"Peach gumising kana malelate kana oh" pag gising sakin ni mama
"5 more minutes ma" sabe ko
"Anong 5 more minutes, gumising kana sabe bahala ka ikaw din ang mapapagalitan" sabe nya
"5 more minutes" sabe ko
"Nasa labas si Pip hinihintay ka" pagkarinig ko nun napabalikwas ako ng bangon
"Syempre joke lang sige na bumangon kana at maligo" sabe ni mama, napasimangot naman ako kala ko nandun ang Prince Charming ko eh
"Ma naman eh 5 mins na talaga" sabe ko
"Mamaya dun tayo nag didinner kila Tita Thalia mo, so kung gusto mo na dun tayo mag dinner tumayo kana dyan at maligo at pumasok na sa school" natuwa naman ako sa sinabe ni mama si Tita Thalia ay yung mama ni Pip or Peter Ivan Poleganes.
"Sure yan ma ha?" Sbe ko
"Opo kaya sige na maghanda kana kase handa na din ang breakfast mo" sabe ni mama at lumabas na ng kwarto namin.
Since inspired na ako kaya yun naligo na ako at naghanda na, Gade 10 students kami ni Pip and magka-klase kaming dalawa, oh diba Meant to be talaga kaming dalawa. After ko na mag ayos bumaba na ako, at kumain.
"Kain kana nak" sabe ni mama
"Opo ma" at kumain na ako after kong kumain ay nagpahatin na ako kay Mang Isko sa School namin.
***
"Salamat po Mang Isko" sabe ko nung pagkbaba ko. Sa International School Manila ako nag aaral."Ingat po kayo Ma'am susunduin ko nalang po kayo mamaya" sagot ni Mang Isko sakin, tumango naman ako, mukhang ang swerte ko talaga nasa unahan ko lang kase si Pip eh.
"Pip sabay na tayo" sabe ko
"Ayoko" sabe nya at lumakad ng mabilis
"Hintay naman Pip parang sasabay lang eh" sabe ko naman
"Sabe ng ayoko" sabe nya
"Sus wala kanang magagawa magkasabay na tayo oh blee" sabe ko sabay belat pa sa kanya
"Pupunta kami sa inyu mamaya" sabe ko
"So?" Pagsusungit nya
"Dun kami mag didinner" sabe ko pa
"Wala na ba kayong pagkain sa inyu" sungit talaga neto
"Meron pero sabe ni Mama inimbitahan kami ni Tita" sabe ko
"Tss" yan lang sinabe nya at naglakad hanggang sa makarating kami sa room namin.
Tabi kami ng upuan ni Pip, oh diba nakakakilig yun katabi mo ng upuan ang crush mo.
"Sab, di ka na nakareply kagabi" nabasag ang imagination ko
Nasa right nya ako na crush sya nasa left nya si Sabrina na gusto nya, pero ano naman, mas maganda naman ako sa Sabrinang yun noh. I am the right girl for him and not Sabrina who will left him. Oh diba naisinggit ko pa yun
"I fell asleep na kase Pip" sabe ni Sab sa kanya
"Ah ganun ba ? Ok lang yun" sabe nya at ngumiti pa
Bakit kaya di sya ngumingiti pag kasama ako, tapos pag kaharap si Sabrina todo ngiti sya, oo alam ko na gusto nya si Sabrina at yun ang lamang nya sakin, pero bakit ba gusto ko si Pip and alam ko magugustuhan nya din ako
"Pip ako pag tinext mo ako di kita tutulogan" sabe ko
"Ikaw tutulogan kita" sabe nya, daig pa nya ang babaeng may mens pag ako kaharap nya kaloka
"Sab, are you free later ?" Tanong nya kay Sabrina
"Uhm. Yes bakit?" Tanong ni Sabrina
"Can we have dinner together?" Tanong nya aba di pwede yun
"Ala isusumbong kita kay tita, kami ang kasama nyu mag dinner mamaya" sabe ko, tumingin ako kay Sab "Sab sa susunod nalang kayo mag dinner ha ? Oh kahit nga wag nalang" sabe ko pa
"Uhm. Maybe next time Pip, mukhang may mas importante kang gagawin mamaya eh, next time nalang" sabe ni Sabrina
"Sure, sure, just txt me kung kailan mo gusto I'll make time for it" sabe ni Pip at ngumiti
Nabwibwisit na ako, maglalandian daw ba sila sa harapan ko, aba matindi na yun, di ako makakapayag, Pag may Tiyaga may Nilaga nga daw, kaya mag tatyaga ako kay Pip darating ang araw na magugustohan din nya ako I DECLARE!!
Biglang pumasok si Ma'am sa kwarto namin. "Good Morning get a piece of paper, suprise quiz"
Dito ko talo si Sabrina, walang makukuhang sagod si Pip sa kanya pano eh lakwatsera yan eh buti ako laging nag rereview, math pa naman to first subject. Sus easy lang pala ang quizz eh polygons, sa mga beginner ganitong quiz eh.
Binigyan kami ni Ma'am ng 30mins 1-5 ang quizz I finished it ng 15 minutes. Nakita kong nagkakamot na ng ulo si Sab at Pip, eh ano kayo ngayon hmmp. Pero dahil mahal ko si Pip syempre papakopyahin ko.
"Pip ito oh" sabe ko sabay pakita ng papel ko, aba mapride ang loko ayaw nya tanggapin, nagsarili lang sya.
After nun pinasa namin ang papel chineck agad namin at binalik kay Ma'am
"20-25" pagtawag ni Ma'am sa score isa lang ang tumayo, sus akin na yun
"15-19" medyu madami ang tumayo"
"10-14" mas dumami ang tumayo
"1-9" ayon nagsi dagsaan
"Zero" pagkasabi ni Ma'am isa ang tumayo, lagot ka Sabrina hahahaha.
"Wow Peach?" Tanong ni Ma'am masaya akong tumayo syempre highest ang unang tatawagin
"Nag-iisa kalang na nakakuha ng score mo" sabe ni Ma'am
"Ay syempre naman ma'am I am unique" proud kong sabe
"NAG IISA KANG ZERO, Polygons yung nakalagay pang QUADRATIC FORMULA ANG GINAMIT MO?" Napuno ng tawanan ang classroom
"Ay eh sorry ma'am" nahihiyang sabe ko
"Unique ka nga nag iisa kang Zero" sabe ni Ma'am
"Congrats to Pip for getting the highest score or 23, 2 mistake is ok" sabe ni Ma'am
Haaaaaay, grabeng kahihiyan yun, lupa kainin mo na ako.
----
A/n: Proud na Proud talaga si Peach
BINABASA MO ANG
You Will Be Mine (SethLie X JonLie)
General FictionMay dalawang lalaki sa buhay ni Peach si Pip at si Cloud, sino nga ba ang kanyang pipiliin? Ang taong gusto nya o ang taong gusto sya?