Alyssa' POV
Hindi ko namalayan na dinala pala ako ng mga paa ko sa park. Naupo ako sa bench kung saan lagi akong naupo. Sakto naman na walang katao tao dito ngayon.
Iyak lang ako ng iyak. Sobrang sakit ng puso ko dahil sa nakita ko kanina.
"Bakit Den? bakit mo ako nagawang ipagpalit sa kanya?" sigaw ko. Wala akong pakielam kung may makarinig man sa akin
Hahaha shunga ka ba Alyssa? ano ka ba niya? Bestfriend ka lang diba. Isang hamak na bestfriend niya yun lang yun, eh si Myco crush niya malay mo mahal niya nga ehhh. Kung ikaw ba papipiliin sino pipiliin mo bestfriend mo o yung crush/mahal mo? Hahahaha mag isip ka nga Alyssa. Bestfriend ka lang nya. BESTFRIEND LANG.
Langhiyang konsensya 'to. Imbis na pagaanin yun loob ko lalo pa niyang pinabigat. Salamat talaga konsensya salamat.
Hindi ko na napigilan mas lalong bumuhos ang mga luha ko.
Kasabay naman neto ang buhos din ng malakas na ulan. Tignan niyo pati ang Universe nakiramay sa akin.
"Thank you Universe sa pakikiramay" sigaw ko ulit.
Para na akong baliw dito. Wala ko akong balak umalis o sumilong lang man. Sabi nga nila mas masarap umiyak habang naulan. Tama nga sila nakakagaan ang loob pag umiiyak ka habang naulan. Tumingala nalang ako at pumikit, hinayaang pumatak sa mukha kong ang ulan kasabay ng pagtulo ng mga luha sa aking mata.
Napabalik ako sa katinuan ng maramdaman kong parang wala nang ulang pumapatak sa mga mukha ko.
Pagmulat ko nang aking mga mata. Nakita ko si Marge na nakapayong sa akin kasama habang si Gretch naman tinatanggal ang jacket niya at binigay sakin.
"Anong pumasok sa kukote mo Baldo at nagpaulan ka dito? Hindi mo man lang ba inisip na baka magkasakit ka? Hindi mo man lang ba naalala na may mga nag aalala sayo sa dorm?!!!" galit na sabi sakin ni Gretch.
Nakita ko naman na hinahawakan na siya ni Marge para bang pinapakalma.
"Masarap kaya umiyak habang naulan Hahahaha" yan nalang ang nasabi ko.
Then the next thing I know nasa hospital na ako.
@DORM
Third Person's POV
Si Dzi, A, Fille, Gretch, Jem, G. Tan, Marge, Jirah at Den nasa dorm na habang yung iba nasa klase pa dahil pang hapon nga yung mga iba.
Maya maya may kumatok.
"Ako na magbubukas" -Gretch
Pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kanya si Bea and Amy.
"Oh bat basang basa kayo at ang aga niyo umuwi?" - Gretch
"Tignan mo nga oh ang lakas lakas ng ulan, saka sinuspend yung klase kasi daw baka matraffic daw mga estudyante" sabi ni Bea
"Eh asan si Ly? diba nasa isang building lang kayo?" - Gretch
Kanina pa kinukutuban ng masama 'to si Gretch, hindi niya alam kung bakit.
"Ahh she's not with us, baka she's with Ella and Aerieal" - Amy
"Ok ok umakyat na kayo sa mga kwarto niyo at maligo na baka magkasakit pa kayo" - Dzi
Umakyat naman na yung dalawa. Maya maya may kumatok na ulit sa dorm pinagbuksan ulit sila ni Gretch
Pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kanya si Ella at Aerieal hindi nila kasama si Alyssa.
"Asan si Ly? Hindi niyo ba siya kasama?!" nag aalaalang tanong ni Gretch.

BINABASA MO ANG
Thinking of You (AlyDen) on hold
FanfictionSometimes, somethings are best to be left unsaid. "Stupid decisions - We all make them, but it's sometimes funny and magical. Stupid decisions can turn into something else entirely" #HIMYM”