@Dorm
Nabalot ng katahimikan ang dorm nung umalis sila Gretchen tanging ang iyak lang ni Den ang naririnig sa kanilang dorm. Halata mo sa mga mukha nila ang pagkabalisa at pag aalala.
"Den ano ba kasing nangyari?" pagtatanong ni Ella
Hindi sumagot si Den at nagpatuloy lang sa pag iyak.
Binigyan naman ni Dzi si Ella ng wrong-move-ella-wag-mo-muna-siyang-tanungin-tungkol-dun look.
Napabalik nalang ulit sa katahimikan ang buong dorm.
*Kring kring kring kring*
"Kanino bang phone yun?" iritableng pagatatanong ni Fille
"Ayyy akin pala yun ate Fille, Sorry" - Jirah
Pansin naman kay Jirah na malalim ang iniisip niya. Malamang iniisip niya kung ok na ba yung tatlo.
"Ohh sino ba yang natawag?" - Jem
"Hala si Marge po yung natawag" - Jirah
"Oh ano pang inaantay mo sagutin mo na"
"Wag mo nang pag antayin dali na sagot na"
Sabi ng mga teammates niya.
Dahil dito dali daling sinagot ni Jirah ang tawag.
"Hello Marge" -Jirah
"Hello Jirah"
"Nakita niyo na ba si Ate Ly?"
"Oo nakita na namin si Ate Alyssa"
"Ano nang balita sa kanya? ok lang ba siya?"
"Papunta kami sa ospital"
"Hospital?!!"
"Hoy anong hospital yan?"
"Anong nangyari kay Baldo?"
"Bakit papunta sila sa ospital?"
"Ok lang ba si Baldo?"
"Iloudspeaker mo na nga yan Jirah para marinig namin"Ilan sa mga komosyong nangyari nung narinig nila ang salitang hospital. Hindi mo maipinta ang bawat reaksyon ng kanilang mukha dulot ng kaba at takot na baka sa kung anong mangayari sa kateam nila.
Pansin din kay Dennise na mas lalo siyang kinabahan. Nagpatuloy lang siya sa pag iyak dahil sa mapasahanggang ngayon sarili niya parin ang sinisisi niya.
Habang naiyak siya patuloy lang si Dzi sa pagpapatahan sa kanya. Para bang gustong sabihin na, maayos din ang lahat magtiwala ka lang Den,
"Kalma ka lang, nahimatay kasi si Ate Ly inaapoy ng lagnat"
"Inaapoy ng lagnat? bakit anong nangyari sa kanya? Pupunta kami ng team dyan antayin niyo kami."
"Sige sige, dalhan niyo nalang kami ng mga damit pati si Ate Ly"
"Ok ok bye! Ingat kayo diyan"
"Ok ok bye, ingat din kayo"
>End of phone Convo<
Tumayo si Fille at umakyat sa taas para kumuha ng gamit ni Gretchen. Sumunod naman si Jirah para naman sa mga damit ni Marge.
"Ella, ikaw na kumuha ng gamit ni Ly" - Dzi
Tumayo naman na si Ella at umakyat para kumuha ng gamit.
Nang makababa na yung tatlo, sabay sabay na silang pumunta sa ospital. Gamit nila yung van na bigay sa team nila ni Sir Tony.
BINABASA MO ANG
Thinking of You (AlyDen) on hold
FanfictionSometimes, somethings are best to be left unsaid. "Stupid decisions - We all make them, but it's sometimes funny and magical. Stupid decisions can turn into something else entirely" #HIMYM”