Alyssa's POV
Masyado ko na atang tinaasan yung pride ko at hanggang ngayon di ko pa rin siya kinakausap.
Napansin kong nalungkot siya nung si Ella yung kinuha kong partner. After ko kasing tawagin si Ella, napalingon naman ako sa kanya ng hindi inaasahan, at ayun nga ang lungkot ng mga mata niya.
Sorry na Den, promise kakausapin na kita mamaya after training
Sabi ko sa sarili ko.
So nagstart na ang training, partner ko si Ella sa warm up then ayun na nga Receive Set Spike Dig. Paulit ulit lang naming ginawa yun.
Pagkatapos ng 2 oras na training, napansin kong sobrang pagod si Den, halos buong gym na gulungan niya na ata. Kahit kasi hindi niya na zone binabato parin dun ni coach yung bola so siya naman nga itong habol.
Gusto ko na sana siyang lapitin at bigyan ng isang masarap na massage kaso bigla namang sumigaw si Dzi na sa dorm na kami magpahinga.
Pagkatayo ko, balak ko na sanang lapitan si Den para yayain na pauwi kaso hindi daw sila sasabay. So nauna na kaming bumalik sa dorm.
@Dorm
"Akyat na ako ahh, sobrang pagod na ako ehh"
"Ahh ehh di mo ba aantayin si Den?" -Gretch
"Sa kwarto ko nalang siguro siya aantayin"
So umakyat na ako sa kwarto. Naligo na ako kaagad para hindi na ako matuyuan pa ng pawis.
Paglabas ko ng cr wala paring Dennise Lazaro sa kwarto namin.
Haaay san kaya nag punta yun? antagal naman ata nila.
Nagpatuyo nalang ako ng buhok ko kasabay ng pag antay kay Den.
Maya maya biglang bumukas ang pituan. Sa yapak palang ng paa niya alam ko na kung sino siya.
"Den"
"Ly"
"May sasabihin ako"
"May sasabihin ako"
Anak ng meant to be nga naman ohh, so kailangan sabay kami at pareho pa ng sinabi. Kinilig ako dun ha!
So ayun na nga pinauna ko na siya sa sasabihin niya
"Sorry Besh sa inasta ko kanina, nagkamali ako dapat di ko ginawa yun. Sorry talaga di na mauulit" - Den
Tapos may inabot siya sakin na blueberry cheescake at isang venti na frappe.
Sa totoo lang, hindi naman na niya kailangan mag abala ehh. Hindi narin naman ako nagtatampo at presensya niya lang sapat na para sa akin.
"Nag abala ka pa para dito. Sorry din kasi ang babaw lang nung pinag awayan natin"
"So ano, bati na tayo?" tanong niya.
Tumango nalang ako. Nagulat naman ako dahil bigla niya akong hinug. Pero sa hug niya na ito hindi ko mapigilang kiligin.
Kaso natigilan ako nung naramdaman kong basa yung shirt ko sa may part na shoulders. Tinignan ko siya naiyak siya :(
Tinanong ko siya kung bakit siya naiyak.
"Masaya lang, akala ko kasi di na tayo magbabati"
Dennise Lazaro, lagi mo tong tatandaan.
"Ayy ano ka ba, kahit gaano pa kalalim yung pinag awayan at pag aawayan o tampuhan natin magkakabati tayo" - Sagot ko sa kanya.
"Promise?" - tanong niya sa akin

BINABASA MO ANG
Thinking of You (AlyDen) on hold
FanfictionSometimes, somethings are best to be left unsaid. "Stupid decisions - We all make them, but it's sometimes funny and magical. Stupid decisions can turn into something else entirely" #HIMYM”