Lunch

28 3 0
                                    

“Goodmorning Ash” bati ni Cole

“Goodmorning” ganting bati ko sa kanya

Yes. Bati na kami, nagsorry siya and I decided to forgive her for what she did.  Wala din naman mangyayari if magagalit ako sakanya habang buhay.

“Aattend ka ba ng training mamaya?” tanong nya

“Syempre! Alam mo naman na di ako sumasablay sa training kagaya mo. Hahaha” Biro ko sa kanya

“Grabe ka! Minsan lang kaya yun”

“Minsan like once or twice a week?” nakangiting sabi ko

Tawananan kaming dalawa.

“Anong plan mo sa Saturday?” tanong ni Cole

“Hmmm, wala naman ata kaming lakad. Wala sila mama nasa Cebu ulet e. Bakit?”

“May party sa bahay, gusto icelebrate nila mama na gagraduate na daw ako. Hahaha”

“Sige pupunta ko basta mangako ka na behave ka ha?” seryoso ko na sabi sa kanya

“Talaga? Promise di na mauulet yung inciden na yun.” Tuwang sagot nya

“Okay. Una na ko Cole. Puntahan ko sila Aya sa library” paalam ko sakanya

“Sige po. See you sa Saturday”

Nginitian ko lang siya at naglakad na ko palayo. Ilang months na din ang nakalipas simula nung nangyari yung incident na yun sa party ni Cole. To be honest di ko makalimutan ang gabing yun di dahil sa nangyari kundi dahil kay Von. Naalala ko pa yung place na pinagdalhan nya sakin. That very moment na I felt special, na parang ayoko matapos ang gabi. Kamusta na kaya siya? After ko maospital di na kami ulet nagkausap. Nagkakasalubong kami pero tanguan na lang. Bakit ganun? Bakit di pa din siya mawala sa isip ko.
Di ko namalayan sa sobrang lalim ng iniisip ko nakabangga tuloy ako.

“Sorry” hingi ko ng paumanhin

Tinulungan ko siya na pulutin ang books na nalaglag dahil sa impact ng pagbangga ko.

“Okay lang” sagot nya

That familiar voice. Napatingin ako sa kaharap ko at hindi nga ako nagkamali. Si Von.

Nailang ako kaya agad akong tumayo.

“Sorry ulet. Sige una na ko Von” iwas ko

“Sandali lang Ash” pigil nya

Hinawakan nya ko sa braso.

“Bakit?” malamig na sagot ko

“Pede ba tayo mag usap?”

“Nag uusap na tayo oh” masungit na sagot ko.
Ewan ko ba bakit naiinis ako

Napakamot naman si Von sa ulo.

“Dun tayo sa likod ng soccer field. May gusto lang ako sabihin please” pakiusap nya

Tinignan ko lang siya at tumango. Nauna na ko maglakad at sumunod siya sakin.

Naupo kami sa bench kung san nya ako inaya magbreakfast noon.

“Kamusta ka na Ash?” malungkot na tanong nya
“Okay lang naman ako, ano ba sasabihin mo?” gusto ko na matapos ang usapan kasi nahihirapan ako na malapit sa kanya.

“Galit ka ba sakin? Malungkot na tanong nya

Parang nawala lahat ng inis ko ng makita ko na malungkot ang mata nya. Hayyy ano ba meron ang babaeng to. Kainis!

“Hindi, bakit naman ako magagalit sayo?”

“Kase simula nung naospital ka, pakiramdam ko iniiwasan mo ko” malungkot pa din siya

A Love That Never Dies❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon