Chapter6

8.4K 140 4
                                    

Masayang tinungo ni Louie ang kwarto. Nakangiting binagsak ang sarili sa kama. Nakatingala sa kisame. Ini-imagine niya ang magandang mukha ni Angela. Naka-ngiti din ito sa kanya. Napatawa na lang siya sa kanyang guniguni.

Ngayong alam na niya sa sariling lalaki nga siyang talaga ay nasisiyahan siya. Dati masaya siya bilang pagiging bakla niya. Nalihis lang pala siya ng landas. Ang totoo ay talagang lalaki siya. At salamat kay Angela dahil tinulungan siyang mabalik sa dating siya. 

'Salamat sa Pag-Ibig niya.'

Napagpasiyahan niyang bukas ay sasabihin na niya sa kaibigan and nararamdaman niya para dito. Ngayong sigurado na siyang mahal na nga niya ito, wala nang dapat pang sayanging oras.

Bumangon siya sa pagka-higa at inabot ang picture frame na nasa table beside his bed. Solo picture iyon ni Angela.It was stolen picture. Siya mismo ang kumuha ng litratong iyon. Nagbabasa ito ng libro. Gustong gusto niya ang position nito, kaya kinuhanan niya ito ng picture.

Biglang pumasok ang daddy niya.

"Dad" Baling niya dito.

Binalik niya sa lalagyan ang picture ng best friend niya.

"Can I talk to you?" Tanong nito sa anak.

"Of course, Dad" Umayos siya sa pagka-upo.

Hindi niya alam kung kakabahan ba siya sa seryosong mukha ng Daddy niya. Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa kanila.

"Is there something wrong, dad?" Tanong niya dito.

Parang sasabog na ang puso niya sa kaba.

"Do you love her?" Tipid na tanong nito sa kanya.

Hindi na siya nag pa-blind pa. Alam niya kung sino ang tinutukoy ng Daddy niya.

"Halata na po ba?" Nakangiting tanong niya dito. " I guess yes, Dad. I Love Angela. She changed me. Siya ang dahilan kung bakit ko napagtanto sa sarili ko, na nagmamahal na ako. Nang babae, this time" Pabiro pa niyang sabi sa Daddy niya. "I am really thankful to have her in my life, Dad"

Seryoso niyang saad dito. Nakita niyang napangiti ang Daddy niya.

"I'm really waiting for this time, Louie. And I am so proud of you. Welcome back, son." Napayakap siya sa kanyang anak. "If you really love her, don't waste time son. Baka maunahan ka" Pabirong payo sa kanya ng daddy niya.

"I know Dad. And tomorrow, I'll tell her how much I love her. Liligawan ko na siya bukas, Dad"

Pagkatapos nilang mag-usap ay lumabas na ang kanyang ama. Naiwan na naman siyang nakangiting mag-isa sa kwarto niya. Lumabas siya papuntang terrace, at sinalubong ang malamig na hangin.

Ilang minuto din siyang nagtagal doon. Ini-isip kung paano niya sasabihin sa kaibigan ang nararamdaman niya. Pabalik na siya sa loob ng bumukas ang pinto ng kwarto niya. Pumasok sa kwarto niya ang kanyang kapatid.

At bago niya pa ito maitaboy ay nakatalon na ito papunta sa kama niya. Tumatawa pa ito.

"Bleeee!" Sabay labas ng dila. "May utang ka pa sa'king kwento, ate. Kaya andito ako para singilin ka na." Bumangon ito galing sa pagkahiga.

"Okay, pero stop calling me ate first."

Na shock naman ang kapatid niya sa sinabi niya.

"Bakit? Lalaki ka na ulit?" Tanong niya dito, sabay kuha sa picture frame na nasa table ng kuya niya. "Dahil ba sa kanya?" Sabay lahad sa kapatid.

You Change MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon