Hide And Seek:Chapter 3

35 10 7
                                    

Hinatsume's POV

"*Yawn at lumingon sa paligid*teka asaan na sila?anong oras na kaya.*Tumingin sa orasan*hala?!9:00 na!"

Agad akong nagmadaling pumunta sa baba.

"Oh Hinatsume gising ka na pala"sabi ni Isamu.

"Kung hinahanp mo yung boys,nandoon sila sa labas sinusubukang ayusin yung kotse"sabi niya habang nakangiti.

"Halika na umupo ka na rito at kumain,nagluto ako nang inihaw"sabi ni Saki.

Umupo na ako at kumain siya namang kumakain nang sandwhich ngayon.

"Ummm,paano ka nakapagluto nito?"tanong ko.

"Kanina kasing umaga pumunta yung boys sa kakahuyan,at kumuha nang ilang sanga,sakto namang may posporo si Ken'ichi,at si Aiko naman ay may dalang grill"sabi niya.

"Hinatsume,pwede bang paki-kuha yung pamaypay ko sa taas?"tanong ni Isamu sakin.

"Oh cge"sagot ko.

Agad na akong umakyat sa taas,habang hinahanap ko yug pamaypay ni Isamu ay may narinig akong tawa't salita.

"Laro tayo!"wika nang isang bata ang aking narinig,pagkalingon ko'y isang manika lang pala ang nagsasalita,agad kong hinanap ang pamaypay ni Isamu.
Buti na lang at nakita ko na,pero hanggang ngayon ay nagsasalita parin yung manika.Agad ko yung pinuntahan upang ioff.

"Teka nga lang,paano pala makakapagsalita ang isang manika kung matagal na itong nandito"bulong ko sa aking sarili habang papalapit dito.
Teka?!Bakit walang button ito...

Hinanap ko kung nasaan ang lalagyan nang battery nito,at nakita ko nga pero bakit ganun wala namang laman...Kumaripas ako nang takbo pababa dahil sa sobrang takot.

"Oh,Hinatsume bakit parang nakakita ka nang multo dyan?"tanong sakin ni Saki.

"Yung manika k-kasi sa kwarto nagsalita pero walang battery"sagot ko.

"Hay nako,Hinatsume gutom lang yan,kumain ka na ulit"sabi ni Isamu,agad ko ring inabot yung pamaypay sa kanya.

~Kinagabihan~

Kiyoshi's POV

"Guys,tawagin niyo na lang ako pagluto na yung pagkain"sabi ko sa kanila.

"Sige,tatawagin ka na lang namin"sagot ni Aiko.

"Dun muna ako sa libray nitong bahay,pagkailangan nyo ako pakitawag na lang ako"sabi ko sa kanila.

Agad na akong pumunta roon,pagkapasok ko'y bumunggad sakin ang napakaraming libro,halatang napakaluma na nito dahil sobrang alikabok nang ilang gamit rito,naghanap ako nang magandang libro agad namn akong nakahanap,habang binabasa ko ang librong iyon ay may narinig akong naghulog,sinilip ko ito at nakita ko ang isang notebook roon,agad ko itong pinulot bubuksan ko na sana ito nang biglang nagpatay sindi ang ilaw roon,nahulog lahat nang libro,aktong lalabas na sana ako nang biglang bumukas yung pinto...

"Aiko ikaw lang pala"

"Nagulat ba kita haha,tara na kakain na"aya niya sakin.

Lumabas na ako nang library,lumingon ako roon bago isara ang pinto,nakakapagtataka bakit para walang nangyare,maayos na ulit ang mga gamit roon,at di na nakakalat ang mga libro.Kinilabutan ako sa nangyari...

Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming pumunta sa aming mga kwarto,ngunit hindi ako makatulog dahil sa nangyari,pakiramdam ko ay may nanonood sakin palagi,makalipas ang ilang oras at nakatulog na rin ako...

~Kinaumagahan~

Aiko's POV

Maaga akong nagising dahil sa isang katok sa baba,tulog pa silang lahat nagpasiya akong pumunta sa baba upang tignan kung sino ang kumakatok at baka makatulong siya sa amin.

Pagkababa ko ay di parin tumitigil ang katok kaya nagmadali ako,pagkapunta ko sa gate ay wala akong taong nakita lumingon-lingon ako sa kalsada ngunit wala akong makitang tao,tumingin ulit ako sa harap at...

"Ay bata ka,nakakagulat ka naman,ano nga palang ginagawa mo dito sa gitna nang kagubatan?"tanong ko sa batang kaharap ko.

"K-kuya naliligaw po kasi ako,nakita ko po kasi yung kaibigan ko kanina kinuha niya po yung manika ko tapos pumasok siya sa loob nito,di ko po siyaa naabutan pero nakita ko po siya sa loob nang bintana umaakyat papunta po sa taas,patungo sa isang kwarto"sabi niya habang umiiyak.

"Sigurado ka ba?Kasi nakalock tong gate eh,atsaka walang bata rito"sagot ko.

"Eh nakita ko po siya dyan eh!"sigaw niya habang umiiyak,naawa ako sa kanya kaya pinapasok ko muna siya.

"Kaylan ka pa ba nawawala?"tanong ko habang paakyat kami nang hagdan.

"Kanina lang po..."sagot niya.

"Oh ito sandwich baka nagugutom ka na"sabay aboy ko sa kanya nang isang sandwich.

"Salamat po"masaya niyang sabi habang kinakain yung sandwich.

Nakarating na kami sa taas...

"Bata alin sa mga kwartong toh nakita mong pumasok yung kaibigan mo?"tanong ko.

"Doon po oh"sabay turo niya sa pinakadulong pinto.

Agad na kaming nagtungo don,binuksan ko ang pinto at bumungad sakin ang isang kwartong punong-puno nang laruan.

"Halika na hanapin na natin yung laruan mo"aya ko sa kanya.

"Sige po!"masigla niyang sabi.

"Ummm teka bata,ano nga palang panglan mo?"

"Sandy po"

"Masaya akong makilala ka Sandy,ano nga pala yung laruan na hinahanap natin?"

"Isa pong manika,may itim na buhok,puting damit,pulang sapatos,at may nakapangalang sandy po roon"

Habang naghahanap kami ay may nakapukaw sa aking atensiyo,isang baul na tila bago lang at parang di pa luma,agad akong lumapit rito at tinignan kung anong laman,bumungad sakin ang isang diary at yung manika nang bata?!kinuha ko agad yung manika at nilingon si Sandy.

"Sandy ito na yung manika mo oh"sabay abot ko sa kanya.

"Salamat po"

Bigla na lang may kumatok sa pinto at nagbukas ito....

"Oy,Ken-ichi ikaw lang pala"

"Haha,nagulat ba kita?ano nga palang ginagawa mo rito?"

"Ah tinulungan ko pang kasi tong si Sandy hanapin yung laruan niya"

"Sandy?ha?"

"Oo yung batang kasama ko rito"nilingo ko kung saan kanina naroroon si Sandy,pero laking gulat ko nang makitang wala siya roon at ang kaninang kwartong punong puno nang laruan at naging bakante na.

"Sigurado ka?"

"Ahh ehh,di ko alam baka nagugutom lang siguro ako"

"Hahhah,sige tara muna sa kusina at kumain ka muna bago matulog"aya niya

Pumunta na kami sa kusina at pinagluto nang cup noodles pagkatapos nun ay umakyat na ako sa kwarto at nakatulog nang mahimbing....

Hide And SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon