Pangontra at Galit

49 0 0
                                    

" HAHHHHACHO!,,, nagising,,, huh! panaginip lang pala akala ko totoo na" paghaplos sa kanyang mukha ay lumipad ang bulaklak ng dandelion palabas ng terrace, at may tila pwersa ng hangin pumasok at lumabas sa kwarto niya nakita niyang gumalaw ang pintuan at kurtina sa terrace.

"May tao ba diyan sino yan?" tanong ni Francis sabay tayo at sinara ang pintuan ng may napansin siyang isang pirasong bulaklak ng gumamela sa labas ng Terrace napaisip siya ng malallim ngunit nalilito sa kung anong dapat niyang paniwalaan.

"Humm! Parang totoo pero bakit mayroong gumamela, sa isip-isip ng Binata.

Samantalang, maging ang Lola Rosa ni Francis ay nagtataka at nababahala sa inaasal ng binata, madalas ay nasa kwarto nagkukulong at kung lalabas kakain ay gutom na gutom, maagang umuuwi at kung minsan umaabsent. Malayo na ang narating ng pagtulog ng binata tuluyan na siyang na Engkanto kahit wala siya sa puno ay kaya na niya makipag kita sa Binibini. Sa di-inaasahang araw ay nakita ni Rosa ang mga kaibigan ni Francis sa talipapa at nag umpisang mag usisa ang lola ng binata sa dalwang dalaga, kung may nalalaman sila sa pagbabago ng kanyang apo hangang mapag-pasyahang nilang magtulong-tulong  para matulungan at maagapan ang binata

Sa totoo lang, at hindi alam ng lahat at kahit pa kay Lousiana, ay matagal ng panahon siyang nakakulong sa piling ng kanyang lola. Kontrolado ang panahon ni Lola Impa kaya di tumatanda ang binibini, ginawang lahat ng kanyang lola para mapamana ang buong kapangyarihang itim na sa kabila noon ay di parin tinatangap ng binibini ang alok ng matandang akuin ang lahat ng kapangyarihan.

Noong panahon ng giyera at panankop ng Hapon sa Pilipinas, kapag nagkakagulo ang binatilyong si Fredirico ay madalas tumatakbo patungo sa burol upang mag tago sa malaking puno sa laki ng ugat at mallit na hukay nito siya sumusiksik para ikubli ang kanyang balingkinitang katawan sabay tabon ng tuyot na dahon dahil sa takot sa hapon ay di muna siya lumalabas, hangang abutang makatulog at dito nag umpisang makilala ang dalaginding na si Lousina. Limang araw na ng pinaghahanap siya ng kaniyang ina at ama sa kabang baka nabihag o napatay na siya ng sundalong hapon hangang matagpuan nila ang pinunit na pulang tela na nakasabit sa sanga ng puno na nagsisilbing palatandaan ng pamilya na malapit lang siya doon kaya naghalughug at nakita siyang walang malay at ginising nila si Fredrico, nagising at nanghihina inalagaan hangang sa lumakas. At doon nagumpisang balikbalikan ng palihim ang puno. Hangang sa tuluyan, gawin at maging kuta iyon ng sundalong hapon, dahil malapit lang iyon sa kanilang tahanan ay napilitan silang lumikas, lumayo at di na nagkabalik doon. Natapos ang giyera wala na ang mga hapon nakatapos narin si Fredirico ng pagaaral  at nagsilbi sa mga americano at ng makaipon ng malaking salapi muling bumalik doon si Fredrico upang bisitahin ang dating kintitrikan ng kanilang bahay at ang misteryo sa puno.

Wala narin ang kanilang bahay at iilan nalang ang namalagi doon, ang puno balita-balita doon ay pinasabugan at sinunog ang kuta ng mga Hapon ng mga sundalong Filipino at Americano  ngunit dahil sa di sagad ang pag kakaputol  o pagkasira ng puno at may maliit na usbong o sibol ang nagbabadyang muli itong magiging malaking puno. Hindi nagtagal ay naisipan ni Fredirico magpatayo ng maliit na bahay sa dati nilang lote malapit doon, hanggang sa mapalaki, kaakibat ng pagsisikap niya sa buhay, nakapagasawa, nagkaanak at nagkaapo, namatay, bitbit ang istorya sa puno.

Si Juanita 6 taon bata sa edad ni Fredirico, bunsong kapatid ng kanyang itay na bata palang ay may angking kakayahang makabasa o makakita at manggamot ng maysakit, isa siya sa gumamot kay Fredirico, sabay silang lumaki at di lumaon ay nag alaga sa anak na babae ni Fredirico. Tanging si Juanita lang ang nakakaalam ng istorya ng kanyang pamankin dahil na sulat pa niya ito sa kanyang talasarili (Diary) ang naging bahagi siya ng pagpapagaling.

Samantalang, isang araw habang nasa School si Francis ay tumungo ng palihim si Lora at Aliyah sa tahanan nila Francis upang pagusapan  kung ano ang mabuti kay Francis, malaki na ang pinagbago ng binata. Hindi naman lingid kay Lola Rosa ang nalalaman ng dalwang dalaga dahil kilala niya ang mga lolo at lola nila, dahil naging studyante sila ng inang si Juanita bata pa siya noon mga limang taong gulang pa lamang  at nagsilbing alalay siya ng kanyang ina sa mga kagamitan, hangang ipinamana at pangangalagaan ni Rosa, marunong siya dahil naturuan siya ng inang si Juanita ngunit pinili na niyang kalimutan nalang at mamuhay ng normal subalit sadyang mapaglaro ang pagkakataon kaya muling gagamitin para matulungan ang kanyang apo. Nag umpisa  na sila at di naging madali ang pag gawa at pag kontra dahil malakas ang engkanto, pero nanaig parin ang mabuti kaya tumalab ang orasyon dahil ang anyel(tina) sa tubig sa batya ay luminaw at ang mahaba't payat na kandilang asul ay di natunaw magadang senyales na nagtagumpay sila.

Sa mundo ni Lousiana, malakas at galit na sigaw ni Impa ang maririnig na uma-alingawngaw, "LOISIANA! 3x  ARRGGGGGG!" malahalimaw sa lakas ng galit, "nasaan kana naman ano na naman ang ginawa mo?! bakit? namatay ang isa sa mga nakatirik na kandila sa altar WALA NA! kulang na ang kandila?! sabi ko wag mo pabayaan mamatay ang mga sindi!, diyan ako nakuha ng lakas, ang lakas ko ay lakas mo rin!" (apat na uri ng kandila sumi-simbulo sa Hangin, Lupa, Araw at Tubig) Dati ng natunaw ang kandila ng Tubig mahabang panahon ang ginugul kaya nabalik ni Impa ang Kandilang nawala subalit ngayun ay kandila ng Hangin naman ang nawala at kailangan gugulang muli ng 60 daang taon bago makabuo muli, kaya ganun na lang ang galit ng matandang si Impa. At sa kondisyon ng matanda at lagay ni Impa ay mahihirapan na siya dahil ang ibang kapangyarihan ay lihim na nasa Binibini na pagtangap nalang ng Binibini ang inaantay at mabubuo na ang pagsalin at si Impa ay papasok o mamahinga sa Kwintas na suot ni Louisiana.

Tumalab ang unang orasyon nila, hindi dapat mamatay ang sindi ng kandila dahil ito ay natutunaw at naglalaho kaya tatlo nalang ang natitirang lakas ni Impa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Magic true LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon