Beatitude

34 0 0
                                    

(To all who read my last chapter. Hoping for your suggestions. If ever I do have lapses. Please do inform me. Thank you!)
------
June. June. June.
Month of june first check up niya. That time marami na siyang tinetake na gamot. Pabalik-balik siya sa hospital for her medication. Hanggang sa naadmit na nga siya. As a family member nagdasal kami para gumaling siya. Alam naman nating lahat na prayer ang nakakapagligtas sa atin in any struggles or obstacles we're facing. Prayers are powerful ika nga. At ang pinakamalungkot na part di ako nakakapunta kaya prayer nalang atleast may ginawa ako para matulungan siya. Sa sobrang dami naming ginagawa sa school alam kong maiintindihan niya yun. Isa yun sa mga katangian na di na mawawala sankanya. Napakaunderstanding, caring and loving at pasensyosa niyang tao. Sobra! Kahit na galit siya. Kakausapin at kakausapin ka. I don't take it for granted. (A little bit maybe? Hahaha) Habang gumagawa ako ng mga homwework ko. Namimiss ko siya. Wala kasing nagdadaldal sakin. Mga kuwento, pangaral at kung ano-ano pa. Lagi niyang sinasabi "alam mo nung bata ako pinapalo ni tatay yung kamay ko pagdi ako nakakapagsulat ng kahit isang word." Kaya pala. Ang ganda ng sulat niya grabe. Parang ine if the calligraphy style yung penmanship niya. Ginaya gaya ko pero di kaya e. Talo ako pagdating sa penmanship.
"Kahit na mahirap ang buhay namin noon nagsikap ako para makapag-aral." Yeah! I know kaya nga nakaabot ka sa ganyan e. Napatalinong tao. Ang daming alam sa buhay. I salute her.
"kahit walang baon pumapasok ako." Ito ang di ko kaya ang pumasok ng walang baon. "Lampara lang gamit namin noon kaya di ko na pinapaabot sa gabi ang gawain ko. Dahil sa ako ang panganay kailan kong kumilos para sa gawaing bahay." Naranasan ko din maglampara. Grabe ang hirap nga!
Laging pangaral ang mga sinasabi niya. Mga bagay na napagdaanan niya sa buhay na di namin nararanasan ngayon. "Maswerte nga kayo ngayon kasi ganito na ang ulam natin at nakakakain na ng 3 beses sa isang araw." Mga salitang paulit-ulit niyang sinasabi kaya kahit wala siya parang lagi kong naririnig ang boses niya. Ito yung mga araw na wala pa siyang iniindang sakit. Mga araw na sobrang sigla at saya pa niya. Sa halip na matulog siya ng maaga tinutulungan niya pa ko sa mga school works/papers. Lagi niya akong tinutulungan Mapahomeworks, assignments at mga projects ko. Kaming dalawa ang gumagawa kaya sobrang thankful ako na siya yung lola ko na meron akong siya na nag-aalaga sakin, na meron siya na napakasupportive sa lahat ng gusto ko, na meron siya na nagpapaalala ng mga bagay-bagay na dapat ay di ko ginagawa. Sa sobrang kampante ko ang hirap na mag-adjust. Ang hirap sumugal na walang kakampi. Ang hirap makisabay sa agos ng buhay kaya nung naadmit na siya sa hospital. Grabe! Ang hirap mag-isa lalo na pagnasanay ka na may kasama sa mga gawain. Habang gumagawa ako. Tumutulo na naman ang luha ko. Luha ng pagdadalmahati na ni minsan di lumabas sa mata ko. Ngayon lang to nangyari sakin. Nabasa tuloy yung papel sa harap ko uulit na naman ako. Kakaisip sa mga bagay na ginagawa namin dati. Ito ang di ko makakalimutan sa lahat. Kahit na masama ang pakiramdam niya nung time na to. Tinulungan niya pa rin ako. I'm so blessed ang thankful na meron akong siya. May project kami sa Filipino Subject namin dati na kailangang ibuod ang libro ng ibong adarna. Para madali ang gawain. Tinulungan niya ko sobrang saya ko noon kasi di na ako mahihirapan. Siya ang nagbasa. Pagnabasa na niya yung isang Chapter isusulat niya yung buod nito at ako naman ililipat ko sa bond paper. Kaya nga wala akong naintindihan sa librong yun kasi di ko nabasa. (I admit guys! Kaya pagnagtanong kayo about ibong adarna di ko alam hahaha) but then again Life must go on! The show must go on. Habang inaalala lahat ang mga pinagsaluhan naming saya at hirap ni mommy di ko maiwasang malungkot kasi di na siya kasing sigla dati. Tinatanong ko ang sarili ko. "Kailan kaya ulit? Kailan siya ngingiti na gaya ng dati? Kailan siya tatawa na gaya dati?" Mga tanong na di ko kayang sagutin! Mga tanong na akala mo bigla nalang susulpot ang mga sagot sa harap ko. Ang hirap magtanong sa sarili mo na di mo makuha ang sagot sa kung saan man sulok ng mundo. Nagvibrate bigla yung phone ko.

From tita meddie:
Lalabas na si mommy bukas. Nagiimprove daw ang health status niya.

Dahil sa nabasa ko. Di ko mapigilan ang mga ngiti sa mukha ko. Because of this happiness niligpit ko na yung mga gamit ko. Napagdesisyunan ko ng matulog excited ako para bukas. And take note, Saktong sakto walang akong pasok bukas kaya sasama ako. Pati siguro sa pagtulog nakangiti ako hahaha! Kakaisip sa kalagayan niya makakalabas na siya! Di ko na rin namalayan na nakatulog na pala ako. Pagkagising na pagkagising ko. Ngumiti agad ako nang maalala ko yung text na yun. Heto na! Heto na! Heto naaaaaa aaaaaaa!
Ito ang bagong umaga! Masayang araw para sa aming pamilya. Uuwi na siya! Uuwi na siya! Uuwiiii na siyaaa! It's a bit stressful yet we're still blessed. Sobrang saya ko talaga! Di ko mapigilang ngumiti. Sa di mapigilang saya kumakanta at sumasayaw pa ko sa banyo habang naliligo. To inform you guys di lang ako gumagawa nito. For sure naranasan niyo na rin to. Sobrang ligalig ko dito as in. Kung nakikita niyo lang siguro matatawa kayo na kaya ko palang gawin yun. Hahahaha! The time comes, nasa biyahe na kami papuntang hospital. Lahat kami na nasa biyahe. Nagtatawanan at may mga ngiti na kami sa mga labi namin. This time okey na lahat kasi improving na ang health status niya kailngan niya lang mamaintain yun at gagaling na siya. Pagdating namin sa hospital. Tumakbo ako papunta sa kama niya. The curves on her face! Wooooooooooh! Bumalik ang sigla, saya, at yung aura niya iba. Ramdam mo kung saya niya. Iba yung ngiti niya ngayon. Ngiting-ngiti. Sobra pa sa sobra! Babalik na lang siya for her biopsy. Pati sa biyahe sobrang saya namin kasi wala ng malungkot sa amin. Nakikipagtawanan na siya sa amin. Nagkukuwento na rin siya. Ang daldal na niya. Ang dami niyang sinasabi tungkol sa pagstay niya sa hospital ng ilang linggo. "Ang hirap matulog sa di mo nakasanayan." "Ang hirap matulog ng walang katabi." Syempre kami naman nakipagkuwentuhan din sa kanya. Hanggang sa huminto nalang yung sasakyan. Sa sobrang kadldalan at kasiyahan 'di namin namalayan na nakarating na pala kami sa bahay.

----------
I hope you will support this story of mine until the end guys. Sana makarelate kayo ;)
Follow me!
Support me!
Vote for this story!
Until the next chapter!
Thank you so much.

The Hardest GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon