Chapter11

7.3K 129 5
                                    

Bumangon si Louie para maligo na. Bago pa siya makapasok sa banyo ay pumasok ang daddy niya sa kwarto.

"Can I talk to you for a minute, son?" Bumalik sa pagka-upo si Louie.

"Naglasing ka kagabi. May babaeng naghatid sa'yo. She said she's a friend of yours."

"Ah. Si Georgia po." Pagbibigay niya ng pangalan sa kaibigan.

"Pero hindi 'yan ang gusto kong malaman,son. What's the reason of doing such things like this?"

"N-nothing, dad. I just want to drink. Napasobra nga lang kaya na nalasing." Gusto niyang magsinungaling sa ama niya. Pero hindi siya sigurado kung paniniwalaan siya nito.

"I know there's a reason, Louie. I know you so well, son. So please be honest with dad."

He saw the sincerity in his dad's eyes. Now that he knew he's dad is not convinced with his lies, there's no need for him to lie for the second time. But he doesn't know where to start.

"May kinalaman ba dito si Angela?" Tanong ng daddy niya.

Tango lang ang naging tugon niya.

"What happened? Did she reject you?"

"No, dad. Hindi ko na sabi sa kanyang mahal ko siya."

"Well, don't give up son. Kung hindi mo masabi ng mabilisan, take it slowly but surely. "

"May mahal na siyang iba. So there's no reason to tell her how much I love her. Sabihin ko man sa kanya, it's useless. Masasaktan lang ako." Direkta niyang saad sa ama. 

"No, son. You still need to tell her. Huwag mong hahayaang matalo ka ng hindi ka pa man lang lumalaban. Kapag nasabi mo na sa kanya, wait for her answer. Kung hindi ka niya talaga mahal, then it's your way to accept. Even if it hurts. But the important thing here is, pinaglaban mo ang nararamdaman mo para sa kanya."

Walang masabi si Louie sa sinabi ng daddy niya. But not now. Hindi pa niya kayang ipa-alam dito na mahal na niya ito.

Binuhos ni Louie lahat ng saloobin niya sa pamamagitan ng pag-shower. Kasabay ng pagpatak ng tubig, ay kasamang tumutulo ang kanyang mga luha. Mahal na mahal niya ang kaibigan. May punto ang daddy niya, he need to fight for his feelings for her.

Pero bakit pa? Masaya na ang kaibigan niya. Paano kung maapektuhan ang friendship nila sa oras na malaman nito ang feelings niya. Kung sa kanya nga, naaapektuhan na. Pero bahala na. Ika-nga Go with the flow of life. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Mae, wala pa ba si, Louie?" Kararating lang ni Angela. Nag lunch sila ni James at Anne. Ipinakita na rin niya kay Anne ang design na nabuo niya.

Pagkatapos nilang kumain ay hinatid sila ni Anne ng kuya nitong si James pabalik ng Shoppe, para masukatan na niya ang dalaga.

"Wala pa po Ma'am, eh"

"Hindi tumawag?" Nakapasok na sila sa office.

"Hindi rin po." Nakasunod ito sa kanila.

"Sige salamat." At lumabas na ng silid si Mae.

Naiwan nalang silang dalawa ni Anne. Kumuha na siya ng tape measure at sinimulan na niyang sukatan si Anne. Pagkatapos ay hinatid na niya ito palabas ng Shoppe.

You Change MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon