Late sa unang araw ng pasukan si Francis sa Eskwelahan, ng may... tila may kung anong sumusunod sa kanya, sa bawat lakad ng binata at sa tuwing nililingon niya ay wala naman siyang nakikita... gayun siya lang mag isa sa corrigidor ng school dahil nakapasok na ang lahat ng estudyante sa kani-kanilang room maliban sa binata, nakakapangilabot dahil ngayun lang niya ito naranasan.
Walang patawad kahit sa cr ay may tila may sumusunod sa kanya, kaya nagmadaling lumakad ng mabilis ang binatilyo para makapag lagay ng ibang gamit sa kanyang locker, ng kung may anong sumi-sitsit sa kanya pag lingon niya ay wala naman... maya-maya naman ay papel na bato naman ang tumama sa bilkat niya at malamyang echo ng hagigikgikan ng boses ng babae ang naririnig nya...
Madalas itong mangyari sakanya simula ng pumasok siya sa eskwelahan palibhasa wala pa siyang ka-close sa klase at may itsurang tahimik, seryoso at supaldong cute itong si Francis kaya ilag at ilang makipagkaibigan ang ilan sa kaklase niya. Ilang araw na di parin niya maintindihan kung bakit niya nararanasan ang ganito, matapang si Francis kaya deadma lang saknya ang mga ganitong sitwasyon.
Minsan napansin niya sa canteen may dalawang babae na lihim na tingin ng tingin sa kanya at palihim na sumunod pero tinataguan siya pag nillilingon o pinapansin ang mga ito.
Dahil di pa buo ang klase, boring at sa wala pang kakilala ay naglakad-lakad at naglibot-libot muna ang binata sa buong Campus hangang napadpad at nakatawag ng pansin kay Francis ang sirang bakod na sira at sa dako paroon ay may nakakubling burol agad agad niya itong pinuntahan, dahil sira ang bakod na nagdudugtong sa eskwelahan kaya nakalabas at nakapunta siya roon, tila dinadala siya ng malamig na hangin na dumampi sa kanyang mukha, tila may nagtutulak sa kanya at may kung anong misteryo sa lugar na iyon ang nababalot lalo na sa malaking puno at doon naisipan niyang magpahinga hangang sa makaidlip ng di namamalayan.
Nagustuhan naman niya ang lugar dahil sa magandang kapaligiran tila parang garden sa ganda na hinubog sa natural na panahon na may malusog na damong mala bermuda at dilaw at puti na bulaklaking halaman na nasa paligid ng malaking puno.
Habang nag babasa di niya namalayan siya ay nakaidlip at napanaginipan ang isang magandang babae na naka "maria clara" na nag iisa sa likuran ng malaking puno na may kinakausap, mga lambino ( maliliit na tao na may pakpak) kunway' nagising siya sa kanyang pagkakaidlip sa kanyang panaginip at hinanap ang mga munting tinig at malambing na tinig ng isang babae, ng kakalabitin niya at aktong tatanungin ay bigla naman siyang nagising sa lakas ng kulog at kidlat na parang may kuryenteng pumasok sa katawan ng binata kasabay ng ingay nag echong tilian at tawanan at malalakas na boses ng dalawang dalaga sa ibaba ng burol sa tabing sapa.
SAMANTALANG sa ibaba ng burol....
"Hoy! Lora dahan dahan lang wag mo ako hilahin ang bilis mo lumakad baka tayo madulas mababasa tayoooo! (sabay tili ni Aliyah) "Ayyy!" Naku! hayan na tuloy kamuntikan ng mahulog ang bag ko sa tubig Ayy ano ba yan lora anak ng.....shhhhhhhhark?"....
BINABASA MO ANG
Magic true Love
FantasyKwento ng tatlong magkakaibigan at pakikipagsapalaran sa Engkanto para makamit ang tunay na pagibig gamit sa tulong ng magic.