"Pusa lang pala kala ko naman kung ano na"sabi ni Hinatsume.
"Tara na pumasok na tayo sa loob"aya ni Kiyoshi.
*Binuksan ang pinto at pumasok*
"Grabe naman ang dumi dito,ang daming sapot"iritang sabi ni Saki.
"Teka,hanapin na muna natin yung kusina at dun natin ilagay yung mga pagkain natin"sabi ni Isamu.
"Kami ni Ken'ichi ang maghahanap kung may mga kandila at posporo dito,at titignan rin namin kung may kuryente o generator para in-on namin"sabi ni Aiko.
"Sige,mauna na kami sa kusina"sagot ni Kiyoshi.
*Sa kusina*
"Guys,dalhin ko muna tong mga gamit namin sa taas hahanap na rin ako nang magiging kwarto naming mga nababae"sabi ni Saki.
"Sige,aayusin na muna namin tong mga pagkain natin,tatawagin ka na lang namin kung kakain na"sabi ni Hinatsume.
Umakyat na si Saki sa taas dala-dala ang ilan sa mga gamit nila agad namn siyang nakakita nang kwarto roon,naglalaman ito nang tatlong kama,isang malaking closet,lumang TV at isang c.r,nilapag niya ang mga gamit sa kama at pumunta sa C.R nang kwarto.
"Grabe talaga ang daming dumi rito,makapagretouch nga"
Habang nagmamake-up si Saki at biglang bumukas ang pinto nang c.r...
"Saki kakain na daw,mayroon palang dala ni Aiko na mga pagkain"sabi ni Yoshiko.
"Grabe ka naman,ginulat mo ko,sige susunod ako pakisabi na lang"sagot naman ni Saki.
Palabas na siya nang c.r nang biglang may tumunog...
"Tago-taguan maliwanag ang buwan pagbilang kung sampu nakatago na kayo isa..."
Agad na hinanap ni Saki kung saan nanggagaling ang tunog na iyon,pagkakita niya ay nanggagaling ito sa isang music box...
"Kala ko namn kung ano na,grabe ah kakaibang music box to ang ganda nang design tapos parang bago lang,baka si Yoshiko nagplay nito kanina,pasaway talaga,ang hilig mangtrip"
Agad na siyang bumaba at pumunta sa kusina kung at nakita niya ang kanyang mga kaibigan,umupo na rin siya sa bakanting upuan...
"Oy Aiko may dala ka palang mga pagkain ah,di ka nagsasabi"sabi ni Isamu.
"Ay eh oo,kasi malay mo magutom tayo syempre baka ayaw niyo kumain nang chichirian kaya nagdala ako"sagot ni Aiko.
"Btw,nakakita na kami nang mga kandila pwede niyo tong gamitin mamaya"sabi ni Ken'ichi.
Bigla na lang kumulog at umulan nang malakas....
"Mukhang matatagalan tayong maka-alis dito"sabi ni Hinatsume.
"Oo nga,kaya mabuti pa at matulog na tayo para bukas kukunin namin yung kotse tutulakin namin hanggang dito,para ayusin"sabi ni Kiyoshi.
"Sige mauna na kami"sabi ni Isamu.
Agad na umakyat sina Hinatsume,Saki at Isamu,kasunod nun ay umakyat narin sila Ken'ichi,Aiko,Kiyoshi at Yoshiko at natulog na sila...
*Sa kwarto nila Isamu*
Habang sila ay natutulog at walang tigil parin ang ulan,bigla nalang may humihila sa kumot ni Isamu.Agad siyang dumilat upang tignan kung sino ang humihila sa kanyang kumot,pagkalingon niya sa kanyang gilid ay nakaharap na sa kanya ang isamg manika...
"Grabe ka namng manika ka ha,sino ba naglagay dyan sayo,di naman kita nakita dito kanina ah"
Nilagay niya ito malapit sa aparador at natulog nang muli.Bigla nalang siyang nagising at nasa isa siyang madilim na lugar...
"Teka,asaan ako"
"Hello?may tao po ba dito""Iha,umalis na kayo"
"Nandyan lang siya nagbabantay sa inyo""Ho?S-sino po?"
"Basta umalis na kayo dito habang maaga pa"
Ang maamong mukha nang matanda ay biglang naging nakakatakot at papalapit sa kanya...
At bigla na lamang siyang nagising.
"Panaginip lang pala,makainom nga muna nang tubig"
Agad siyang bumaba para kumuha nang tubig,habang siya umiinom ay may narinig soyang mga yapak papunta rin sa kusina at sa di kalayuan ay may natanaw siyang tao,lalaki ito,papalapit na ito at natanaw na niya kung sino ito...
"Aiko,ikaw lang pala kala ko kung sino na"
"Anong ginagawa mo dito Isamu?"
"Ahh,uminom lang ako nang tubig,ikaw anong ginagawa mo dito?"
"Wala naman,nagutom lang kasi ako bigla eh,kaya bumaba muna ako rin upang kumain"
"Ahh ganun ba,sige mauna na ako ha"
"Sige"
Nauna nang umakyat si Isamu,makalipas nang ilang minuto ay sumunod na rin si Aiko,at natulog...
![](https://img.wattpad.com/cover/145961631-288-k413990.jpg)
BINABASA MO ANG
Hide And Seek
Misteri / ThrillerBuong akala nang magkakaibigan ay ang kanilang magiging trip papunta sa isang lugar ay mapupuno nang excitement,pero habang nasa biyahe sila biglang nasira ang kanilang sasakyan sa di malamang dahilan... Halina't tuklasin at alamin ang mangyayari sa...