “ Thank you”

“Congrats bespren. Sa wakas nakuha mo na din ang matamis na OO ni Ash” nakangiting akbay ni Von kay Cole.

“Sabi ko naman sayo e, madadaan sa tiyaga ang pihikang puso nya” kindat ni Cole kay Von

“Balik na muna kami dun Ash, see you later ha.” “Sama kayo samin, mag cecelebrate tayo.” Paalam ni Cole

“Okay sige. See you!”

Naiwan ang apat na magkakaibigan at naupo sa vacant chairs.
Binulungan ni M si Ash.

“Bakit mo sinagot si Cole?” Seryosong tanong nito

Natawa si Ash sa tanong ng kaibigan

“Bakit naman hindi? Matagal na din naman siya nanliligaw at mabait naman si Cole” sagot ko

“Ang tanong siya ba talaga mahal mo? Or ginawa mo lang yan para pagtakpan kung ano talaga nararamdaman nyang puso mo?”

Natahimik ako sa tinuran ni M.

“Mahal ko siya. Okay n ba na reason yun? Andami mo sinasabi M. I deserve to be happy din naman diba?” seryosong sagot ko

“Okay sabi mo e. Sana lang di mo pagsisihan sa huli yan”

A Love That Never Dies❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon