Hide And Seek:Chapter 4

47 4 12
                                    

Yoshiko's POV

*Yawn*ang aga ko atang nagising,anong oras na kaya,huh?5 o'clock pa lang,ngayon lang ako gumising nang ganitong oras ah hahaha,kadalasan kasi mga 6:15 - 6:30 na ako nagigising...

Nakaramdam ako nang pagkulo nang aking tiyan,makatayo nga muna,hahanap ako nang pwedeng kainin sa baba.

Habang naglalakad ako ay parang bigla akong kinabahan,tanging tunog nang puso ko ang aking naririnig palakas nang palakas ang tibok nang puso ko,para bang may mangyayaring  masama,habang pababa ako ay para bang may yabag na sumusunod sakin,pagkalumilingon naman ako ay wala namang tao.

Nang nasa baba na ako nang hagdan parang may batang nagtatakbo sa likuran ko,ang lakas nang tibok nang puso ko,umuulan pa nang malakas sa di kalayuan may natanaw akong anino malapit sa pintuan,may kumalabit sa likod ko nilingon ko ito pero wala namang tao,pinaglalaruan ba ako nang imahinasiyon ko?

"Kung sino kaman magpakita ka!Di ako natatakot sayng"sigaw ko pero tila walang sumasagot...

"Guys kayo ba yang nananakot sakin,tigilan niyo na please,di na nakakatuwa lumabas na nga kayo dyan"muli kung sabi pero wala manlang isang boses akong narinig,pagkalingon ko ay bigla na lang...

"AHHHHHHHHHHHHHH!!!"may bata akong kaharap duguan siya at parang humihingin nang tulong,kasabay at pagkasigaw ko ay ang aking pagkahimatay...

Author's POV

Pagkagising ni Aiko ay nadatnan niya si Yoshiko sa baba nang hagdan walang malay,kaya nagmadali siyang bumalik sa mga kwarto at gising ang bawat isa upang ipaalam ang kanyang nadatnan.

Agad silang bumaba at sinubukang gising si Yoshiko,sinampal sampal ito ni Saki upang magising.

"Oy gumising ka na!"sabi ni Saki habang sinasampal ito.

Bago tumama ang malakas na sampal sa mukha ni Yoshiko ay nagising na ito at tumayo.

"Ayus ka lang ba?"tanong ni Kiyoshi.

"Oo ayos lang namn ako"

"Ano bang nangyari sayo"tanong namn ni Hinatsume.

"Ah eh wala wala,siguro napagod lang ata ako"pagsisinungaling niya.

"Napagod saan?"tanong ni Isamu.

"Basta,none of your business"sagot niya habang walang reaksyon ang kayang mukha.

Tumango na lang silang lahat,nagkanya kanya na sila nang mga pinagkaaahbalahan ngunit si Yoshiko ay di parin makapili sa pag-aalala sa nangyari kahapon na di niya mawari kung totoo ba ito o imahinasyon niya lang.Kinikilabutan,nilalamig,tila may mga bumubulong sa kaniya.

Di malaman ang gagawin,sa sobrang takot ngunit di siya nagpapahalata.Kahit saan siya tumingin ay tila nakikita niya parin ang imahe nila,isang pamilya,pamilyang tila ba ay may gusto iparating,iparating na bagay na may hinihinging hustisya.

Makalipas ang ilang oras ay napansin ni Saki na tila ba buong araw na lang siyang tahimik,nakatulala,di namamansin.Para bang may sariling mundo.Agd niya itong nilipatin at tinabihan sa kayang kinauupuan.

"Oy Yoshi,ayos ka lang ba talaga?"

Ngunit di siya sumasagot tila di niya naririnig si Saki.

"Yoshi?oy!"

"Ha? Bakit?"gulat na tanong niya.

"Tinatanong lang kita kung okay ka lang ba talaga?Nabingi ka ba at di ka agad sumasagot,ano bang iniisip mo?"

"Ah eh oo okay lang ako,wala wala akong iniisip"

"Weh?parang meron eh"

"Wala nga"seryoso niyang sagot.

Hide And SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon