Chapter 22 - That Should Be Me

1.6K 32 1
                                    

Months passed. Same routine parin ang ginagawa ng mga Lady Eagles. Morning training - School - Afternoon Training - Pahinga - Aral. Nasanay na ang lahat sa ganitong routine. 

Sa nakalipas na buwan patuloy parin ang pang liligaw ni Myco kay Den. Kung minsan susunduin niya ito after training para mag breakfast, minsan naman aayain niya mag dinner, kung weekends naman eh aayain niya ito mag mall. Sa tuwing may date sila, laging may dala si Den na bigay ni Myco, minsan bulaklak, chocolates o di kaya teddy bear. 

One night....

Alyssa's PoV

Heto ako abala sa pag babasa ng libro. Pampalipas oras ko na din 'to kesa mag open ako ng social media acounts, pero ginagawa ko naman yun kung minsan :) 

Kakauwi lang ni Den galing sa dinner date nila ni Myco and guess what may dala nanaman siyang chocolates plus teddy bear Ha ha ha how sweet.

"Besh, date nanaman ha. Napapadalas na ata, tapatin mo nga kami, kayo na ba ni Myco?" tanong ni Ella habang kinikuha yung chocolates ni Den.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Pano kung sila na nga ni Myco? Di ko alam gagawin ko.

"Hep hep Jorella Marie sinabi ko na bang sayo na yang chocolates? Akin na nga yan" sabi ni Den sabay hablot kay Ella ng chocolates.

"Damot besh ha! teka nga di mo pa sinasagot tanong ko" - Ella

Hindi man ako nakikisabat sa usapan nila, nakikinig naman ako. Kaya heto ako kinakabahan ulit.

Nagkaroon ng konting katahimikan sa kwarto namin, dahil dito mas lalo akong kinabahan.

Siguro nga sila na. Silence means yes nga diba? I'm so happy for you Den, kasi alam ko namang masaya ka kapag kasama mo si Myco. 

"Oh ano na Besh? natahimik? silence means yes. So kayo na nga. Grabe ka beshfriends mo kami tapos di mo kaagad sinabi samin. Tampo na kami ni Ly, diba Ly?" - Ella

"Ahh ehh oo nga" pakikiride ko kay Ella

"OA mo aleng maliit ha. Hindi PA kami ni Myco okay? saka may iniisip kaya ako" - Den

"PA so may balak sagutin yieee naks naman dalaga na besh namin Hahahah. Kelan mo naman siya balak sagutin aber?" Ella

Yung totoo Ella nabunutan na nga ako ng tinik nung malaman kong hindi naman pala si official. Tapos ganyan pa tinatanong mo, ang sakit na Jorella haaa.

"Syempre pag tinanong na niya ako, alangan namang pangunahan ko siya diba ang panget naman siguro nun Hahhah" - Den

Di ko na kinakaya mga kaganapan dito masyado nang mabigat sa loob. 

"Ahh guys labas muna ako" 

Di ko na sila hinayaang makasagot pa, dirediretso akong lumabas ng kwarto dumiretsong roof top.

Kasabay ng paglabas ng kwarto ni Alyssa, saktong palabas din ng kwarto si Gretch and Marge. Nagkatitigan ang dalawa, para bang nag usap sila gamit ang mga mata nila. Sabay nilang sinundan si Alyssa, dahil alam nilang may problema ang kaibigan nila.

Den's POV

Kakauwi ko lang galing sa date namin ni Myco. Simple dinner date lang naman, pero as usual sweet parin tong si Myco. Super gentleman, mabait, caring lahat na nasa kanya. Siguro nga na fall na ako ng tuluyan sa kanya pero kasi I'm still half hearted pa sa kanya, may mga bumabagabag parin kasi sa damdamin ko ehh.

Thinking of You (AlyDen) on holdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon