Chapter12

12.2K 247 49
                                    

Days,

Weeks, and

Months had passed.

No communication.

After the confession, wala na silang balita sa isat-isa. Umalis siya sa Shoppe para hindi na sila magpang-abot pa. Hindi na niya alam kung paano pa haharapin ang kaibigan.
Naisip din ni Louie, ito na siguro ang consequence na kailangan niyang harapin.

Nag text si James na mag di-dinner date daw silang dalawa. Sinundo siya nito at tumuloy na sa isang Japanese restaurant. Pagpasok nila ay nag-tungo sila sa reservation table nila. Pinaghila pa siya ng upuan ng nobyo.

Si James na ang nag order ng kakainin nila. Hindi nagtagal ay dumating na ang order nila. She remembered the time, when she was with Louie.


"Hindi mo ba nagustuhan? Nag-iba ka na ba ng favorite?" Tanong sa kanya ni James.

Napuna kasi ng nobyo na ilang buwan na itong balisa. Wala sa mood, at parating tahimik lang.

"H-hindi. Ito parin na man."

Pilit siyang ngumiti sa nobyo. At kumain na sila. 

Panay sa pagsasalita si James. Tanging ngiti, at pag tango ng ulo lang ang naging tugon niya.

Pagkatapos nilang kumain ay hinatid na siya ni James.

"Gusto mong pumasok muna?" Tanong niya sa nobyo.

"Sure."

Nagtungo sila sa may hardin. Naupo sila sa bench kung saan paboritong upuan nila.

Ilang sandaling namayani ang tahimik sa kanilang dalawa.


"Is there something wrong, baby?" Tanong nito sa kanya.

"Something wrong?" Pag-uulit niya. "W-wala. Wala namang problema." Kanda-utal niyang sabi dito.


"Ilang araw ka ng ganyan. Pagkasama kita wala sa akin ang buong atensiyon mo. May bumabagabag ba sa iyo?"

Hindi niya alam kung paanong sasabihin sa nobyo ang saloobin niya. He was so loving, caring, understanding, gentleman and so good boyfriend to her. Hindi niya kayang saktan ang lalaki.

But she doesn't want to be unfair. Especially to him.

"Baby, you can tell me. I'll listen. And I will understand. Whatever it is."

But she really can't. Ayaw niyang saktan ang nobyo.

"May iba na bang napupusuan ang puso mo?" Nakangiting tanong nito sa kanya.

Then her tears began to fall.

"Don't cry." James wiped her tears.

"I'm sorry. I'm sorry James. Hindi ko sinasadya."

"You don't have to say sorry. Wala kang kasalanan."

Napahikbi na si Angela na parang bata. Ilang sandali siyang nakayapos sa binata. She's glad James' there.

He's comforting her. Nanghumupa na ang pag-agos ng mga luha niya ay nagsimula na siyang magsalita.

"It happened when we're not okay. During our misunderstanding. I was so down that time. There's a guy who's been with me through the days. We became best of friends." She paused a'bit.

You Change MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon