Chapter 6

222 7 0
                                    

It's Saturday and dahil nga may lakad kami ni Pip eh talagang nag handa ako, alam ko after 2weeks eh wala na, stop na kaya suligin nalang natin diba?

"Peach nasa baba na si Pip" pag tawag sakin ni mama

"Opo ma bababa na" Kwinento ko kina mama yung sa deal at pumayag naman sila.

Pagkababa ko nakita ko ang napaka gwapong si Pip, naka high waisted jeans ako and crop top sya naman naka simple black t-shirt at 3/4 na shorts yung hanggang tuhod lang.

"Ano alis na tayo?"tanong nya tumango naman ako

"San tayo pupunta?"tanong ko

"Naisip ko lang do you wanna go hiking?" Tanong nya sakin

"Jusko hiking tapos ganto suot natin? Di ako na inform" sabi ko

"Let's go buy some stuffs" di parin sya ngumingiti pero keribels lang

Pumunta muna kami ng mall, bumili kami ng bags, and properattire pag nag hiking and hiking shoes, tapo ngayon bibili kami ng tent, wait what?tent?

"Pip bat may tent?"tanong ko

"We are going to spend the night there, you ask me to be good to you, and for 2weeks I will make you feel that I love you even though I don't" medyu masaya na malungkot pero sige ok lang atleast klaro na never talaga syang magkakagusto sakin.

After that yun sumakay kami sa kotse nya at nag drive na sya ewan ko kung saan kami pupunta, saan nga ba?

"Pip san ba tayo pupunta?"tanong ko

"Batangas"

"Ah Batangas lang pala, Wait what sa Batangas? Baka anong oras na tayo makadating dun" sabi ko

"Kaya nga doon tayo mag overnight diba"napaka moody naman oh

"Oo nga sabi ko nga, wait tawagan ko lang si mama" sabi ko, at kinuha ko phone ko

"Sinabihan ko na si Tita don't worry" sabi nya

Whole flight tahimik lang kami, shit di ko kaya ang mahabang byahe, parang nasusuka ako, yung air freshener pa nya grabe di ko gusto ang amoy, nandito na kami sa part na parang mabundok

"Pip wait lang stop mo muna nasusuka ako" sabi ko naku masusuka na talaga ako

Hininto nya ang sasakyan, dali-dali akong lumabas at paglabas ko lahat ng kinain ko sinuka ko, pinuntahan nya ako at binigyan nya ako ng vicks wow ready ha

"Tita Pearl told me na hindi ka sanay sa mahabang byahe, kaya ready ako sa pagsusuka mo, patayin nalang natin ang aircon at buksan nalang natin ang bintana, fresh air would be better"naku nakakahiya naman kay Pip oh hays.

"Thanks" nung okay na ako bumalik nalang kami ng sasakyan binuksan ang bintana at pinatay ang aircon

Matapos ang ilang oras na byahe nakarating na nga kami, saan na nga ba kami?

"Pip nasan tayo?" Tanong ko

"Siguro nasa beach" sarcastic na sagot nya

"Naku sorry ha wala kasi akong alam sa mga bundok, yung bundok ko lang alam ko"actually joke yun tawa na kayo

"Bundok mo? Wala ka naman nun" at ngumisi sya, oh my ghad, di ko alam kung kikiligin ako na ngumisi sya o masasaktan kasi wala daw akong bundok.

"Sus ikaw ha gusto mo lang mahawakan eh, sorry conservative ako eh" at umaktong parang tinatakpan ang dibdib ko

"I don't have any plans na mahawakan yan kasi wala naman talaga akong mahahawakan" sabi nya

"Bahala ka nga dyan" dalawang bag lang dala namin yung sa kanya yung bag ng tent tapos yung sskin mga gamit namin pagkain ganun.

Bago kami umakyat ay sinabihan muna kami ng mga dapat naming gawin at mga hindi dapat. Pero dahil nga tangalian na kumain na muna kami bago kami umakyat, lahat libre nya.

Nagpahinga lang ng onti at umakyat na nga kami ang nakalugay kong buhoy ay pinony tale ko ang lamig ng hangin kahit na ang init, nung una kaya ko pa naman eh pero nung nangalahati kami medyu napagod na ako.

"Pip stop muna water break muna tayo" sabi ko

"Ano to basketball?" Tanong nya

"Ano ba napapagod na ako, sige mauna ka nalang dyan susunod ako" sabi ko pero tumigil na din sya umupo kami sa may bato doon.

"Pip" may gusto akong sabihin sa kanya pero wag nalang ayoko na isipin nya na nag iinarte ako

"Ano yun?" Tanong nya

"Wala, thank you sa pag dala sakin dito, I will really treasure this moment" sabi ko, tumango tango nalang sya

Ilang minuto ang lumipas at nangangalay talaga ang paa ko pero ayoko naman na isipin ni Pip na pinag hihintay ko sya

"Halikana Pip"tumayo ako at saktong paglakad ko ay natapilok ako, shit ang sakit ng paa ko.

"Peach okay ka lang?"kita ko pag aalala sa mukha nya.

"Natapilok ako, di ako makalakad ok na ok ako Pip" sabi ko

"Yun naman pala eh halikana akyat na tayo" Aba't di ba nya alam na kabaliktaran yun?

"Hoy Pip, ibig sabihin nun di ako okay"tawag ko sa kanya

"Bat di pa kasi sabihin ng diretso na hindi okay, di ako fortune teller Peach"sabi nya

"Sorry naman uwi nalang tayo di ko kayang mag lakad"sabi ko pero ang ginawa nya piniggy back nya ako at talagang gulat na gulat ako.

"Ang bigat naman kasi eh, ipapahabol ko nalang sa taas ang gamit natin" sabi nya.

Bali naiwan namin ang gamit namin dun at tumawag sya sa tao dun sa baba para ipadala saamin ang gamit. Now I am happy naka piggy back ride ako sa lalaking gusto ko, this is heaven.

----
A/N: Ayun na nga, tell me guys your thoughts and suggestions.

You Will Be Mine (SethLie X JonLie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon