Chapter3

11.5K 183 7
                                    


Angela's POV

What I did last night is beyond my control. I shouldn't have done it in the first place.

Agad sinalubong ako ng yakap ng Mama at Papa. They were very over protective when it comes to my safety. And very supportive. Lahat binabahagi ko sa kanila. Open kami sa isa't isa. Maybe because I'm the only child? Wala akong maitatagong secrets sa mama at papa. Kaya ng magka-boyfriend ako ay pinayagan naman nila ako, basta hindi lang magtatago ng kahit na ano sa kanila.

At kahit ang away bata namin ng Ex ko dati ay alam nila.

Kaya sobra silang nag-aalala nong umalis ako ng bahay kagabi na masama ang loob. Hindi nila ako papayagang lumabas kung hindi ako hatid-sundo kaya pumayag na rin akong magpahtid. I just told them na tatawag nalang ako kay Manong kung magpapasundo na ako. Pero sinadya kong iwan ang phone sa kwarto. But they didn't know.

"Angela!" Sinalubong ako ng yakap ni Mommy. "Kumusta ka na, anak?" Alam kong sobra ko silang pinag-alala. Nahihiya tuloy ako sa pinaggagawa ko.

"Okay na po. Tara na sa loob." Pumasok na kami ng bahay. "Wag na po kayong mag-alala sa akin. Okay lang po ako." I tried to fake a smile.

Sana lang talaga paniwalaan nila ako. Alam nila kung gaano ako ka strong na babae. Kilala nila ako na kayang lagpasan lahat ng problema, pero hindi ang isang ito. At ang maloko ng akala mong loyal na boyfriend? Sus! Ayos lang! Kaya ko pa rin to no.



I never had a big fight with him before. I really loved James. And I knew that he also loved me very much. Kaya sobra akong nasaktan sa nakita ko.

Nakatunganga pa rin ako sa may terrace ng kwarto ko. Kakalabas lang ng Mommy. Nakatingin lang ako sa labas ng gate. May mga batang nag ba-bike sa loob ng subdivision. Naalala ko pa noong mga araw na masayang tinuturuan akong mag bike ni James. Agad kong binura iyon isip ko at agad na pinagtuunan ng pansin ang lalaking kanina pa parang may hinahanap.

Pinag-aralan ko ng mabuti ang pigura ng lalaking nakatalikod at nang biglang humarap na ito sa gawi ko ay agad ko itong namukhaan. I don't know what's got into me at tinawag ko siya. Na para bang na excite ako sa muling pagkikita namin.


Dali-dali akong bumaba at lumabas ng bahay.

"Louie! What are you doing here?" I asked. Imbes na sagutin ako ay napayuko siya at nakatingin sa mga paa ko kaya napayuko na rin ako.

"Are you that excited to see me?" Nakatawang sabi niya.

"Don't mind it, just answer me. So, what are you doing here?" Bakit nga ba hindi ako nag-tsenelas?

"Nag text sa akin ang pinsan ko. Lumipat na raw sila dito, kaya gusto ko sanang dalawin siya." Nakatingin pa rin ito sa mga paa ko. "Well, if you don't mind kumuha ka muna kaya ng slipper. Ako ang napapaso sa'yo eh"

"Ah! No, its okay. Mukhang wala pang tao diyan, gusto mo sa bahay ka muna namin maghintay?" Napatingin siya sa akin ng nakakunot ang noo. Bakit? Mali bang imbetahin siya sa bahay?

Hinila ko na siya papunta sa amin.

"Hindi ba nakakahiya?" -Louie.

"Hindi yan." Nakangiting sabi ko.

Agad ko siyang pinakilala sa mga magulang ko.

"Ma, Pa si Louie po, 'yong tumulong sa'kin nong nag passed out ako sa bar."

You Change MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon