Chapter7

7.4K 129 2
                                    


Inspired na umalis ng bahay si Louie. Hindi masukat ang ngiti niya ng mag-reply sa kanya si Angela. Napa-isip tuloy siya, mahal na rin kaya niya ako? 

Pero dapat ay ito mismo ang tanungin niya para magkaruon na ng kasagutan ang matagal na niyang katanungan sa sarili. Base sa text message nito kanina, may 5O percent siyang mahal din siya nito. Kaya masayang umalis siya ng bahay at pumunta na ng shoppe.

Mag-aalas diyes na ng makarating sa Shoppe si Angela. Agad siyang pumasok sa office nila. At doon niya nabungaran ang kaibigang, naka-upo sa swivel chair.

"Good Morning, Louie." Sabay upo sa swivel chair niya.

Pinatong sa table ang kanyang bag at violet portfolio. Lagi niya itong dala. Hindi niya ito iniiwan sa Shoppe nila. Nandoon kasi nakalagay ang lahat ng draft niya. Naglabas siya ng ilang draft na na-drawing niya noong nasa high school siya.

"Angela, I have..." Hindi niya alam kung bakit ayaw ng lumabas sa mga labi niya ang gusto niyang itanong sa dalaga.

He practiced a lot kaninang umaga. Pero bakit parang ngayon ay hindi na niya magawa?

"Oh? Bakit napatigil ka?"

Nakatuon na ang atensiyon nito sa kanya, na kanina ay nasa mga designs nito. Ngayon mas lalong kumakaba ang kanyang dibdib. Napayuko siya para tingnan kung na hulog ba ang puso niya.


'Ang corny ko.'  Tanging sambit na lang niya sa sarili.

Napayuko na rin si Angela. Tila na-curious ang dalaga sa pagka-yuko niya.

"Anong meron diyan?" Tanong niya habang nakayuko pa rin. Narinig niyang napatawa si Louie.

"Wala."  Saad niya dito.

"Pinag loloko mo ako, ha?"

Bumalik na ito sa dating ayos niya. At inayos ang pagka-file ng draftings nito At binigay sa kaibigan ang mga iyon. 

"What's this?" Tanong ni Louie.

"Designs ko 'yan. I was in my high school days, noong nabuo ko ang mga  'yan."

Nakangiting saad dito. Isa-isang tiningnan ang mag iyon. Mahusay nga itong designer. High school pa ito ng ginawa ang mga iyon, pero kaya na nitong talbugan ang mga designs niya.

"These are excellent ideas, Angela. Imagine, High school mo pa lang ito ginawa?"

Amazed na sabi dito. At binalik na ang mga iyon kay Angela.

"Thanks." Sambit niya rito. "You know what?" Biting tanong niya dito.

"Try me." Ngiting saad ni Louie.

"Mga ito nalang ang natira sa designs ko noong high school." Sabay wagay-way ng mga designs niya. "Iyong iba binili na ng mga friends ko. Iyong iba naman, hiningi ng mga teachers ko." Baling sa kaibigan habang binabalik na sa portfolio ang designs.

"Binigay?" Shock nitong tanong. "Binigay mo lang?" Pag-uulit nito.

"Oo. Hindi naman ako maramot, no. Tsaka, hindi na nila mabebenta ang mga iyon, well kung nabenta man, may malaking signature ko 'yon" Ngiting saad niya sa kaibigan.

Naputol ang pag-uusap nila ng biglang pumasok ang isa sa kasama nila sa trabaho.

"Ma'am Angela, may naghahanap po sa inyo sa labas. Ma'am gwapo! Akin nalang." Kinikilig na hatid impormasyon sa kanya.

You Change MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon