Mahigit 1 buwan na din ang nakalipas simula nung lumipat sila sa dorm. Kasabay ng paglipat nila, nagstart na din yung training nila. Dahil dito naging sobrang hectic ng schedule nila. Training - school - training - tulog. Ganyan ang naging daily routine nila. Kung may free time sila, lalabas sila kasama ang buong team, pero mas madalas na magkasama lang si Alyssa at Den.
Alyssa's POV
TGIF. Yeees no classes tapos wala daw munang training. Ano kayang magandang gawin?
"Besh"
Besh? tama kayo dyan. Matagal tagal na din kaming mag kasama, kapag may problema siya, sa akin siya naglalabas ng sama ng loob, ako ang naging 'shoulder to cry on' niya dito sa dorm. Dahil dun naging mag best friend na kami.
"Oh Besh bakit?" sagot ni Den habang may katext.
"Wala namang class and training, ano bang magandang gawin?"
"Tara punta tayo sa mall, may gusto akong panuorin na movie ehh" sabi ni Den
"Sige sige basta libre mo ako sa movie ahhh Hahahaha"
Bago pa man siya makasagot tumakbo na ako papasok ng cr.
* ligo ligo ligo * pagkalabas ko ng cr nakita ko siya na sobrang busy sa katext niya.
Nang mapansin niyang tapos na ako maligo dumeretso na siya sa cr, di man lang ako pinansin Hahaha.
Bahala siya diyan Hahaha jk lang. Susuyuin ko nalang siya mamaya :)))
Nagbihis na ako. Team ateneo shirt, shorts and vans viola I'm all set.
"Besh, baba na ako mag papaalam muna ako kila Capt. dun nalang kita antayin, bilisan mo ha"
Pagkababa ko nakita ko ang Fab 5 dun.
"Capt. alis lang kami ni Den ahh" pagpapaalam ko sa kanya
"Aba aba magsosolo nanaman kayong dalawa ha" sabi ni capt dzi
"Pagbigyan mo na may date yung dalawa ehh" singit na sinabi ni Ate Gretch sabay kindat
"Ate Gretch naman ehh anong date yang pinagsasabi mo?"
"Hindi nga ba date yan? Hmmm ikaw nga umamin ka samin?" Fille
"Hindi nga to date. At ano namang aaminin ko Ate Fille?"
Woooh grabe magpapaalam lang sana ako tapos na hot seat pa nila ako.
"Kung mahal mo na ba si Den?" tanong sa akin ni A
Nagulat ako sa tinanong ni A, di ko alam sasabihin ko sa kanila
"Silence means yes" sabi ni Jem habang busy sa pagkain niya
"Uhmm ano kasi ahh ano ughh OO!" medyo nauutal at irita kong sabi, nahihiya kasi ako sa kanila.
"Sabi na nga ba ehh" sabi ni Dzi
Tinignan ko siya ng anong-ibig-mong-sabihin look
Tumawa muna siya bago magpaliwanag
"Ehh kasi ba naman Alyssa 'baldo' Valdez, masyado kang halata ehh, nung try outs palang iba na tingin mo sa kanya, grabe ka kung mag care sa kanya." Pagpapaliwanag ni Dzi
"Ewan ko po ba, na mesmerize ako nung una ko siyang nakita, masaya ako pag kasama ko siya, ayoko ng nakikita siyang malungkot kasi parang pati ako nasasaktan din"
"This is love" pang aasar ni Gretch
"Heart heart heart everywhere" pang dagdag na asar ni Fille
BINABASA MO ANG
Thinking of You (AlyDen) on hold
FanfictionSometimes, somethings are best to be left unsaid. "Stupid decisions - We all make them, but it's sometimes funny and magical. Stupid decisions can turn into something else entirely" #HIMYM”