Hide And Seek:Chapter 5

29 4 1
                                    

Isamu's POV

Kasunod nang tawa't iyak na aming narinig ay may mga sumunod pang tunog,Lahat kami ay nagulat sa kalabog at ingay sa baba,di ko alam kung pupunta ba talaga kami,pero para saakin ay dapat lang na kami ay umalis baka ay mapahamak pa kami.

"Oy ano kaya kung pumunta tayo dun?"aya ni Yoshi.

"Nasisiraan ka na ba nang bait?bakit naman tayo pupunta dun?Ha?"sagot ni Ken'ichi sa kanya.

"Ummmm,guys sa tingin ko kailangan na nating umalis dito"sabi ko sa kanila.

"Sus,Isamu nagpapadala ka lang sa takot"sabat ni Saki.

Di na lamang ako sumagot dahil baka magkaroon pa nang ayaw.Wala na kaming nagawa kung hindi bumaba para alamin ang nangyayari sa baba.

Tila ang aking puso ay kinakabahan,dahil ayoko may mangyaring masama sa amin.Papunta kami sa pinto nang basement at tumambad samin pagkabukas nang pinto ang isang napaka lawak na basement,para kang maliligaw sa loob pagpumasok ka.

"Alam niyo?Baka maligaw pa tayo unalis na lang tayo"sabi ni Aiko.

Walang sumagot kung hindi bumaba na lang sila,mabuti na lang at may flashlight kamimg dala,grabe ang lawak nito.Habang kami ay naglalakad may mga pinto kaming nadaraanan ang ilan sa pintong ito ay may lamang mga gamit na nakatago,isa rin dun ay mga pagkain na alam kung expired na dumeretso lang kami para mahanap kung saan nanggagaling ang tunog.Halos di mo na makita kung ano ano ang nasa likod mo.Nasa kalagitnaan kami nang paglalakad nang may narinig kaming yabag na sumusunod saamin,kung kaya't pumasok kami sa isang pinto,sa loob nito ay isang kwarto na may mga libro na nakakalat,isang maliit na higaan,at isang malaking salamin,kami ay nagtago at nagpahinga muna.

Ilang minuto ang nakalipas may kumatok sa pinto kaya agad kaming kumuha nang mga gamit na pwedeng ipangharang sa pinto,kinakabahan na talaga ako at natatakot.

Hinatsume's POV

Kinuha ko muna ang phone na nasa aking bulsa,75% na lang ang battery nito.Nagulat ako nang makitang may signal dito,agad kung hinanap ang pangalan ni Ashmina isa sa aking close na kaibigan para manghingin nang tulong...

*ringing*

Tinawag ko sila at sinabing may signal dito at tumatawag na ako nang tulong nagsilapitan agad sila.Makalipas nang ilang minuto ay sinagot ito ni Ash.

"Hello?Ash!"

"Hina?Nasaan ka na?Hinahanap na kayo nang parents nyo!"

"Tulungan mo kami,naligaw kami,nagpunta kami sa isang mansion at ngayon nasa basement kami,di kami makaalis"

"Sige asaan kayo?"sabi niya nang may pagaalala.

"Nasa-"

*toot,toot*

Biglang namatay yung tawag,at nawala agad yung signal,mukhang pinaglalaruan kami.Binuksan na ni Kiyoshi yung pinto...Wala na yung tao kaninang kumakatok roon.Umalis na kami.Nagpatuloy sa paglalakad,dahil halata namang kami ay naliligaw na rito.

Napakalaki neto,pumasok kami sa isang pintong nakapukaw sa aming atensyon.Pagpasok namin roon ay may isang manika lamang roon,parang dead end na ito.Sinubukan naming buksan ang pinto muli,ngunit ayaw neto,nakakapagtataka lang,paano magkakaroon nang isang kwartong walang kalaman laman kundi isang manika lamang.Tumahimik lang kami.

"Guys,meron ba kayong pin?baka mabuksan ko ang pinto"panira ni Aiko sa katahimikan.

"Ako meron ako"sabay abot ni Ichi(Ken'ichi)nang pin.

Tagumpay nga si Aiko ito ay kanyang nabuksan,ngunit laking gulat namin nang iba na ang lugar na nakita namin,hindi na kami nasa basement at hindi ito yung itsura nang masyon na aming pinuntahan.Isa ba itong ilusyon?

Hide And SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon