[Spnu- 1]

49 2 0
                                    

                     ~Lies~

Sammy Mendoza

        Andito ako ngayon sa bus stop hinihintay ang bestfriend ko dumating. Nakakainis sya kasi ang usapan namin dalawa magkita sa bus stop ng 6:30 ng umaga pero 7:10 na wala parin sya late na kami sa school nakakainis naman tong unggoy na to..... Habang iniintay ko sya sinaksak ko muna yung earphones ko sa tenga ko at nagpatugtog ng paborito kong kanta....

     Habang nakikinig may naramdaman ako na dalawang kamay na nakayakap sakin kala ko magnanakaw kaya napatalon ako unti pero ng naamoy ko na yung pabango nya. Dun ko nalaman na sya to. Tinanggal nya yung isa kong earphones...

" Saaaaaammmm......." sabi nya sakin ng mahina.. sana hindi matapos tong yakap na go kasi nag eenjoy ako ehh... hehe joke lang pero alam naman natin na hindi matutupad yung sana ko kasi si Chan , oo Chan tawag ko sa kanya at ang tawag nya naman sakin ay Sam ang boyish no? Ewan ko ba dito pero nasanay na ako sa Sam na tinatawag sakin...

    Ay nakalimutan ko ako nga pala si Sammy Mendoza or Sam kaibigan ni Chritian Tolentino...  May gusto din ako sa kanya simula nung una palang, pero ayaw ko sabihin kasi baka masaktan lang ako pero nasasaktan na ako ngayon kasi may gusto syang iba at yun si Wendy Quizon... Wala na akong masasabi kung bakit sya nagustuhan ni Chan... nasa kanya na lahat maganda sya, mayaman,madaming manliligaw pero may isang kakaiba sa kanya... at ako lang ang nakakaalam non... oo mukha syang anghel sa paningin ng mga tao pero sa mala anghel na mukha na may demonyo naman sa loob at ugali nya... pano ko nlaman? Kasi nabiktima nya na ako halos araw araw pag wala si Chan... Oo, may gusto sya kay Chan kaya nya ako binubully kasi masyado akong malapit sa kanya.... Ayaw kong sabihin kay Chan ang tunay na ugali ni Wendy kasi alam kong hindi nya ako paniniwalaan at baka makasira pa ng relasyon naming magkaibigan... So yun nga mahilig ako sa music at may hilig din.ako sa pag gigitara at pag pa piano.... Ok na kilala nyo na ako... balik na tayu sa nang yayari kanina...

" Saaaaaaammmmmm!!!!! " sigaw ni Chan sakin, hala masyado yata akong nag enjoy sa backhug nya.. Sabagay nag enjoy naman talaga ako.. Ay ! Ano ba yan Sam !tama na kalandian...
" A-ano yun?" Sabi ko tumingin sya sakin saglit cofused siguro... pero hinila nya na ako agad sa loob ng bus...
" Sam, paano ba mag aya ng date?" Tanong nya sakin...
" Bakit? " tanong ko pabalik
" ahhhh, aayain ko sana si Wendy bukas " sagot nya sakin.. kaya naman pala nag tatanong ang kumag na toh... pero bakit parang nasaktan ako sa sinabi nya
" Sabihin mo sa kanya kung pwede mo ba syang ayain lumabas." Sagot ko ng pasimple at tumango nalang sya at d na nagsalita hindi na din ako nagsalita kasi wala ako sa mood ngayun ... Bakit naman kasi ako umaasa sa taong d naman ako mahal.. nag pababa na kami sa bus nadaanan namin ni Wendy .... Nginitian nya si Chan pero nung tumingin sakin bahagya nya akong inirapan.... Abay G*go pala tong babaeng to ehh kung pwede lang kitang sakmalin dito sa harap ng bestfriend ko kanina ka pa nakadapa sa harap ko nag papatawad....
"Wendy , magtatanong lang sana ako kung pwede pa litang ayain lumabas bukas?" Sabi ni Chen.. lumingon sya sakin at binuguan ko sya ng maliit na ngiti at lumingon ulit sya kay Wendy ... sana ako yung sinasabihan nya ng ganyan ..
" Sure" sagot ni Wendy bago pa mag salita si Chan inunahan ko na sya
" ahh Chan una na ako kitakits nalang tayu mamaya byee..." sabi ko hindi ko kayang panoorin silang dalawa na nag gaganyan sa harap ko halatang halata na mahal talaga ni Chan si Wendy.... pero ako as a friend lang... ayyy mapunta nalang nga sa classroom late na ko...

~time skip~

Buti wala akong namissed na aralin wla kasi teacher namin ng first period kung sineswerte ka naman talaga ohh...
Andito ako ngayon nasa cafe malapit sa school namin doto kami lagi nag iintayan ni Chan pag katapos ng klase d.kasi kami classmates ehh eto narin yung tambayan namin since 1st year.

Ang tagal ko nang nagiintay wala parin si Chan sa ba pumunta yun d naman yun nalalate ng ganto ahh..
Sinubukan ko syang tawagan pero d sya sumasagot tinwagan ko sya ng tinwagan tapos sa wakas sumagot na rin sya..

Chan:
" hello, Sam"

"hello Chan, nasaan ka na kanina pa kita iniintay di--"

Chan:
" sorry sam, pero sa susunod nalang busy ako ngayon ehh emergency.. dont worry babawi ko pramis"

"sige promise mo yan ahh,geh na byee"

Binabaan nya ako agad aga baka emergency talaga ... de bale na sa susunod nalang may libre naman ako sa kanya buk--
Wait lang si Chan yun ahhh kasama nya si Wendy magkaholding hands sila.. at HINALIKAN NI WENDY SI CHAN! Sila na ba?! Kala ko ba emergency... bakit ganun inuna nya pa yung crush nya kaysa sa kaibigan nya since 1st year... hindi ko alam pero umiiyak na pala ako.... tumakbo ako palabas ng cafe at dumiretso sa bahay hindi ko pinansin si kuya na gulat sa akin dumeretso.ako sa kama ko at inilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko......

" Samm, bakit anong nang yari?" Pumasok si kuya sa kwarto...

" kuya bakit pa kasi kailangan sya pa?! Bakit?! Nasasaktan na ako ehh?!" Sigaw ko habang d parin mapigilan ang pag iyak d nalang sumagot si kuya at niyakap ako....

" shhhhhh, tahan na okay lang yan" sabi nya habang dahan dahanng hinahaplos ang likod ko hindi ko namalayan nakatulog na ako sa balikat ng kuya ko......

A/N:

   Hello po ,sana po nagustuhan nyo yung first chapter sorry po sa mga errors ngayun lang po ako nakasulat ng libro kaya sana po okay lang sainyo ang failures ko pero sana po magustuhan nyo ang kwento.... sorry po sa short update.ko hehe. Yun pang po mag leave po kayu ng vote or NICE comments.... kung ayaw nyo po yung story wag nyo nalang po basahin ..... at wag nyo pong punuin ng masaaamang comments ang story na to... yun pang po salamat...😊😊😘😘

    

Simula Pa Nung UnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon