Indicative

12 0 0
                                    

( To make it clear, this story is just a short story of mine. Hoping for your support until the last chapter. Thank you)

--------
What a nice day!! To see her face every now and then. Paggising ko kanina. Nakangiti siya sa amin, sa akin. Everything goes well sa ilang linggong kasama namin siya. Masasayang ala-ala puro tawanan. Walang tampuhang naganap. Hahaha! Lahat naging maayos sa mga linggong nagdaan. Pero ito na naman siya at di namin akalain na sasama ang pakiramdam niya. 24/7 nakabantay sila mama at mga tita ko. Hindi na kasi siya makabangon mag-isa. Alalay ang katapat para makabangon ng maayos. Nahihirapan siya kaya inaalalayan. Naranasan ko din siyang buhatin at i-ayos sa higaan niya. (Not literally buhat) Its just to make her comfortable sa higaan. Marami akong naranasan na hindi inaasahan. Gaya nalang ng: Naranasan ko na gising magdamag, the next day, the other day, the next day after the other day.

Hanggang sa sinumpong na naman at sumama ang pakiramdam niya. This day mababiopsy na siya. Hindi kumain kagabi for her fasting, ni tubig bawal din. (Nakakagutom siguro no? Magdamag walang kain) sinamahan ko sila hanggang sa building kung saan gaganapin ang biopsy session pero di ako nakapasok kaya sa labas nalang ako nag-antay. Hanggang sa OKEY NA LAHAT. Successful ang biopsy session at walang masamang nangyari s kanya. Dahil ok na ang lahat pwede na siyang umuwi ulit. Makakauwi na ulit siya but this time nakawheel chair siya hindi gaya dati na nakakapaglakad ng maayos. Hinang hina na siguro siya kaya pati paglakad at pagtayo hirap siya. Mga araw na nagdadaan. Grabe ang lungkot na nararamdaman ko. Everytime na nakikita ko siyang nahihirapan. Sobrang sakit! Ang sakit sa puso. Huhuhuhu Mga luhang di maawat at di mapigilan. Kumikirot ang dibdib ko. Sobrang kirot. Yung dating titig na titig ako sa mukha niya at inaantay ngumiti, ngayon naglaho na. Hindi ko na siya matitigan. Pagtinitignan ko siya hindi na saya ang dulot nito kundi lungkot at pighati. Lungkot sa mga mukha niya na kahit di niya sabihin ay ramdam ko. Mga mata niyang nababalutan ng pighanti at kalungkutan. Sa mga kilos niya na may gustong sabihin pero nagpipigil siya. Sa kanya ako lumaki ng lubusan. Sa isang panganay na apo. Ako ang unang apo na inalagaan niya. Mas nakasama ng matagal. Paano ko ba maiiwasang di masaktan. Maiiwasan mo ba kung ikaw ang nasa aking kalagayan? Siya ang nag-alaga at nagparamdam saakin ng tunay na pagmamahal ng isang lola. (Genuinely love) Sa kanya ako natuto ng mga bagay-bagay na dapat ay dati ko pa isinaspuso. Paano niya ulit ako matuturuan? Paano ko ulit siya masasamahan sa mga lakad na gusto niyang puntahan? Sa mga lugar na gusto niyang patunguhan? Sobrang sakit sa akin na kahit paghakbang ay di na niya magawa. Sino ba ang dapat kong sisihin? Dapat ba ay may sisihin? Bawat hakbang ko paalis ng hospital ay sobrang bigat. Aalis siya dito sa hospital ng hindi nakakalakad na bago siya pumunta dito ay kaya pa niyang humakbang gamit ang sarili niyang mga paa. Bakit parang hinahatak ako pabalik at may gustong sabihin? Gusto ko man malaman kung anong nangyayari sa kanya pero talagang itinakda yata na dapat nalang ilihim sa akin para di na ako masktan pa lalo. Tinignan ko ang mga anak niya. Masasaya sila tignan na parang walang nagyayari, sa akin na apo masakit na, sobrang sakit na. Paano pa kaya sa kanila. Sa kanila na mga anak niya. Siya na nagluwal sa kanila. Siya na nagbigay buhay sa ka nila. Alam kong pinapatatag lang nila ang mga loob nila pero hinang hina at nasasaktan na rin sila sa nakikita nila.

Pagdating sa bahay binuhat ulit siya para ihiga. Grabe ang sakripisyo nila para kay mommy. Ngayon ko lang din sila nakitang buo at magkakasamang hinaharap to. Sobrang saya siguro ni mommy kasi buo ang pamilya niya. Pamilya na sa hirap at ginhawa na dapat ay kasama. Sana sa hindi ganitong sitwasyon.
Maayos ang takbo ng ilang linggo. Sobrang ayos kasi nakikipaglaro at nakikipag-usap siya sa mga batang apo niya. Hanggang sa isang araw may napansin yung tita ko labi niya. Kulay brown na parang dugo pero sabi nila baka daw yun yung inulam kaninang tanghali hindi lang nanguya ng maayos. Kaya go with the flow ulit. Pumasok ako ng maaga after ng morning session kasi may practice ng C.A.T (training program). Nagpaalam ako sa kanya at ngumiti siya sakin. Tanghaling tapat babad kami sa araw. Di iniinda ang sinag ng araw. Mapadali lang ang training na to. Water break namin ng nagriring yung phone ko pagkuha ko saktong nacancel na yung call kaya nakita kong 13 missed calls na at galing sa pinsan ng mama ko. Sa hindi ko inaasahang pagkakataon biglabg sumagi agad sa isip ko si mommy. Bakit kaya? Anong problema? Nagtatanong na naman ako sa sarili ko. Naiiyak na ko sa kaba. Di ko alam ang gagawin ko hanggang sa tumawag ulit siya. Sinagot ko kaagad para malaman kung ano man ang nangyayari. "Umuuwi ka na daw hinahanap ka ni mommy. Bilisan mo! Ngayon na!" Pagkasabj niya nun kinuha ko yung bag ko at nagpaalam sa teacher na coordinator ng training na yun. Tumakbo ako papuntang bayan kasi nandun si papa. Para mapadali ang aking pag-uwi. Pagdating ko, napakasaya kuya will. Wala siya. Ang malas ko naman ngayon. Kung kailan kailangan ko siya wala siya! No choice kundi tumakbo pauuwi. Tumakbo ng hindi iniinda ang pagod. Kahit pagod at hingal na pinagpatuloy ko ang pagtakbo. Malapit na ko sa bahay ng may marinig ako!

"Wang! Wang! Waaaaaaaang!" Ambulace car. This is the worst ring I've ever heard! What's going on? Why does all of my family members are in hurry? Whyyyyyy? I ran fast as I could! This time, I feel so slow. Sobrang bagal ng pakiramdam ko. Even though I know that I'm in the state of rushing and my adrenaline rush are in process! Hindi ko maiwasang mag-alala! Kinakabahan ako. Naiiyak na ko! Bakit may ambulansya sa harap ng bahay!

Pagdating ko sa bahay. I ask them " what's going on?" No one answers me back! I'm so confused! Akala ko ba hinahanap niya ko? I don't know what to do! "What's going on? What's going on? What's going onnnnn?!" Isa isa ko silang tinanong pero walang sumasagot sa akin. My tita told me to just jump in the car. Kaya sinunod ko nalang siya. Habang humahakbang papunta sa sasakyan kung nasaan siya. Naiiyak na ko sa kaba. Nasa harap na ko ng sasakyan ng makita ko siya. I saw her! I saw her! I saaaaaw heeeerr! Di ko na mapigilan. Hindi ko mapigilang maluha! Iba yung pakiramdam ko! Ibang iba! Nagpaalam pa ko sa kanya kanina pero bakit ganito? She's in pain! Nasasaktan siya. Kilalang kilala ko siya. Nasasaktan siya. Kaya mas lalo akong naiyak sa nakita ko. Ngiti na masaya wala sa mga mukha niya. May mga sinasabi siya na di ko maintindihan. Sa kasamang palad, naadmit ulit siya. Simula noong naadmit siya di na siya nakalabas pa. This scenario makes me feel so sad. Kahapon binisita ko ulit siya. She texted me "punta ka naman dito anak. Wala akong katabi matulog" pagkabasang-pagkabasa ko sa text na yan. Sabi pa ng tita ko lagi daw niya akong hinahanap. Naiiyak na naman ako. Kahit na may iniindang sakit, nagawa parin niyang itext ako at ako pa rin ang gusto niyang katabi. Ako pa rin ang iniisip niya. Yung pakiramdam na gusto mong lumipad nalang para mapabilis ang pagpunta sa kanya kaso wala akong kapangyarihan para gawin yun. 1 hour ang biyahe papunta sa kanya.
The exhausted part na nasa hospital siya. Ito yung Pumapasok ako ng 7am to 5pm umuuwi lang para magbihis at kukunin yung kailangan. It's hard for me na magpabalik-balik. Pagdating ng 5:30pm aalis na ko ng bahay. 1 hour ang biyahe mula sa bahay hanggang hospital. Nakakalungkot bumiyahe na sa hospital ang destinasyon mo. Destinasyong kalungkutan ang finish line. Sa malaking gusali, purong puting pintura ang makikita, iba sa pakiramdam lalo na't ganito ang kalagayan ni mommy. Mahirap para sakin, saamin. Mula noong nasa hospital na naman siya may time na lutang ako pagpumapasok sa school. Walang oras para matulog. Umaalis ako sa hospital ng 4:30 am makakarating sa bahay ng mga 5:30 or 6:00 in the morning. Monday to friday ganun ang peg ko. Pag saturday and sunday magdamag na kami. Wala ng uwian. Sa pagod na rin at puyat naranasan kong matulog sa isang subject ko sa school. (Hindi ko sinasadya) Sa part na to naintindihan ako ng teacher ko kasi pinaliwanag ng mga classmate ko na galing akong hospital at alam nilang puyat ako. (Thank you ma'am) Naranasan kong bihisan at suklayan ng buhok na dati ay kayang kaya niyang gawin. Sabi pa niya sa isa sa mga tita ko and even sa akin "pagpatay na ko gusto ko kayo ang mag-aayos sa akin. Alam niyo kung anong ayos ng mukha at buhok
ko."  Nangilabot ako sa sinabi niya.

----------
I hope you will support this story of mine until the end guys. Sana makarelate kayo ;)
Follow me!
Support me!
Vote for this story!
Until the next chapter!
Thank you so much.

The Hardest GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon